2nd Lie: I'm Not Smart

1.3K 25 2
                                    

a/n: Cherry on the side ---->

Thank you sa pagbabasa... Don't forget to vote, comment and be a fan kung gusto nyo :)

God bless! ^^

---

Nagkahiwalay kami ng langdas nung high school namin dahil lumipat kami ng lugar. Hindi na ako nagkaroon ng kahit na anong communication sa kanya.

Yung last time na magkasama kami, sabay pa kaming umakyat ng stage nun. Siya kasi yung valedictorian ng school namin tapos ako naman yung salutatorian. Magkatabi kami sa stage habang kumukuha ng pictures yung mga photographers nun.

"Wow! Talino mo talaga Che..." nakangiti kong bulong sa kanya.

"Hindi naman. Masipag lang mag-aral." sabay ngiti sa akin ng sandali.

Hindi ko malimutan yung ngiti niya nung araw na yun. Sobrang saya niya. Kaya ayun, pati ako sobrang saya din dahil sa ngiti na ibinigay niya sa akin habang nasa stage kami. Hindi ko malilimutan yung ngiti niyang iyon.

---

College na kaming dalawa nung nagkita kami ulit. Pero kahit matagal kaming hindi nagkita, para bang hindi nawala yung pagkakagusto ko sa kanya. Mas lumala pa nga yata dahil sa panahong hindi kami magkasama, laging siya yung tumatakbo sa utak ko.

Enrolment nun sa isang university nung makita ko ulit siya. Hindi ko inakala na pareho kami ng course na kukunin nitong si Cherry.

"Bro! Ang ganda nung babaeng yun oh!" sabay turo sa isang babaeng nasa may harapan at nagsusulat.

"Naku! Wala pa ring tatalo sa Cherry ko..." pagmamayabang ko

"Grabe! Ang tagal na nyan bro ah! Di pa rin ba nagbabago. Try mo kayang humanap muna ng iba..." payo nung kaibigan ko.

"Ayoko." matigas kong sabi.

"Bahala ka. Uunahan na kita..." patayo na siya nun pero bago pa siya makalakad papalapit doon sa babae, pinigilan ko na siya at, "Bro, yun si Cherry..."

Nilapitan ko na siya at agad ko siyang kinausap. Pareho pala kaming 'Nursing' ang kukunin na course sa university na ito.

Tuwang-tuwa ako nung malaman ko yun. Finally, magkakasama ulit kaming dalawa.

"Na-miss kita Cherry..." mahina kong sabi sa kanya.

Imbes na sumagot, ngumiti lang siya sa akin. Yung ngiti na katulad nung ngiti niya nung graduation namin.

---

First day of school nung may malaman ulit akong isang sikreto. Si Cherry din pala ang tinanghal na veledictorian nung high school nila. Samantalang ako naging pabaya nung high school. Pero si Cherry nanatili sa pwestong iyon. Ang galin. Na-maintain niya yung pagiging matalino sa kabila ng lahat.

"Cherry, paano nga ulit ito?" sabay pakita ko sa kanya nung notes kanina sa lesson.

"Eh kasi naman, kulang naman yung mga notes na kinuha mo kaya ka naguguluhan, ganito kasi yan..." tapos in-explain niya. Pero ako, natulala sa kanya. Ang perfect niya kasi, ang talino tapos ang ganda pa...

"Ano gets mo na?" sabi niya kaya nagising ako sa pagkatulala ko sa kanya.

"Ah... Ano nga ulit yun? Pakiulit..."

"Huwag ka kasing tumulala sa mukha ko..." tapos napangiti siya. Napangiti din ako kasi nahuli niya ako, "Ganito ulit yun, makinig ka na ah..."

In-explain niya. Mas magaling pa yata siyang mag-explain sa professor namin kasi mas madali kong naintindihan yung lesson kesa doon sa isa't kalahating oras na pag-e-explain nung professor namin.

"Ang talino mo talaga Cherry..." sabi ko nung matapos namin yung exercise na pinagawa nung professor namin.

"Hindi ah. Matalino ka rin kaya..."

---

Ilang beses ko siyang sinabihan ng matalino siya, pero parang ayaw niyang maniwala. Kumbaga, humble lang siya. Hindi siya nagmamalaki na matalino siya...

"Don't say that. I'm not smart."

That was her second lie.

5 Lies of my Girlfriend [Short Story] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon