Jaydee pov
10am na gising ako dahil sa alarm ko
"ugh sakit ng ulo ko" bulong ko sa sarili ko
bumangon na ako at nakitang wala na yung ibang kasama namin dito, i mean wala na dito yung mga may jowa,
nakita ko naman si amanda na naka upo sa couch at naka hawak sa ulo nya
"amy, good morning" bati ko kay amanda
"u-uy dong, good morning, ang sakit ng ulo ko" ngumiti sya ng pilit saakin
"hang over pa nga, tara breakfast na tayo" pag aya ko sakanya
nag ayos muna kami ng sarili namin bago lumabas
pag labas ko nakita ko si francese na naka tanaw lang sa kung saan
"amy una kana sa baba, susunod lang ako"
tumango lang naman si amy at umalis na
nilapitan ko si francese, gusto ko sana mang hingi ng tawad sakanya
tumabi ako sakanya, kaya napa lingon sya saakin, medyo nagulat pa sya
"j-jaydee" medyo pabulong nyang saad
"hi" ngumiti ako sakanya
"look, im sorr----" - francese
"wala kang kasalanan queen"
"pero bakit galit ka saakin" malungkot nyang sagot
"hindi ako galit sayo, sorry kung hindi maganda ang pag trato ko sayo simulang pumunta tayo dito sa palwan, may iniisip lang talaga ako nun sorry talaga"
francese hugged me tight
"kahit hindi ka na mag sorry, okay lang saakin jaydee" - francese
"dont ulit that ha, halos ma baliw ako kakaisip kung ano kasalanan ko sayo" dugtong nya pa
"yes maam"
kumalas na sya sa pag yakap, at ngumiti saakin... yang mga ngiting yan
isa yan sa dahilan kung bakit ako nahulog sayo pinlac..
handa akong masaktan, basta makita kitang masaya
"ano nga pala ginagawa mo dito?"
"nag papa hangin lang" - francese
"tara, let's eat breakfast na doon sa baba, malamang iniintay na tayo ni amanda" pag aya ko sakanya
tumango naman sya
inalalayan ko syang tumayo, humawak sya sa braso ko, mag lalakad na sana kami pero biglang bumukas ang pinto ng room nila francese
"bub nandyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" tumingin si kielle sa kamay ni francese na naka hawak sa braso ko
kaya agad naman bumitaw si francese sa pag kakahawak sa braso ko
panira ka talaga kahit kailan kielle.
"ah, b-bub tara let's eat breakfast na, sabay na tayo kila jaydee" medyo ilang na sagot ni francese
bakit parang takot sya kay kielle, nag away siguro sila...
"sige mauna na muna ako queen"
Amy's pov
"asan naba yong kasama ko"
kanina pa ako nag iintay kay jaydee, nag yaya sya kumain pero ako tuloy tong nag iintay ng matagal
naka handa na ang almusal namin dito,
may hotdog, tocino, itlog , adobo at bacon syempre may kanin din at tinapay
maya maya pa ay nakita ko na sya nag lalakad papunta sa table kung saan ako naka upo
ngumiti ako sakanya, pero nawala din agad ang ngiti ko ng makita ko si kielle at francese na nag lalakad sa likod nya
oh no... this is bad
umupo na si jaydee sa tabi ko
"bakit andito yan" bulong ko sakanya
"hayaan mo na" ngumiti sya ng pilit
ako ang nasasaktan para sayo jaydee, sinasaktan mo lang sarili mo
"let's eat na guys" pag aya ni francese
sumandok na ako ng kanin, at nakita ko naman si jaydee na nilagyan ng kanin ang plato ni francese
napaka gentle woman talaga
napansin ko naman na nag bago ang expresion ni kielle, na para bang naiirita sya
"thank you" malambing na sabi ni francese kay jaydee
ngumiti lang naman si jaydee
eneenjoy ko lang ang kinakain ko,
"francese try this oh, ang sarap" nilagyan ni jaydee ng bacon ang plato ni francese
tinikman naman ni francese yung bacon
"hmm! yummy!" - francese
"sabi ko sayo eh" - jaydee
aga aga, harutan agad
susubo na sana ako ng kinakain ko ng biglang mag salita si kielle kaya napa tingin ulit ako sakanila
"eto yung masarap, wala yang bacon, tikman moto bub" nilagyan ni kielle ng tocino ang plato ni francese
"eto francese tikman mo tong itlog" nilagyan ni jaydee ng itlog ang plato ni francese
"eto bub, mas masarap to" nilagyan ni kielle ng adobo ang plato ni francese
nag tinginan naman ng masama sa isat isa si jaydee at kielle
aba para akong nanonood ng movie ah
"francese oh, masarap tong juice na to" binigay ni jaydee ang juice na hawak nya
"mas masarap tong kape" binigay ni kielle ang kape na hawak nya
"mas masarap yung juice" medyo malakas na saad ni jaydee
"mas masarap ang kape" iritang saad ni kielle
"juice" - jaydee
"kape" - kielle
si francese naman tahimik lang at naguguluhan sa dalawang nag tatalo
"yung juice madaming vitamin at mas healthy" - jaydee
"ang kape, masarap inumin sa umaga" - kielle
napa hampas nalang ako sa noo ko dahil sa ginagawa nitong dalawang to
sa harapan pa talaga kayo ng pag kain nag tatalo, gusto ko lang naman kumain ng payapa
binbibigyan bigyan nyo pa ng pagkain si francese eh hindi na yan bata malaki na yan, kaya na nya kumain mag isa
"bub pumili ka, juice or kape" halatang galit na si kielle dahil sa tono ng boses nya
"i-i dont drink coffe kasi eh" ilang na sagot ni francese
"o diba, juice" - jaydee
agad naman ako tumayo at binitbit ang plato ko
"amy san ka pupunta" - jaydee
"gusto kong kumain ng tahimik, yung walang nag tatalo" pag susungit ko
umalis na ako at pumunta sa kabilang table na medyo malayo sakanila
"mga tao nga naman" bulong ko sa sarili ko
BINABASA MO ANG
TADHANA ( Frandeesal )
RomanceKung tayo ay para sa isa't-isa, hayaan nating ang tadhana ang maghatid sa atin sa panahong hindi na natin kailangang bumitaw pa. *Story lang to, walang totohanan*