5th Lie: I'm Fine

1.1K 40 13
                                    

a/n: last chapter. Maraming salamat sa pagsubaybay :)

Nag-enjoy ba kayo sa story? Hihi~ Ayun! Salamat ulet.

Don't forget to vote, comment and be a fan. :) I would highly appreciate everything. :)

The original story at the external link. :)

Zac on the side [------->

---

Naging sobrang busy ako saibang bansa. Halos makalimutan ko na nga si Cherry, pero dahil sa isang panaginip para bang nagsimula ako muli sa umpisa.

Nanaginip ako kasama ko siya. Masaya kaming dalawa. Parang wala kaming pinoproblemang kahit ano. ang aliwalas ng mukha niya. Ang gaan ng pakiramdam ko. Halos makatotohanan nga yung panaginip kong iyon. Para ngang ayaw ko ng magising nung mga oras na yun, pero dahil sa isang hindi inaasahang telephone call, nasira yung napakaganda kong panaginip.

"Hello?" sabi nung nasa kabilang linya.

"Sino 'to?" agad kong tanong. Hindi ko kasi makilala yung boses niya. Tapos yung nag-register doon na number ay overseas number.

Hinintay ko siyang sumagot, pero wala akong boses na narinig sa kabilang linya. Minabuti kong magsalita muli, "Hello? Sino nga ito?" ulit ko.

Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako ng pandinig ko pero parang may naririnig akong mumunting pigil na pag-iyak mula sa kabilang linya. Mas lalo tuloy akong na-curious kung sino nga ba ang tumawag sa akin sa dis-oras ng gabi.

Imposibleng si Cherry ito. Bakit niya pa ako tatawagan ulit? Diba siya yung nakipaghiwalay sa akin? Diba siya yung unang bumitaw? Bakit kokontakin niya pa ako. Diba siya naman yung dahilan kung bakit kami nagkaganito? Teka, bakit ba puro si Cherry ang nasa isip ko. Hindi ko pa naman kumpirmado na si Cherry nga itong nasa kabilang linya.

"Hello, sino nga ito?" tanong ko ulit.

Wala pa ring sumasagot. Yung paghinga lang nung nasa kabilang linya yung naririnig ko. Nawala yung mahinang iyak na una kong narinig.

"Kung hindi ka rin naman magsasalita, ibaba ko na ito..."

Ilalayo ko na sana sa tenga ko, pero may narinig akong boses na nagsalita. "Z-Zac..."

Tapos dial tone na yung narinig ko.

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Cherry nga yung tumawag sa akin. Hindi ko alam pero para bang nahihirapan siya nung mga oras na yun. Pero bakit sa dinami-dami ng tao, ako pa ulit ang tatawagan niya. Matagal na kaming tapos. Mas una nga siyang naka-move on sa akin, tapos ngayon, para bang ayaw niya akong maka-move on.

---

Mas lalong nakakagulat yung mga sumunod na mga nalaman ko.

Nung araw pala na iniwanan ko yung wedding ring na para sa supposed-to-be-marriage-proposal ko sa may table nila, yung araw kung saan nakatakda na akong umalis papuntang ibang bansa, na-ospital pala si Cherry dahil sa malubhang sakit. She was supposed to follow me at the airport. Balak niya ring pigilan yung pag-alis ko pero wala siyang nagawa dahil nga na-confine siya sa ospital.

Nung araw na nakipag-hiwalay siya sa akin dahil nga hindi na raw niya ako mahal, yun pala yung araw na na-diagnose siya ng stomach cancer. Kaya pala nung celebration nung 3rd anniversary namin, yung oras na nakatanaw kaming dalawa sa malayo, nung yumakap siya sa akin, nakaramdam pala siya ng sobrang sakit nung mga oras na yun at itinago lang niya dahil ayaw niya akong mag-alala.

