Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa dating kwarto ko at naligo. Napakainit kasi ng panahon. Nilalagkit ako.
After taking a bath, kinalkal ko ang closet. Ilang mga damit na ang nailapag ko sa kama pero wala akong mapili. Mga lumang damit ko pa nung college ang nandito. Mga out of fashion na.
Pumunta nalang ako sa walk-in closet ni Mommy habang suot ang robe.
The white room was filled with luxury goods. I'm amazed at how everything is in order; the bags, as well as her shoes, are neatly placed on the shelves. Her jewelry, accessories, and clothing all have their own section. Of course, Mommy, who comes from a wealthy family, will not be satisfied with anything less.
I carefully pulled out a peach-colored wrap-around dress and decided to wear it. Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako.
As I stepped down the stairs, my gaze was drawn to the new interior of the house, which I had overlooked earlier. A large living room with beige marble panels, a high-rise ceiling with golden chandeliers, arch windows draped with gold-colored curtains, abstract paintings hanging around, and a set of grey couches.
I'm once again astounded by Mommy's dedication to the house.
"Dana!"
When I looked down, Mommy was already at the bottom of the stairs. Kaya binilisan ko sa pagbaba. She scanned me from head to toe, realizing that I borrowed her dress.
"Sorry, Mi. Wala na pala akong mga damit dito" Pagdadahilan ko nalang.
"It's fine, you look great." She complimented. "C'mon, naghihintay na daw ang bisita natin sa patio."
"Sino ba kasi ang bisita natin, Mi?" Tanong ko.
She just grinned and seemed very happy. "Just wait and you'll see."
I shook my head. Sumunod nalang ako sa kaniya.
Sa tingin ko, importanteng tao etong bisita namin. Bago kasi ako umakyat kanina, hinahanda ni Mommy yung tea set na kailanman hindi pa nagagamit. Hiling ko lang na sana, hindi ito isa sa mga kaibigan niyang chismosa. Tiyak, tatanungin na naman ako kung kailan ako magpapakasal na para bang sila pa yung na pe-pressure kesa sa 'kin.
"Nga pala, Mi." Sambit ko nang makalabas kami ng bahay. "May sasabihin pala ako sa 'yo."
Muntik ko nang makalimutan yung balita na umuwi na si Warren.
"Ano 'yun?" Saglit siyang lumingon sa 'kin at binaling ulit ang attensyon niya sa harap. "Buntis ka?"
"Ha?!" Kumunot ang noo ko. "Bakit mo naman po nasabi 'yan?"
"Hula ko lang." Nagkibit-balikat siya. "Nagulat ako bigla kalang umuwi, e."
May bahid ng pagtatampo sa boses niya. SIguro mga isang taon na rin akong hindi nakakauwi dito sa bahay. Simula nung lumipat na ako sa condo ko, nahihirapan na akong bumisita kina Mommy kasi nga naghahabol ako ng deadline sa mga manuscript na ipapasa ko.
"Hindi po ako buntis, okay? Nakakagulat ka naman, Mi!" Pagkaklaro ko. Isinabit ko ang braso ko sa balikat niya. "Paano naman ako mabubuntis e, virgin pa nga ako."
"Ha?" Huminto siya at natigil kami sa paglalakad. "Di nga? Sigurado ka?"
"Wow, bakit parang hindi pa kayo makapaniwala?"
Maybe she wasn't expecting this. Kasi nga, alam nila pareho ni Daddy na erotic novel writer ako. They were open about it naman, pero nung una, hindi talaga nila matanggap na ganun pala ang trabaho ko. Pero nung nalaman nila na kumikita ako ng 7 digits every project, hinayaan na nila ako.
BINABASA MO ANG
Sell Your Heart to Me
General FictionDana is a famous romance writer who uses a pen name. She broke up with her ex-boyfriend after he deceived her, and now she's having trouble writing. Her savings as well as the money from selling her condo unit were taken by his ex, leaving her homel...