›V‹

44 4 0
                                    


Nangunot ang noo ko sa kinakanta ni Cielo sa harap ng videoke. Nasa isang KTV Bar kasi kami ngayon magpipinsan, aside from Theo na nasa Cebu ngayon for his upcoming series.

Sasamahan sana namin si Cielo para i-meet ang isang guy na nameet nya online, but we end up here.

Napapailing nalang ako sa mga nangyayari. Cielo's weeping while singing, Yale's dancing on the pole, and Ruzzel who's asleep kasi pagod sa trabaho nya pero napilit ng kapatid na sumama

"Cielo! Uwi na tayo" agaw ko sa atensyon nya

"No! No! Walang uuwi okay? Broken si...ano nga ba pangalan mo? Ay si ano, itong pinsan natin si Cielo! Broken kaya, damayan natin okay? Okay!" kuda ni Yale atsaka bumalik sa pagsasayaw na parang walang nangyari

"Nagbook na ako ng Grab. Para makauwi na tayong tatlo. Nasa talyer parin yung kotse ni Kuya kaya, he can't come para sunduin tayo"

Nahimasmasan si Cielo sa pag-iyak kaya nahiga sya sa taas ng mesa. Hinigaan nya ang mga chichirya

"Haha. Ambaho mo na nyan Cielo. Yung likod mo oh... m-may nakadikit na sauce ng barbeque hahaha"

"Sa condo tayo ni Theo matulog ngayon Dan?" nilingon nya ako habang namamasa parin yung mata

"Oo tara, para makapahinga na tayo. Tatawagan ko nalang sya mamaya pagkarating natin dun"

Nakasimangot parin sya habang chinicheck kung nasaan na ang bag nya

"Ruzz. Tara na, uwi na tayo" tinapik ko sya sa pisngi

"Mhmm" tumayo sya atsaka binuksan ang mga mata

Nauna na akong naglabas para bayaran ang mga kinuha naming inumin. Sa lagay kasi ni Cielo ngayon, sure na wala na sya sa katinuan para magbayad

Guguyurin ko pa sana palabas si Yale, na natulog sa counter ng bar habang nagbabayad ako pero, nagpresinta na yung isa sa mga bouncer para buhatin sya. Buti nalang, magaan sya

Nakarating kami sa condo ni Theo nang mapayapa. Wala namang may sumuka sa daan kaya, payapa na sa'kin yun. Although, nahiya ako nang hingiin ni Yale ang number nung driver. Jusq

Iniwan ko sila sandali para makabili ng chocolate drink para sa kanilang dalawa. Yun lang kasi ang nakaka-alis ng hang-over namin sa umaga. Idk why, pero— oo weird

Nag grocery na'rin ako kasi walang laman ang ref ni Theo. Mag iisang buwan na'rin kasi syang hindi umuuwi sa condo nya, kaya walang stock na pagkain sa ref

Nang makabayad ako, 2 ecobag ang bitbit ko sa magkabilaan. Hiyang-hiya naman akong magpasama sa mga pinsan 'kong knockdown na

*Ting*

Inangat ko ang paningin sa elevator na bumukas. Pumasok ako atsaka pinindot ang floor ng room ni Theo

Pero, bago pa man sya magsira. May mga kamay na pumigil sa sliding doors ng elevator, kaya nung nasense ng elevator, nagbukas sya ulit

Napapitlag ako nang makita si Aaron. Nakasuot sya ng isang business suit kaya naman medyo nahiya ako sa ayos ko

"Hey, Aidan" tumango sya atsaka tumuloy sa loob

"A-Aaron. Ikaw pala" medyo nahihiya pa ako habang nagsasalita

"You lived here?"

"Ahh hindi hindi. Yung pinsan ko ang nakatira dito, nakitulog lang ako kasi hindi na kayang umuwi ng mga kasama ko" iniwas ko ang paningin ko nang lumingon sya saakin

"I-ikaw ba?"

"Uhh yeah. I am" ngumiti ako bilang sagot. Jusko Lord, anong sasabihin ko?!

"Oh by the way. Wala bang mga media na humaharang sayo lately?" tanong nya

AS1: EUPHORIA (MPREG)Where stories live. Discover now