Chapter 7

158 9 0
                                    

••

Bella's P.O.V.


Sinabihan kami ni Klarence na bilisan namin ang mga kilos namin para maaga kaming makauwi. Nakita din naming paparating ang iba pa niyang mga kasamahan.


"Bwisit na kanta 'yan." saad ni Zach habang hinihingal.


Gusto kong matawa sa mga pinaggagawa nina Dan dun sa bar. Siguro nga eh nakikiparty-party na din sila dun sa zombie. Bakit kasi kailangang patunugin pa 'yung ganung kanta. Pwede namang classic HAHAHA.


"Bilisan niyo na. Wala tayong oras para sa ganiyan." sabi ni Klarence habang busy sa paglalagay ng mga cup noodles sa eco bag na dala-dala niya.


"Tingnan niyo muna ang expiration date para sigurado tayo." si Aiden.


Tumango ako habang kumukuha ng mga delata. May nakita pa akong mochi kaya kumuha na din ako. Limang eco bag naman ang dala-dala ko eh. Puro naman kasi chichiriya ying merienda dun sa bahay kaya nakakasawa din.


Malapit na kaming mautas. Humakbang papalapit sa akin si Klarence at nakita ko naman na nasa tabi ni Zach si Ben at busy ang dalawa sa paghanap ng pagkain. Alam ko namang merienda din ang hanap ni Ben. Parehas kami MWEHEHE.


"Ang sabi ko, Yung pwedeng iulam. Maiiulam ba 'yan ha?" tanong niya.


Nakakain din naman to ah. At saka, Nakakasawa din naman yung puro chichiriya lang yung merienda dun sa bahay noh!


"Nakakain din naman 'to ah," sabi ko habang kumukuha ng mochi.


Binuksan ko ang isang mochi pero syempre, Tiningnan ko muna yung expiration date at laking pasasalamat ko na sa next next next next month pa ang expired nito.


Kinain ko yon. Syempre, Anong gagawin ko dun kung hindi ko kakainin di'ba?


"Bakit?" nagtataka kong tanong kay Klarence nang mapansin kong nakatitig lang siya sa akin.


"Anong lasa?" tanong niya.


Naks! Sabihin mo na kasing may pagkahilig ka din sa Korea. K-pop ba o K-Drama?


"Ng alin? Lasa ng alin?" tanong ko bago buksan ang isa pang mochi.


Syempre, Tiningnan ko ulit yung expiration date. Ayaw ko pang ma-deds ngayon noh! Hindi ko pa nakikita ang pamilya ko, Huwag muna ngayon. Nope Nope Nope!


"Niyan." sabay turo sa mochi na kinagatan ko.


Nilunok ko muna yung mochi sa bibig ko bago magsalita.


"Masarap." sabi ko.


"Masarap? Baka kung ano lang 'yan," sabi niya saka kinuha ang mochi sa kamay ko.


Zombie Apocalypse✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon