17

245 35 0
                                    

Jaydees pov


it's our last night here in palawan, nag decide sila ate abby na mag bonfire malapit sa dagat,

inimbita namin sila madie, close na ang friends ni madie sa friends ko

nalaman ko din na sa manila din pala naka tira sila ate ecka

inutusan kami nila ate abby na bumili ng mga alak at chichirya at marshmallow

nandito na kami ni gabb nag lalakad papunta sa malapit na 7-11 dito sa resort

"hindi ka ba nasasaktan na makita silang dalawa na nag haharutan" pag tukoy ni gabb kay kielle at francese

"masaya ako para sakanya" ngumiti ako kay gabb

inakbayan naman ako ni gabb

"welcome back pre, welcome back jaydee villaruel" - gabb

"gagi, di naman ako nawala ah"

nag asaran lang kami ng biglang huminto sa pag lalakad tong kasama ko

"oh bakit?"

di sya umimik at naka tingin lang sa harap

kaya lumingon ako kung saan sya naka tingin, at naging istatwa ako sa nakita ko

may limang aso na naka tingin din saamin

"pre, wag kang tatakbo"

bigla naman si gabb sumigaw ng malakas at tumakbo pa balik sa daan na dinaanan namin

gaga to sabi kong wag tatakbo

tumakbo nalang din ako ng mabilis dahil hinahabol na kami ng aso ngayon

"bwisit ka pre s-sabi kong wag ka tatakbo!"

"ahhhhh! mabagal ako tumakbo preee!" - gabb

malapit na kami sa resort at nakita ko si gia at laney na nasa parkinglot nag lalakad pa balik sa resort

"PRE! TULONG!" sigaw ko sakanilang dalawa

agad naman sila lumingon sa direksyon namin at dumampot ng bato

"yuko!" - laney

yumuko naman kami pareho ni gabb, binato ni laney at gia ang mga aso kaya natakot ito at tumakbo na palayo

napa higa kami ni gabb sa kalsada sa sobrang pagod

lumapit naman si gia at laney saamin, at tinawanan kami ng mga timang

"sa-sabi ko kasi sayo w-wag ka tatakbo" hingal kong sabi kay gabb

"natakot ako p-pre" - gabb

"ang tapang tapang mo sa mga away, takot ka pala sa aso" pang aasar ko sakanya

inalalayan naman kami tumayo nila laney

"tara na, bili na tayong apat, kanina pa nag iintay sila ate abby" - laney

"ano nga pala ginagawa nyo sa parking lot?"

"ah nag hahanap kami ng kahoy" kumamot si gia sa leeg nya

"kahoy? kahoy sa parking lot?" - gabb

"o-oo wala nga kaming na hanap" - gia

"paano kayo makaka hanap ng kahoy sa parking lot, wala namang puno don" tinawanan namin ni gabb si laney at gia

"eto kasing si gia nag mamagaling, sabi nya sa parking lot daw kami mag hanap ng kahoy" - laney

"mga baliw HAHAH" - gabb

nag lakad na kami papunta ng 7-11

wala na doon ang mga aso, inaasar kami ni laney at gia dahil ang pangit daw namin nung hinahabol kami ng aso

sino ba naman kasing mag mumukhang pogi pag hinahabol ng aso

baliw din talaga tong si laney at gia

nandito na kami sa loob ng 7-11

si gabb pumili ng mga alak, si laney naman sa chicirya at si gia sa marshmallow at biscuit

ako naman sa chukie para kay coco at francese

ilang chukie ba, hmm, siguro 20 pcs

matakaw si francese at coco sa chukie eh

kumuha na ako ng chukie at nag lakad na papunta kila gabb, ng bigla akong may ma bangga na babae

"ay sorry po" yumuko ako

"j-jaydee?" sabi ng babae na nasa harap ko

that voice, familliar

tumingin ako sa na bangga ko, totoo ba to o nananaginip ako?

"mami ruth---" di ko natapos sinasabi ko dahil bigla ako niyakap ni mami ruth

si ruth ang isa pang best friend namin ni laney at jaydee, simula grade 3 hanggang grade 6 kami na ang mag kakasama

pero nung grade 7 na kami lumipat na sila mami ruth ng lugar, hindi sya naka pag paalam saamin

sinubukan namin hanapin sya sa fb, pero hindi namin sya ma hanap

"totoo ba to?"

"oo naman, mukha ba akong peke? syempre totoo ako" - ruth

bigla naman sumulpot si laney

"dong tara na" - laney

lumingon naman agad si ruth, kaya yung mukha ni laney parang naka kita ng multo

na bitawan ni laney ang plastic na hawak nya, at agad tumakbo para yakapin si mami ruthie

"mami na miss ka namin" - laney

"na miss ko din kayo" - ruth

"grabe, akalain mo nga naman ang tadhana, dito pa talaga tayo nag kita kita"

"ano nga pala ginagawa nyo dito sa palawan?" - ruth

"nag bakasyon kasi kami mami" - laney

"mabuti naman kung ganon" ngumiti si mami ruth saamin

"ikaw mami ano ginagawa mo dito sa palawan"

"dito na kami naka tira" - ruth

"bakit ka umalis ng walang paalam mami?" pag tatampo ni laney

"biglaan kasi yung pag alis namin, nag hiwalay kasi si mama at papa, kaya nag paka layo kami ni mama" pag papaliwanag ni mami ruth

"mami ano name mo sa fb? bakit di ka namin ma hanap?"

"ay, wala akong fb, ayaw ni mama kasi baka malaman daw ni papa kung nasaan kami" pag papaliwanag nya

"eto oh number ko" binigay ni mami ruth ang number nya saakin at kay laney

"pre tara na" pag aya ni gabb

"gabb, gia si mami ruth yung lagi namin kinukwento sainyo" pag papakilala ko kay mami ruth

"hi i'm gabbrielle and this is gia" pormal na pag papakilala ni gabb

"hello sainyong dalawa" - ruth

"mami sama ka kaya saamin, nag bonfire kami sa resort na malapit dito" pag aya ni laney

"inutusan lang kasi ako ni mama na bumili" malungkot na sagot ni ruth

"kahit saglit lang mami, panigurado miss na miss kana ni amanda"

pumayag naman si mami ruth, pero hindi daw saya mag tatagal

TADHANA ( Frandeesal )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon