Part 5:

10 2 0
                                    

Miss Anon Kim <Coffee Series #2>

My Sweet Enemy <Part 5>

•C•O•F•F•E•E•S•E•R•I•E•S•

I wanna ask her to go out with me, but I was too coward to admit it...I was too coward to admit that I'm in love with her.

"Hoi! Akin na yan!" Sigaw niya sa likod ko nang kunin ko ang bag niya habang natakbo kami.

Parusa kasi namin yun dahil late kami nakapasok ng gate.

"Ako na! Mamaya madapa ka pa't masubsob mukha mo, mag mukha ka pa lalong zombie" nakangiti kong sigaw at iniwan na syang hinihingal tumakbo.

Dahil sa hiya ay dinadaan ko sa pang-aasar ang mga bagay na gusto kong karaniwang gawin sa kanya. Hindi ko nga alam kung nakakatulong yun para gumaan ang pakiramdam niya sa akin. Pero as long na nakikita kong nakangiti, okay na rin sa akin.

"Akin na, ako na gagawa" inabot ko ang eraser ng board at inabot ang sulat sa tuktok.

"Kaya ko naman ehh"

"Paano mo nasabi? Di mo nga maabot" natatawa kong bulong habang binubura iyon.

"Kaya ko kaya! Akin na dali, pakita ko sayo" pinilit niyang abutin ang eraser pero natawa na lang ako nang kamay ko ang maabot niya.

"Nice, ang smooth...ang ganda ng moves mo ahh" natigilan sya ng marealize ang ibig kong sabihin.

"Luh, antaas ng pangarap mo, grabe!"

"Hindi naman, maliit lang kaya pangarap ko" binalik ko ang eraser at nag lakad palapit sa harap ng upuan niya, naupo na rin sya sa pwesto niya kaya magka-harap na ulit kami.

"Sige nga, gaano ba kaliit yang pangarap mo?"

"I don't know... " nag kibit balikat ako saka naupo sa upuan ko na kaharap din ng pwesto niya mismo.

"Ano ba height mo?" casual kong tanong.

Di na sya nakapag-salita, basta ngumiti na lang sya na agad ko rin namang sinabayan. Nagets kaya niya?

"Ang corny mo naman, sa iba mo naman ipasa yang kacornyhan mo" 

"Ayoko nga"  I know it sounds a bit corny but atleast, I made her smile.

Everyday, if ever I had a chance, I always took some photos of her. Wether she's smiling, laughing, studying, playing, walking or running. Every moment I felt something, lagi ko yun kinukuhaan ng litrato.

"Maganda ba?" She grabbed my camera and looked at some of the shots I took.

"Kinukuhaan mo pala ako litrato? Pero bakit naman nakanganga ako dito?"

Tinutukoy niya yung litrato niya sa cafeteria habang nasubo ng isang buong sushi, ha...funny.

"Bagay naman ah" hinampas niya ang balikat ko. Inagaw ko agad sa kanya ang camera bago niya ako mahampas ulit.

"Idelete mo yan hoy! Nakakahiya, baka may makakitang iba!!"

"Ayoko nga! Aabot pa toh hanggang 6 years noh!!"

Nag simula akong tumakbo nang sinubukan niyang hablutin ang camera ko. Para kaming mga bata na nag aagawan ng camera sa malawak na field ng campus namin.

And yes, after how many months of secretly giving her coffee and gifts , I also started to show  some not so sweet affections towards her and I will never forget those days. Where I became her sweetest enemy....

•C•O•F•F•E•E•S•E•R•I•E•S•

Coffee Series #2: My Sweet EnemyWhere stories live. Discover now