Wicked_Nymph
♥♥♥
Third Person:
Sa isang lugar sa probinsya ng Bukidnon nakatira ang pamilya ni Lorraine Perez ....Ito ay medyo may kalayuan sa syudad...mga dalawang oras ang byahe...ngunit depende na din sa takbo ng sinasakyan...kung may kabagalan..inaabot ng kulang kulang dalawa at kalahating oras..
Maganda din naman ang Lugar...maaliwalas at nakaka gaan ng pakiramdam ....mga kulay berdeng tanawin...mga nagtatayugang mga puno ...bukirin na hitik sa bungang kahoy..simple lang ang mga kinagawian ng mga mamamayan ..gayunpaman.. sila parin ay masayang namumuhay sa lugar na ito...
Mula sa sentro ng pamilihan ay mGa tatLong bayan muna ang dadaanan bago makarating sa baryo ng Sta. Fe ngunit hindi naman gaanong kalayuan ito...bihira lang din ang mga jeep na pumapasok dahil na rin sa destinasyon ng mga pasahero...
Lorraine's POV:
"Cecille..kayo ng bahala dito at ako'y aalis na" sabi ni Itay
"Aba! ehhh alas singko pa lamang Ramon hindi ba't napaka aga naman yata? "sagot naman ni Inay
"Ehh dapat agahan ko na lagi para maaga akong makapag simula sa byahe..alam mo naman na hindi lang ako ang namamasada..sayang din ang kikitain ano? " mahabang sagot ni Itay
"Ahh !sabagay ..siyanga pala..nag almusal ka na ba? "
"Aba'y Oo ..tapos na..ohh siyyaa at lalakad na ako .."
hindi naman malayo yung lalakarin ng itay...dahil sa pangalawang bayan lang naman ang may-ari ng jeep na ipapasada niya...
minsan gabi na kung umuuwi si itay...dahil nga din sa layo ng naabutan niya...
"Ahh Inay...Balak ko po sanang magtrabaho sa palengke..may kaibigan kasi akong kasalukuyang nagtatrabaho sa isang kainan sa palengke at ayun nga ang sabi niya ay naghahanap daw ng isa pang tindera yung amo niya dahil nga dalawa lang sila..alam niyo naman po na matao talaga doon " mahaba kong paliwanag
"Ahh!ganun ba anak? magkano naman daw ang sahod ? "tanong ni Inay
"Sabi niya po....depende daw sa kita...kung lagpas daw sa qouta ay mga 180 daw po kada araw...pero pag mababa...nasa 125 daw po ..
.pwede na pong pag tyigaan para pandagdag po sa pambayad sa gastusin sa bahay " sabi ko"Ganun ba? Pasensya ka na anak ha..kung may sapat na pera lang kami ng itay mo...ehh di sana nakapag kolehiyo ka na .." malungkot na sabi ni Inay
"Inay..wag niyo na pong intindihin yun...pasasan ba't makakapag kolehiyo din ako..magtatrabaho po ako at mag-iipon..." sagot ko
"Pero matatagalan ka pa anak para dun" sabi ni inay
"Inay wag niyo na pong isipin yun..kasi...kahit matatagalan ako ay okay lang basta ang importante ay makatulong po ako sa inyo"
"Salamat anak...kung gayon"
"Siyanga pala Inay..huminto na po kayo sa pagtatrabaho..mas mabuti pong dito nalang po kayo sa bahay para hindi po kayo masyadong mapagod" pahabol ko
"Hah?ayy naku anak..hindi pupwede yun..alam mo namang ..
"Inay..matanda na po kayo...ako na pong bahala....kung pwede nga lang sanang pahintuin ko din si Itay ay gagawin ko kaya nga lang ..alam ko naman din pong hindi pa sapat ang kikitain ko sa palengke at si Itay na may pagka matigas ang ulo..." agad kong sabi sa kanya

BINABASA MO ANG
"My Destiny" -Hernandez Mansion-(Ongoing)
عاطفيةWicked_Nymph ♥♥♥ Paano kung may makilala kang isang makisig at mayaman na lalaki sa hindi inaasahang pangyayari at hindi mo namamalayang nahuhulog na pala ang iyong loob dito sa pagdaan ng mga panahon na nagiging m...