Wicked_Nymph
♥♥♥
One Month Later......
Lorraine's POV:
Napagdesisyunan ko na ....ngayong araw ko na sasagutin si Anton ...matagal-tagal na din niya akong nililigawan...at sa palagay ko naman....mabait nga talaga siya
Pauwi na ako ngayon galing sa trabaho....
absent si Mercy kaya ako lang mag-isa ang uuwi...mabuti nalang talaga at andito si Anton...may maghahatid sa akin ...kaya hindi ko mararamdaman ang pagod
" Hi Lorraine...out ka na??...wala ka nang bibilhin?" tanong agad nang lalaking sumulpot bigla sa likuran ko
Namimili kasi ako ng gulay para ulam namin mamaya
" Ikaw pala....ahh wala na..pauwi na nga ako ehh ....." sabi ko dito
" So hatid na kita?...wala pala si Mercy.?"
"Wala ehh..absent.......tara na.." sabi ko
Sinimulan na naming lakarin ang daan pauwi ....
"Ahh Anton....nakapag desisyon na pala ako tungkol sa sinabi mo sa'kin.." panimula ko habang nakatingin sa daan
" Hah???T-t-talaga ???B-basted ba ?" sabi nito
" ..alam mo.....wala man lang akong maipintas sa'yo dahil bukod sa mabait ka...malambing at matiyaga ka pa..hindi ko nga akalain na manatili ka parin ehh...
...kaya ..Anton...Sinasagot na kita.." sabi ko dito ng nakayuko....nahihiya kasi ako....ito kasi yung unang beses na may nanligaw sa'kin....at wala pa akong ka alam-alam tungkol sa mga ganito"Totoo ba yan???Lorraine???sinasagot mo na ba talaga ako?" tanong nito na hindi makapaniwala
"Oo nga Anton...Bakit???ayaw mo ba?bawiin ko nalang?" biro ko dito habang nagpatiuna sa paglakad....ayoko kasing makita niya ang mukha ko...nakakahiya
" YEeeeeeeSsss!!!! !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!salamat naman at sinagot mo na ako Lorraine..akala ko ..maghihintay pa ako ng matagal-tagal....hindi ko inakalang ngayon mo na pala ako sasagutin" saad nito na malapad ang ngiti
At ayun nga...kami na talaga....hindi na ako NBSB ....bukas...i kwe-kwento ko ito kay Mercy..kaya lang....kina Inay...ayoko pang malaman nila ito....hindi pa ako handa nuh!
******
Gabriel's POV:
Kakadating ko lang sa Condo ko galing sa trabaho...medyo nakaka stress this past few weeks...kasi....nagka problema sa delivery ng mga products...dagdag pa ang pangungulit ni Cheska..binibisita niya ako lagi at dinadalhan pa ng meryenda which is totally disturbing para sa'kin...halata naman kasing napipilitan ako sa pakikiharap sa kanya pero pilit parin niyang pinaniniwalaan na okay lang ang lahat...
Sumasakit na nga ang ulo ko kasi kapag hindi ko hinaharap...nagwawala agad ...nakakahiya tuloy sa employees ko...kaya no choice kundi ang papasukin sa office ko
Panay text at tawag pa....hindi ba niya alam na busy akong tao.... Nakakabuwisit na din talaga.....
Alam mo yung...ang dami mong ginagawa...ni hindi mo nga alam kung saan ka magsisimula...tapos sumasabay pa ang kakulitan ng isang tao.??parang gusto ko na ngang manapak ehh....buti nalang talaga at babae yun....
Palagi na akong stress ngayon....namiss ko tuloy bigla ang kinagawian ko noon...siguro kung hihirit ako kay Dad na magbakasyon muna ...papayag kaya yun...kahit ilang linggo lang???
Matawagan nga ....
" Hello Iho....??Nasa condo ka na ba?Umuwi ka na?" tanong agad ni Dad sa kabilang linya
"Yes Dad.....I arrived Few minutes ago...naaa bahay po ba kayo?" tanong ko
" Oo...andito kami sa bahay...
kumusta naman ang kumpanya..?"" Ayos lang Dad....medyo nagkaroon lang ng kaunting problema pero okay na...." sagot ko
" Ahh...mabuti naman anak... basta kapag hindi mo alam ang gagawin....tawagan mo lang ako"
" Ahh Dad....Can I ask a fAvor ???" ...sana naman pumayag si Dad
"Sure Iho...anything.." sagot nito agad
" Pwede po bang humingi ng bakasyon?kahit ilang linggo lang po?" anu ba yan...sana naman ay pumayag si Dad
" Bakasyon? isang buwan ka palang jan anak ahh...sumusuko ka na ba?"
" Dad ..ang isang Hernandez po ay ipinanganak na may paninindigan ....kusa ko pong tinanggap ang posisyon kaya...I think...I must really have to stand for it.....all I ask is to have a few weeks vacation...gusto ko lang po ma relax naman ang utak ko...medyo pressured po talaga ako ngayon....besides everything is under control naman.....and I'll call my secretary as often if possible while I'm away to stay updated sa status ng company...." mahaba kong paliwanag
" Okay....Sige...mukha talagang desidido kang mag bakasyon muna ahhh....
Then I'll visit the company while you are away.....so...when would it be?"" The day after tommorrow Dad.. " sagot ko
" Ang biLis ahhh... . saan naman?" tanong ni Dad
" Sa resthouse po sa probinsya....bibisitahin ko din po kasi yung si Mang Andoy..." sabi ko
"Ahh Oo nga anu....matagal-tagal na din tayong hindi nakabalik doon...
...Sige Iho...pero bago ka pumunta dun...pumunta ka muna dito sa atin...baka magtampo na naman ang mama mo ..alam mo naman yun..""Okay Dad..."
"Sige Iho at kakain na kami..mag dinner ka na din jan" sabi ni Dad bago pinindot ang end button
Mabuti nalang at pumayag..kundi...baka mabaliw na ako dun....
Bukas na bukas din...E che check ko muna ang lahat bago ko iiwan sa secretary ko ..
COMMENT
SHARE
FOLLOW
AND VOTEEE
*********

BINABASA MO ANG
"My Destiny" -Hernandez Mansion-(Ongoing)
RomanceWicked_Nymph ♥♥♥ Paano kung may makilala kang isang makisig at mayaman na lalaki sa hindi inaasahang pangyayari at hindi mo namamalayang nahuhulog na pala ang iyong loob dito sa pagdaan ng mga panahon na nagiging m...