CHAPTER 10

43 2 1
                                    

ZAFRINA'S POV

"Saan ka pupunta?"

Naglalakad ako palabas ng campus habang dala-dala ang bag ko nang makasalubong ko si Kyo. Nakakunot ang noong nakatingin ito sa akin bagaman kitang-kita ko ang pagtataka na rumerehistro sa kaniyang mukha.

Teka...ano ang dapat kong sabihin?

"Uuwi na," hindi ko maitago ang lungkot sa tinig ko.

Hindi ko malaman kung bakit humantong pa ako sa ganito. Labis ang pagsisisi ko na pinatulan ko ang kayabangan at kapangitan ng ugali ng isang iyon, yung Kairon ang tinutukoy ko. Hindi ko naman alam na anak pala siya ng may-ari.

"Uuwi? Hindi pa naman uwian ah?!" Muling dagdag pa nito.

'Alam ko. Gusto ko lang takasan ang pinasok kong gulo sa kaibigan n'yo...'

"Iyon b-ba? Ano kasi, tumawag ang mama ko, emergency daw." Pagsisinungaling na sagot ko sa rito at napahigpit naman ang hawak ko sa laylayan ng bag.

Ngayon pa lang na ang kaibigan niya pa lang ang nakakaharap ko ay kinakabahan na ako, paano nalang kaya kapag siya na? Hindi ko tuloy alam kung may kapaglalagyan pa ba ako ng kaba ko.

Saglit itong natahimik kaya biglang lumukot ang mukha ko. Aaminin 'kong nalulungkot ako pero wala na akong magagawa.

"Why? Is this about what just happened earlier? I can tell Kai about it--"

"No. Huwag na, saka isa pa kasalanan ko naman eh," Pagpuputol ko sa sasabihin n’ya.

"It's not your fault," aniya dahilan kaya makonsensya ako.

'Its's my fault. Kasalanan ko Kyo, kung alam mo lang...'

Napabuntong hininga nalang ako sa naiisip ko. Ang bait niya lang dahil sa kabila ng nangyari sa amin ng kaibigan niya naniniwala pa din siyang mabuti akong tao, at hinding-hindi ako makakagawa ng mali sa kaibigan niya.

"Sadyang ganoon lang talaga ang ugali nun lalo na kapag galit," sambit nya sa akin kaya napabuntong-hininga ako.

'Haysssss...'

Ngumiti lang ako dito at inayos ang pagkakasuot ko sa aking salamin. Hindi  ko maiwasang mapatingin sa mukha niya dahil kung gaano siya kabait sa akin simula noong una naming pagkikita.

"Siguro nga, pero okay lang talaga. Sasabihan ko nalang si nanay tungkol dito," untag ko at matamlay na napangiti.

"Baka kasi–"

"Okay lang talaga haha," sapaw ko sa sinasabi niya at nginitian siya. "Thank you nga pala sa pagdali niyo sa akin sa clinic," dagdag na ani ko rito.

"It's fine. Are you really sure you are okay?"

Tumango lang ako dito bilang tugon. Maya't-maya ay nagpaalam na rin ako. Hindi ko din gustong maabutan pa aoo rito ng kaibigan niya. Wala pa naman akong naiisip na pwedeng sabihin at irason ko rito dahil sa ginawa ko.

"Sige, mauna na ako Kyo. Salamat uli," sambit ko muli rito.

"You sure? Gusto mo ihatid nalang kita?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi7 niya at napaangat ang tingin ko sa kaniya. Bukod na nakangiti siya sa akin ay alam ko na seryoso siya sa sinabi niya.

"Ha? Wag n-na, kaya ko naman na umuwi saka malayo sa amin," nahihiyang usal ko rito.

"No. It is the least that I can do—"

That Gangster Fall Inlove with a NerdWhere stories live. Discover now