Chapter 4

201 9 0
                                    

••

Bella's P.O.V.


Ako na ang nag-presenta na tutulong kay Dan na magluto. Gusto ko rin namang matutong magluto kahit simpleng sangkap lang yung gagamitin ko.


"Dan.." tawag ko sa kaniya habang naghihiwa ng sibuyas.


"Hmm?"


"Marunong ka ba mag-bake ng cake?" nakatingin na ako sa kaniya ngayon.


"Oo. Bakit?" takang tanong niya.


"Gusto ko kasing gawan ng cake si Klarence sa birthday niya. Malapit na kasi tapos, Parang pan-Thank you ko na din. Ganun."


Balak ko kasi pati siyang pasalamatan dahil sa pagpapatuloy nila sa akin dito sa bahay nila. Kung hindi lang naman kasi nila ako inampon, Baka wala na ako sa sarili kong katinuan at kumakahat na ng mga normal na tao.


Hanggang ngayon, Iniimagine ko pa din kung ano ba ang itsura ko kapag naging zombie ako. Siguro sobrang duguan yung damit ko kagaya ng nakikita kong zombies kapag lumalabas kami para kumuha ng pagkain.


Hinalo na ni Dan ang mga sangkap saka ito tinakluban. Nagluluto kami ngayon ng kaldereta. Yung karneng ginamit namin eh frozen meat. Sobrang tigas na nga nun eh nung nakuha namin. Mala-bato na yung katigasan. Binanlian na lang nila ng mainit na tubig para daw lumambot yung karne at hindi na kami mahirapan.


"Ipaggagawa mo talaga siya ng cake?" tanong niya sa akin habang nakaupo sa lababo.


"Oo naman." sagot ko sa kaniya.


Gusto ko din pati mag-try mag-bake. Cookery din sana ang kukuhanin kong major sa TLE ko kaso nahumaling talaga ako sa Beauty Care kaya ayun, Puro make-up at nail polish yung kwarto ko.


"Sige tutulungan kita. Kumpleto naman yung sangkap dito eh."


Inayos na namin yung niluluto namin nang maluto ito. Tinawagan na din namin yung mga kasamahan niya para kumain.


"Kamusta luto?" tanong ni Dan.


Ako ang kinakabahan sa tanong niya eh. Baka kasi pumalpak. Siguradong kasalanan ko yun kapag may kulang sa lasa ng kaldereta. Hindi naman ako ganun ka-expert sa pagluluto eh. Prito nga lang kaya kong lutuin.


"Ayos lang. Sana dinamihan niyo ng patatas." sabi ni Aiden.


Kakaunti kasi yung stocks nilang patatas dito sa bahay. Nung tumingin naman kami ay mga bulok na yung gulay kaya hindi na lang kami kumuha.


Dumiretso na kami sa pagkain namin. Walang emosyon at walang imik pa din si Klarence. Parang iba siya kagabi. Nakita ko pa nga siyang ngumiti tapos kinantahan pa niya ako. Si Caleb na lang daw ang maglilinis ng plato ngayon kasi siya ang naka-assign. Hindi pa din nila ako pinaglilinis miski man lang pinagwawalis.

Zombie Apocalypse✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon