Chapter 13

138 5 0
                                    

••

Bella's POV

Halos magmura ang puso at utak ko kasi nagustuhan niya yung binake ko sa kaniyang cake. Ack! Nagustuhan niya. Nagustuhan niya.

"Ben, Dahan-dahan." sabi ko sa kaniya saka pinunasan ang mukha niya.

Puno na ng icing ang mukha niya. Ang kalat niya masyadong kumain. Pinaghalong sauce ng spaghettie at icing ng cake ang bibig niya. Hay nako.


"Ang sarap po kasi Ate Bella."

Hehe, Kalma, Ako lang kaya 'to.

Huminga ng malalim si Klarence. Naging seryoso ang scenery dito sa kusina kung nasaan kami ngayon. Ito talagang si Klarence, May mood swing. Dinaig pa ako.

"Kailangan na nating maghanda." seryosong sabi niya.


Maghanda? Eh diba may handa na? Naku, Joke lang. Baka mapagbuntunan ako dito. Kinakabahan na ako sa mga sinasabi ni Klarence. Baka mamaya, Bigla na lang siya ditong mag-transform kasi isa pala siyang transformer.


O baka naman isa siyang pokemon?

"Para saan?" tanong ni Lukas.


"Kanina, Habang naghahanap kami ng impormasyon para sa dugong kailangan natin para sa formula, Nalaman namin na gumagawa na ng hakbang si Dr. Rewil Wilson. Pumunta siya sa Safe Area kahapon. Marami ang naging zombie. Halos one-fourth na ng populasyon ang hindi pa nagiging zombie kaya kailangan nating maghanda kasi baka tayo na ang susunod."


Bigla akong kinabahan. Posibleng kasama sa one-fourth na yun ang pamilya ko at maaari rin namang hindi na. Masyadong marami na ang nai-infect ng mga zombies na kagagawan ni Dr. Wilson kaya talagang kailangan naming maghanda kasi maaaring manganib na ang buhay namin.


Kung hindi kaagad maaagapan ang pandemyang ito, Baka tuluyan nang masakop ni Dr. Wilson ang mundo dahil sa ka-dimonyohan niya. Nakakainis.

"Eh anong plano natin ngayon? Mainit ang mga mata natin kay Wilson dahil sa Papa mo. Manganganib tayo kung matunton niya tayo." Saad ni Caleb.

Dahil sa Papa ni Klarence? Anonv issue sa kanilang dalawa? Hindi sa chismosa ha, Pero bakit? Anong atraso nila sa isa't asa at bakit nasama sa issue ang Papa ni Klarence?

"What do you mean?" tanong ni Fiona.

'Yun din sana ang itatanong ko.


Huminga ng malalim si Klarence saka ipinatong ang siko sa lamesa habang nakapatong ang baba nito. Mahirap gumalaw ng maayos dahil pakiramdam ko, Malaking issue dito. Argh! Pati ako ay nahihirapan ngayon.

"Matagal ng magkaibigan si Papa at Dr. Wilson."

Gulat kaming napatingin sa kaniya.

"What?" si Fiona

"Ano?" ako.


English lang yung kay Fiona kaya medyo may dating. Matagal nang magkaibigan si Dr. Rewil Wilson at ang Papa ni Klarence? So ibig-sabihin, Kilala ni Klarence si Dr. Wilson?

"Noon yon. Masyadong mataas ang hangarin ni Dr. Wilson at hindi siya nagpapatalo. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya kaya ni hindi na niya napapansin na masama na ang nagagawa niya at masama na ang nangyayari sa paligud niya, Na kagagawan niya. Masyado na siyang nabalot ng hangarin niyang yun."

Zombie Apocalypse✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon