1st Lie: I'm Not Beautiful

2.2K 30 0
                                    

a/n: this was inspired by a Facebook post :"> 

Zac and Cherry on the side ---->

Hope you'll like this story. :)

Don't forget to vote, comment and be a fan. Salamat! ^^

---

1st Lie: I'm Not Beautiful

We've been childhood friends. Hindi ko alam pero mas nauna yatang nag-mature yung utak at puso ko sa aming dalawa. Dahil sa mura kong edad, agad akong nagkagusto sa kanya.

Hindi ko alam kung pano pero habang nagtatagal ay paganda ng paganda ang itsura niya para sa akin.

"Tignan mo 'to!" sabay pakita sa akin nung art project na ginawa niya para sa school. Naka-drawing dito yung tambayan naming dalawa na malapit sa may ilog.

"Wow! Ang ganda naman! Ang galing mo talaga mag-drawing Cherry!" manghang-manghang sabi ko sa kanya habang tinitignan ng mabuti yung larawan na iginuhit niya.

"Syempre naman! Ako pa..." pagmamayabang niya.

Then out of the blue, "Ang ganda mo naman Cherry..." biro ko sa kanya

"Ano nga yun?" hindi niya yata narinig.

"Sabi ko ang ganda mo!" pag-uulit ko.

"Oo, alam ko, maganda yung drawing ko." sabi niya sabay tingin sa malayo.

Kinapitan ko yung pisngi niya at iniharap sa akin, tsaka sinabing, "Oo. Maganda yung drawing mo... Pero mas maganda ka..."

Natahimik siya sandali at umiwas ng tingin sa akin.

Tapos, "Che! Tumigil ka nga Zac! Nakakaasar ka na ah..." sabay palo sa may balikat ko.

"Oo kaya. Pag lumaki na tayo, liligawan talaga kita..." patuloy kong pang-aasar sa kanya

"Isusumbong kita kay Mama!" tapos parang umiiyak na tumakbo paalis nung playground. Naiwan niya sa akin yung art project niya para sa school.

Napailing na lang ako at napatawa dahil sa reaksyon ni Cherry. Kahit kelan, hindi mo matimpla yung batang yun.

---

Minsan, nung nagkaroon ng valetines party sa school namin, agad ko siyang niyaya para maging ka-partner ko.

"Dali na! Ikaw ang gusto kong maging kapartner..."sabay kapit sa kamay niya.

“Ayoko nga! Hindi tayo bagay. Gwapo ka, panget ako. Imperfect combination!” sabi niya sabay bitaw sa pagkakakapit ko. Pero agad kong kinuha yung kamay niya para hindi siya makabitaw sa akin.

"Anong panget? Hindi ka panget, maganda ka. Sobrang ganda mo nga eh..."

"Eh wag na nga kasi ako. Ang panget-panget ko kaya. Maghanap ka na lang iba. Tsaka hindi ako aattend nung party na yun..." sigaw niya sa akin.

"Eh? Maganda ka kaya... Sino ba nagsabi sa'yong panget ka? Sasaktan ko. Umattend ka na please..." pagpipilit ko sa kanya.

"Hindi, panget ako. Panget ako... Sobrang panget ko... Babay!" tapos nag-walk out siya agad.

Panget? Hindi siya panget. Sobrang ganda niya nga eh. Maraming lalaking nagkakagusto sa kanya at isa na ako doon. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niyang masasabihan ng maganda. Parang ang nakatatak lang sa utak niya ay panget siya, pero sa totoo lang hindi niya lang ma-appreciate yung itsura niya. Siguro dahil sa maraming ibang babaeng mas maganda sa kanya. Pero para sa akin, siya pa rin ang pinakamaganda.

"Stop calling me beautiful. I'm not beautiful. Okay."

That was her first lie.

5 Lies of my Girlfriend [Short Story] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon