CHAPTER 4

34 4 5
                                    

KAIRON’S POV

Pumasok ako ng classroom at lahat sila napalingon sa akin pati na din ang Prof na nakaupo sa harap.



“Nice to see you, Mr. Kairon--”



Lumapit ako dito saka may ibinulong.


Nanlaki naman ang mga mata nito saka napatingin sa akin.




“Are you sure about...t-this?”



Tumango ako rito at saka napatingin sa relo.



Sakto malapit na mag-start ang klase.


Tahimik na naglakad ako papunta sa upuan ko at saka sumandal at pinagkrus ang mga braso.




“Hi guys!”



“Oh my God. Sila Cyrus!!” kinikilig na tilian ng mga babae.



Tss, ang aarte.



Gwapong-gwapo sa sarili na naglakad papasok ng classroom ang mga kupal habang si Cyrus pa ay kumakaway na parang isang Ms. Universe habang naglalakad patungo sa upuan niya.



Kasuka. -__-




“Ang gwapo niya talaga!”




Napapikit ako dahil d’on sa tumili at napatingin rito saka ko ito tinaliman ng tingin.


“Pwede ba wag kang maharot? Ang tinis-tinis ng boses mo” saad ko rito dahilan para matikom nito ang bibig at napayuko.




“S-sorry!” aniya pa.




“Tss. Sorry my ass.”



Napabuga ako ng hangin ng biglang tumabi sa akin si Cyrus at nilagay ang isang braso sa balikat ko.



“The day is too nice to be in a bad mood--” sinamaan ko ito ng tingin.



Tinanggal nito ang braso niya na nasa balikat ko at saka itinaas ang dalawang kamay.


“Okay, Okay. Wala ka nga sa mood--”




“Oo, at baka sipain ko ‘yang pagmumukha mo paalis dito sa upuan ko” may diin na sambit ko rito.



Nakanguso na tatayo na sana siya pero bigla itong napatigil at napatingin sa harap.



“Uy, si zaf oh--” si Cyrus.



“So?”



“Wala naman hehe!” Anas niya sa akin pero hindi ko nalang ito pinansin.



Natoon ang atensyon naming lahat doon kay nerd at nakita ‘kong nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa prof.



Lumingon ‘yong prof sa akin at saka ko itinaas ang braso ko at itinuro ang relo.




Let’s see her... Suffer.




“Sorry Miss Alvarez but you are 10 minutes late.”



“Pero prof inutusan po kasi ako n’ong--”



“Late is late. Reasoning is not allowed, and we have a policy here. Hindi papapasukin sa klase ang mga estudyanteng late. Unless...”



Napatingin sa akin ang prof pero tinignan ko lang ito ng diretso at saka nito binalingan uli ng tingin ‘yong nerd.



“Unless, ano po?”




“Unless you will sit on the air for 20 minutes. Your minutes of late will be times in two.”



Lihim na napangisi ako dahil sa sinabi nito at nilagay ang mga kamay sa desk.



Hmm... This is fun.




“What the hell? 20 minutes?! That means...” napalingon sa akin si Cyrus at nagsalita. “20 books will be--”



“Every one minute, each student will be putting one book in your arms, hanggang umabot sa 20.”





Kinakabahan na napatingin sa harap ‘yong nerd at saka ilang saglit pa ay binend nito ang mga paa at itinaas ang dalawang braso sa harap.



“Gosh! Kawawa naman sya.”



“Sinabi mo pa girl!”




“Ayan kasi, kay bago-bago pero kung umasta parang--tsk. Basta! Panget siya!”




“Hindi ata sila dinisiplina ng maayos sa cheap nilang school dati, gosh!”




“Skwater!”




Everyone is gossiping about her. Nakatitig lang ako habang nakikita kung gaano siya nahihirapan. Umagos ang pawis niya galing sa noo papunta sa kaniyang pisngi pero hindi nito magawang punasan iyon dahil baka malaglag ang mga librong nasa braso niya.



“One wrong move, and you’re dead.”




Nakangisi na nakatingin lang ako sa kaniya habang ito naman ay nakatoon ang tingin sa sahig dahil sa labis na hiya.




“Paupuin mo na kaya s’ya? Kawawa naman--”



“Kung gusto mong tulungan, sabayan mo nalang siya d’on.”



Napanguso si Cyrus dahil sa sinabi ko at maya-maya pa ay nagsimula ng mag discuss ang prof sa harap.



“My turn.”




I turned my gaze at the one who just spoke. At nakita ko ang isang lalaking nerd din na naglakad papunta kay panget habang may hawak itong malaking libro. Umangat ang gilid ng labi nito matapos ilagay ang libro sa braso ni panget.

That Gangster Fall Inlove with a NerdWhere stories live. Discover now