7

276 34 0
                                    

Jaydee's pov

Ilang months na ang nakalipas

At naging close na kami ni francese sa isa't-isa

Minsan tuwing my free time siya sinasama siya nila coco na manood sa practice namin

Minsan siya yung nagpupunas ng pawis ko at sinasabing magpalit ako na damit para hindi ako ma tuyoan ng pawis

Inaalagaan niya ako

At may mga times na inaabangan niya ako sa gate ng school at binibigyan niya ako ng pancake

Sobrang bait niya napaka swerte ko na may francese sa buhay ko

Unti unti na akong nahuhulog sa kanya....

Pinipigilan ko ang nararamdaman ko kasi ayokong masira ang pagkakaibigan namin

Pero kahit anong gawin kung pigil, sa tuwing pinipigilan ko ang nararamdaman ko lalo lang akong nahuhulog sakanya

Siguro ako nalang ang lalayo sakanya para hindi ko masira ang pagkakaibigan namin dalawa

Na balik ako sa wisyo ng batuhin ako ni laney ng towel



"Oh ano na dong? Tutunganga ka nalang dyan, mag bihis kana at may lakad daw tayo sabi ni ate gabb"saad ni laney habang pinapatuyo ang buhok nya

"Saan ba?"

"Wag mo sabihin ng kalimutan mo." - laney

"A-Ano bang meron?"

"Mag babakasyon tayo sa palawan, tutal ilang weeks din naman tayo walang pasok, at i cecelebrate narin daw natin ang 2nd anniversary ni gabb at coco" - laney

"H-Ha? Sino kasama?"

"Yung buong squad, kanina ko pa kinukwento sayo, di ka naman pala nakikinig" - laney

"May iniisip lang talaga ako."

"Mag ready kana, aalis tayo"
- laney

"Ngayon naba yung lakad natin papunta sa palawan?"

"Sa Wednesday pa, sabi ni gabb punta daw tayo ng mall kasama si gia, abby at lara, you know, top things pareha ng dati natin ginagawa" - laney

"Ah, sige" tumayo na ako at nag ayos na sa sarili




Laney's pov

Nandito na ako sa sala, tapos na ako mag bihis, si jaydee nalang hinihintay ko

Nauna na kasi si ate abby at gabb, gia and lara sa mall

Maya maya pa ay lumabas na si jaydee sa kwarto nya

"Aba ang gwapo ah"

"Baka ma inlove ka bebang ha" - jaydee

"Inlove na nga ako dong, pa kiss nga"

"Kadiri ka" - jaydee

Nag tawanan lang kaming dalawa

Time skip




Jaydee's pov

@mall

Nasa mall na kami ni laney, hindi namin ma hanap sila gabb kaya tinawagan ko nalang

*Otp*

"Tol san na kayo?"

"Nandito sa loob nasa s&r pizza kami" - gabb

"Sa second floor yun no?"

"Sa 3rd floor malapit sa time zone" - gabb

"Ah sige sige papunta na kami"

"Geh, bilisan nyo" - gabb

*End of call*


"Tol tara na" pag yaya ko kay laney

"Tol"

Lumingon ako kung saan naka upo kanina si laney

Pero wala sya doon

Saan nanaman nag punta yon

Nilibot ko ang paningin ko, at nakita ko syang may kausap na babae

Gaga to, nang chihcix

Nilapitan ko sya "ano na, tara na bebang"

"Ay, pre" nag paalam na si laney sa kausap nya at nag simula na kami mag lakad

"Sino yon pre? Babae mo?"

"Gago, si ano daryll, friend sya ni jie yung kausap mo noon"
- laney

"Ahh" tumango nalang ako

"Ininvite nila tayo mag bar, pumayag naman ako, pag may free time na daw tayo mag bar daw tayo tawagan ko lang daw sya" - laney

Babaero talaga tong si laney,
Ay ako din pala...

"Laney ha, may jowa kana"

"Grabe naman yan, makikipag kaibigan lang naman ako"
- laney

"Di mo sure?"

Hinampas naman ako ni laney sa braso

Ay mapanaket.





Gabb's pov

Nandito na kami sa s&r pizza

Hinihintay nalang namin sila jaydee

"Kainin na natin, lalamig na yung pizza" - lara

"Mamaya na pag  kumpleto na tayo" - abby

"Ate naman, one bite lang pls"
- lara

"Gutom na kami" - gia

Nag rereklamo na si gia at lara, kanina pa kasi kami nagugutom

Ayaw kasi kami pakainin ni ate abby hanggang wala sila jaydee

Hayst...

Kukuha na sana si lara ng isang slice, ng biglang paluin ni ate abby ang kamay nya

"Ate naman" - lara

"Mamaya na nga kasi" - abby

"Gutom na talaga ako" - lara

"Tiisin mo" - abby

Maya maya pa ay pumasok na sila jaydee sa loob

Nakita naman nila kami kaya pumunta sila sa direksyon namin

Aba ang tagal mag lakad ng dalawang to, parang mga pagong

Nakita ko naman si lara na tumayo at tumakbo papunta kila jaydee

Natawa naman ako kasi hinila nya yung damit nila at kinaladkad nya ng mabilis papunta sa table namin

"Gustom na nga talaga" - abby

"Iba pala ang isang lara pag nagutom" - gia

"Delikado yung pizza, baka si lara lang maka ubos"

Nung umupo na sila jaydee, agad kumuha si lara ng pizza at nilamon HAHAHHA

"Oh easy lang, baka mabilaukan ka" - abby

TADHANA ( Frandeesal )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon