Chapter One - He's Back

45 1 0
                                    

Bzzzzzzzt! Bzzzzzt! Bzzzzt!

NAPABALIKWAS ako ng bangon sa sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ko. It wasn't an alarm, but a phone call.

I tapped the accept button. 

"Thank God at sumagot kana!" Bungad kaagad sa 'kin ng editor kong si Sierra. "Alam mo bang  ika-1 million times na ako tumatawag sa 'yo?"

She's been calling me every day, just to check the progress of my new novel. 

"150 missed calls lang wag kang OA." Napahikab ako. 

"Wait, kakagising mo lang ba?" Inis na tanong niya. "Whatever, just make sure na maipasa mo na kaagad yung manuscript by the end of this week. This week, okay? Wala ng palugit!"

Binabaan niya kaagad ako. I rolled my eyes. Why bother calling me if she's just going to repeat the same lines? Ang himbing pa ng tulog ko e! 

Binalik ko ang cellphone sa side table at kinuha ang laptop na katabi ko sa pagtulog. 

Sinubukan kong ipatong ang mga daliri ko sa keyboard pero wala talaga akong maisip na maisulat. 

"Argh!" Sinabunutan ko ang sarili ko at tinapon ang laptop sa kama. 

Bumangon nalang ako at nagtimpla ng kape. Habang iniikot ko ang kutsara sa mug, napaisip ako. How did I get to be this way? I used to be a writer who was filled with passion and ideas for writing. Lahat ng mga novel ko, nagiging bestseller sa mga bookstores. 

I was named as 'the queen of Filipino modern romance'. The two books that I published were adapted as movies. At, naging  blockbuster pa 'yon. Dahil sa mga novels ko, ang daming kinilig, na-inspire, nasaktan, at nakamove-on. I have many fans all over the world. Yung mga pilipino sa iba't-ibang sulok ng mundo ay tinatangkilik ang  mga novels ko.

Pero, ngayon, ang daming nagtatanong sa website ng publishing company namin. Nasaan nadaw ako? Buhay pa ba daw ako? Hindi naba ako magsusulat? May iba pa nga nagsabi na ipapahanap nila ako para piliting magsulat ulit. The fame was really scary. No one ever knows me aside from the people at the company and my close friends.  

 I've been on hiatus for a year now.  I'm on my 15th book and I couldn't think of a plot. I'd like to thank that shitty ex-boyfriend who left me in this loophole. 

Pagkatapos kong lagukin ang natitirang kape sa mug, napagdesisyunan ko nalang na maligo at magbihis. Kailangan ko lang siguro manuod ng sine para magka-ideya ako. 

After wearing a printed shirt and skinny jeans, I left the room with my sling bag. 


PASADO alas 12 ng tanghali na ako nakarating dito sa underground parking lot ng mall. Muntik pa akong ma-agnas sa sobrang traffic! 

I entered the elevator and pressed the 2nd button where the cinema is located. Bago pa magsara ang elevator ay may pumasok din na matangkad na lalaki. Saglit kaming  nagkatinginan sa mata. 

"H-hi," He smiled at me. 

Tinaasan ko siya ng kilay. Luh? Magkakilala ba kami? 

"I'm sorry. I thought you were someone else." Napakamot siya sa ulo. 

Inirapan ko nalang siya at siniksik ang sarili ko sa gilid. Nakakainis! Nakakagigil! Pa presko! Luma na ang pick-up line mo, pri! Tas, kapag sasagutin kita, sasabihin mo naman na 'Kamukha mo kasi ang future girlfriend ko'.  

Nabubuwisit tuloy ang araw ko! 

"Excuse me," He stretched his arm and pressed the 4th button kaya naman napaatras ako. Ang tapang ng pabango niya! Sumasakit tuloy ang ilong ko!

Sell Your Heart to MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon