PROLOGUE

12 2 0
                                    

"Why are you crying?"


"My mom just died. You're at a funeral, stupid."


"I'm not stupid! I'm a smart girl kaya!"



"What are your plans, Lucas?" tanong ni Abraham habang kasalukuyang nakatanaw sa dalawang batang nag uusap, hindi alintana ang ingay mula sa paligid. Lumingon ito saglit sa kaniya ngunit ibinalik din agad ang tingin sakaniyang harapan.


"I was planning to make Chen as my legitimate son. I already lost my only child, I can't afford to lose Chen as well. For me, he's like my real son. Besides, Ysabelle and Beatriz are best of friends. I'm sure she would be glad if we'll keep Chen on our side." sambit naman ni Lucas.


Gulat man ay hindi ipinahalata ni Abraham sa kausap ang pagkabigla sa pinaplano nito. Napaisip naman siya sa sinabi ng kausap. Tumingin muna siya sa harap bago muling nagsalita.


"I'll send Adrielle to Los Angeles later this afternoon." anang Abraham.


Ramdam niya ang marahas na paglingon ni Lucas ngunit di siya nag-abalang lingonin ito pabalik.


"Are you out of your mind?!" pabulong nitong singhal sa kaniya.


"It's for her own good. DLC are now facing multiple circumstances, hindi makakabuti kung mananatili siya rito. She's also a big pain in the ass. This will serve as her lesson." seryoso niyang tugon kahit na iba ang kaniyang rason.


"This better be good, Abraham. She's your daughter for heaven's sake. How could you do this to her? She's only 13, same as Chen's age. She barely knew what life is." nag-aalala nitong sambit.


"Papa will accompany her while she's staying there. My decision is final so please, don't even bother to stand against it." pinal niyang sambit bago talikuran ang kausap.





"Daddy! Do you have my hanky po ba?" isang matinis na boses ang umalingawngaw sa kaniyang pandinig. Iritado man ay hindi niya pinahalata dahil napakaraming bigating tao ang nakapaligid sa kanila.


"Don't you know how to turn your voice down? We're at a funeral, Adrielle. Show some respect." Mababang tono ngunit strikto niyang sambit pagkaharap sa isang nagdadalagang babae.


"I'm sorry po. There's this litte boy po over there kasi, he can't stop crying til now po eh." nakayuko nitong sambit habang nakaturo ang daliri sa kinaroroonan ng batang kaniyang tinutukoy.


Agad itong lumingon sa batang tinutukoy ng kaniyang anak. Nang makita nitong hindi pa din tumitigil sa pag iyak ang batang lalake ay agad siyang nangapa ng panyo mula sa tuxedong suot.


"Here, take this." sambit niya habang inaabot ang kaniyang personal na panyo sa anak.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon