CHAPTER 7

27 3 1
                                    

KAIRON'S POV

"Hoy Cyrus! Ikaw ba yung mabaho?"


"Hindi ah. Baka ikaw!"


"Shut the fuck up! Kayo na nga 'tong nakikisakay kayo pa 'tong maingay!" Saad ko sa kanila.



Kasalukuyan kasi kaming pauwi galing school at itong dalawang tanga na nasa likod nakisakay lang kasi daw pina-car wash pa daw 'yong sasakyan nila kanina. At kanina pa sila nag-aaway kasi mabaho daw, at naaamoy ko din. Nababadrip ako hindi lang dahil sa mabaho kundi dahil ang iingay din nila, puta. Mga stupido talaga.




"Ikaw kasi eh! Ingay mo!" Saway ni Cyrus kay Mike na nakasandal sa upuan at nakanguso. Kadiri ang gago.



"Malamang mag-iingay talaga ako. Katabi ko ba naman mabaho? Tsk!" Bulyaw naman ni Mike rito.




"Hindi nga kasi ako 'yong mabaho! Ikaw nga kasi 'yon Mike!"




Tiningnan ko naman sila ng masama sa salamin at nakita 'kong binatukan ni Mike si Cyrus.




"ARAY!"



"GAGO! Ikaw kaya yung kanina ko pang naaamoy na mabaho! Maligo ka naman minsan!"




Shit. Ang ingay talaga, masakit sa tainga tangina.




"Tatahimik ba kayo dyan o ibabalibag ko kayo dito palabas ng sasakyan ko?!"



Nakita ko naman na natahimik na sila dahil sa sinabi ko kaya tinuon ko na ang pansin ko sa pagda-drive. Isa-isa ko ng inihatid ang mga punyeta sa bahay nila kaya pinaharurot ko na ang sasakyan pauwi ng bahay.




Nang makarating na ako sa bahay ay agad akong binati ng isa sa mga maids ko. "Good evening po sir, tunawag nga po pala dito 'yong mommy nyo kanina."



Tiningnan ko lang ito at agad na nagtungo sa loob.




Wala kasi sila mom, nasa states sila ni dad. May inaasikaso silang business d'on at ako lanh 'yong naiwan sa malaking bahay na 'to kasama ang mga maids at guards.





Sanay naman na ako.





Hindi sana ganto katahimik 'tong bahay na 'to kung buhay pa sana si Xierra, 'yong kapatid 'kong babae.



I missed her damn much...




Agad na napakuyom ang mga kamay ko ng maalala na naman 'yong kalunos-lunos na nangyari sa kanya. Hindi ko maiwasang mapapikit dahil mapahanggang ngayon nadidinig ko pa din ang bawat hagulgol at pagmamakaawa niyang huwag syang patayin habang nakikinig ako sa kabilang linya.



Galit ako. Ipaghihiganti ko siya. Papatayin ko silang lahat. Papatayin ko ang lahat ng bumaboy sa kapatid ko.





"Their death is not enough for your life, I'll make sure I'll kill them all. Hahanapin ko yung gagong leader nila."


Hinding-hindi ko makakalimutan ang kahayupang ginawa nila sa kapatid ko. Gusto ko silang isa-isahing pagbabarilin at giitan sa leeg. At sila mismo ang paghuhukayin ko ng mismong hukay nila. Mga gago.




Umakyat na ako sa itaas at nagtungo sa kwarto ko. Nilapag ko lang ang bag ko sa gilid ng kama at pumasok ng CR para maligo. Gusto ko lang malamigan yung isip ko. Walang ka-kwenta pa din yung nangyari saakin ngayong araw na'to.




Nang tapos na akong mag shower ay agad na akong nagbihis at nanood na muna ng movie. Nadinig ko naman ang mga pagkatok sa pinto.



"Pasok."


"Excuse me sir, nakahanda na po yung pagkain nyo,” sabi nung maid sa akin kaya tumango nalang ako.



"Sige. Susunod nalang ako dun," saad ko rito.



Sinarado na niya ang pinto kaya naalala ko na tumawag nga pala saakin kanina si Mama. I'll just chat her na gabi na ako nakauwi.



I am more close with my mom since I was a kid. She’s my everything. Sila ni Xierra. Napasimangot at napabuga nalang ako ng hangin ng maalala si Kierra. That woman is still a bitch, she will, and always will be. That freak.




Katulad lang sila nung panget na nerd. Gustong-gusto talagang inisin ako. Mga papansin at salot sa lipunan, salot sa lahat. Hindi ko maiwasang isipin kung bakit tinanggap siya ng university? Tsss, scholar ha. Let’s see.




“Hindi pa ako tapos sa’yo,” saad ko at napangisi sa kawalan.





Napatingin ako sa bed side table ko at nakita ko na wala doon yung phone ko.




"Where the fuck is it?" Utas ko dahil kanina ko pa napapansin simula ng umalis ako ng campus na hindi ko ito hawak.




Tumayo na ako at bumaba sa kama ko. Pinatay ko muna ang TV at bumalik sa kama para hanapin ang bag ko. Nakita ko naman itong nasa ibaba ng sofa. Agad ko itong pinulot at nagpunta pabalik sa kama para maupo.



I opened the zipper of my bag at bumungad saakin ang mabahong amoy.




"WHAT THE FUCK IS THIS?!" sigaw ko nang tuluyan kong mabuksan ang bag ko at makita ang nasa loob.

That Gangster Fall Inlove with a NerdWhere stories live. Discover now