Yung time na nakita kong may kasama siyang ibang lalaki. Planado pala ang lahat ng iyon. She wanted me to feel jealous. Gusto niya akong masaktan, para mas madali makapag-move on kung saka-sakali.

After kong malaman yung mga bagay na yun, minadali kong ayusin yung mga papeles ko para madaling makabalik ng Pilipinas.

I have to see Cherry. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi ako gagawa ng paraan para makita siya. I will do anything just to see her. Kahit masakit. Kahit nasaktan ako sa mga ginawa niya, gusto ko siyang makita. Walang sinumang may kasalanan sa aming dalawa. Mahal niya ako ng sobra kaya niya nagawa iyon.

---

Naghintay ako ng tatlong araw para maaprubahan yung mga papers ko para makalipad na papuntang Pilipinas. Agad kong hinanap yung ospital kung saan siya naka-confine.

"Ch-Cherry..." maluha-luha kong sabi nung makita ko siyang nakahiga sa hospital bed. Sobrang payat na niya at namumutla. Nakasuot din siya ng bonnet para matakpan yung unti-unting pagkawala ng kanyang buhok.

Nakita kong nanlaki yung mga mata niya nung makita ako. Nakita ko ring may tumulong luha galing doon.

Agad akong lumapit at dahan-dahan siyang niyakap.

Ang tagal kong na-miss ito. Pwede bang ganito na lang tayong dalawa habambuhay?

"Z-Zac! N-Namiss kita... Sobra..." pilit niyang pinasaya yung tunog ng boses niya pero sa kabila nun, napapansin ko pa rin yung panghihina niya.

"Na-miss din kita..." sagot ko sa kanya. Tapos kinuha ko yung regalong dala ko. Ito yung regalo na matagal kong itinago simula nung naghiwalay kaming dalawa, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nagawang itapo dahil nga sa sobrang pagmamahal ko kay Cherry. Inabot ko sa kanya yun. "Mahal na mahal pa rin kita Cherry. Hindi ko alam kung bakit basta alam ko mahal pa rin kita hanggang ngayon. Simula dati hindi na nagbago yun, at kahit na ano pang mangyayari, ikaw lang ang mamahalin ko..."

"S-salamat. Sobrang mahal din kita Zac... Patawad sa mga nagawa ko…" sagot niya.

"Ayos lang yun. Hindi mo kailangan mag-sorry, naiintindihan kita…"

Isinuot ko sa kanya yung singsing na yun. Tapos ibinalik ko siya sa pagkakahiga niya sa kama. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ko yung maamo niyang mukha.

Pinilit niya pang ngumiti sa akin. Pero alam ko behind that smile, sobrang nahihirapan na siya sa kalagayan niya. Nasabi na kasi sa akin ng doktor na ilang araw o oras na lang yung binigay na taning sa kanya, pero nagtataka ang lahat ng mga yun dahil hanggang ngayon, nakaka-survive siya.

"Wag kang mag-alala. Ayos lang ako. Magpapahinga lang ako sandali..." tapos pumikit na siya.

---

It's alright. Please don't cry. I'm fine.

That was her fifth lie.

Yun yung kahuli-hulihang lie na sinabi niya sa akin dahil after niyang sabihin yun, ipinikit na niya ang kanyang mga mata pang-habambuhay.

----The End----

© minlai22

All Rights Reserved 2013

[January 25, 2013 - January 30, 2013]

---

a/n: did you like the story ba?

I know medyo sad ending, pero kasi yun yun eh. kaya eto yun. wahahaha.. ayun, marami po talagang salamat sa pagsubaybay dito sa short story na ito.

Kung gusto nyo ng soft copy, message niu lang ako ng e-mail add niu. :">

Thank you din sa mga nagvo-vote at sa mga walang sawang nagco-comment, kung meron man. hihi~

Ayun lang, God bless everyone always. :)

Enjoy reading!!!

Saranghae ^^ ♥♥♥♥♥♥♥♥

5 Lies of my Girlfriend [Short Story] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon