Miss Anon Kim <Coffee Series #2>
My Sweet Enemy <Part 1>
•C • O • F • F • E • E • S • E • R • I • E • S•
I'm currently holding my camera, pointing at some direction to take some interesting photos. But everytime i take a look at results, pakiramdam ko, laging may mali.
Tumingin ako sa kampana sa taas ng simbahan at tinutok doon ang camera, I took some few shots then I decided to go inside the church.
Tumayo ako sa harap ng altar at sinimulang kuhaan ang entrance ng simbahan. At first, it was all good. Not until I saw a girl, walking in the middle and currently looking at the front.
Agad kong tinutok ang camera sa kanya at pasimple syang tinitigan doon. Alam kong wala sa akin ang atensyon niya dahil kung makita niya akong kinukuhaan sya ng litrato, iisipin lang niyang inaasar ko sya.
Pipindutin ko na sana ang shutter pero bigla syang naglaho sa camera.
"Ay kalabaw!" pag tingin ko sa harap ko ay nakaluhod na sya at nakatingin pa sa tuhod niya. Halatang nadapa nanaman sya.
Dahan dahan akong lumapit at tumigil sa harap niya, tinutok ko sa kanya ang camera at agad syang kinuhaan ng litrato.
"Tsk, clumsy head"
"Hoy!" Lumayo ako ng inambahan niya ako ng hampas. Napatingin din ako sa paligid and thank God, wala kaming kasama. Nasa loob pa man din kami ng simbahan tas sisigaw sigaw sya.
"Nadapa na nga yung tao, kukuhaan mo pa ng litrato! Eh kung tulungan mo kaya ako?" Sarcasm is visible in her voice, pero di na ako lumapit at tinignan na lang ang screen ng camera ko.
"Ooh, look, it's a perfect shot" manghang bulong ko habang pinapakita sa kanya ang litrato niyang nakasimangot habang nakatingin sa maputi niyang tuhod. Mukha syang isda!
"Tulungan mo muna ako dito!" Tinaas niya ang kamay niya kaya tinitigan ko iyon.
"Kaya mo na yan, di ka naman napilay 'no. Namula lang tuhod mo" natatawa kong bulong sabay lakad palabas ng simbahan.
"Aurghh! Napaka-antipatiko mong bwisit ka!"
"Show some respect lady! Nasa simbahan ka kaya!" Mahina kong sigaw nang nasa kalahati na ako palabas ng simbahan samantalang sya naman ay naka-upo pa rin sa loob, sa sahig to be exact, wala ata talagang balak tumayo.
"Tumayo ka na! Mamaya mapagkamalan kang nagmamalimos dyan!" Nakangiti ko pa ring sigaw saka pinagpatuloy ang lakad palabas.
• C • O • F • F • E • E • S • E • R • I • E • S•
YOU ARE READING
Coffee Series #2: My Sweet Enemy
Short StoryGaano nga ba katagal ang kaya mo para maitago ang tunay mong nararamdaman sa isang tao? Kapag dama mong wala kang pag-asa o kapag alam mong hindi pa iyon ang tamang oras para sa inyong dalawa? Read Jay and Aya's story now!! Coffee Series #2: My Swee...