1

9 1 0
                                    

"Ah, ito nga 'yung gagong gusto ng girlfriend ko," I heard him say. Nilagay niya ang kaniyang dila sa loob ng kaniyang pisngi. Halatang pinipigilan ang sarili.

Tumawa ang isa sa kasama niya. "Anong gagawin na'tin dito, boss?" He's grinning while glaring at the boy in front of them.

Lumapit ang lalaking nagsabi sa kaniya nang 'gago', kaya gumalaw na ako sa kinatatayuan ko.

Para silang mga batang maaasim. Apat sila at pinagtutulungan 'tong kaibigan ko. Tsh, kaibigan ko pa talaga, ah.

Hahawakan na sana ng lalaki ang balikat ni Ric nang pigilan ko ito at hinawakan ng mahigpit. I fiercely looked at him that shocked him. Oh, I think he didn't expect my sudden butting in. Well, that's fun!

His brows furrowed. "S-Sophina.." I tilted my head and smiled sweetly at him.

"Don't even try, boy.." I devilishly smirked.  "Hmm, by the way, what's your problem with my friend?" Binitawan ko na ang kamay niya at inakbayan si Ric.

Prente akong umakbay kay Ric na walang emosyong nakatitig sa kanila. I bet he didn't give a fuck of what these assholes are trying to do with him. Ganiyan naman talaga siya lalo na kung wala siyang kasalanan.

It's like you're talking to a statue. I mentally laughed at that thought.

"Dahil sa kaniya nag-away kami ng girlfriend ko!" Mariin niyang saad. Halatang galit kay Ric. Tzk, tzk! Well, gwapo naman kasi siya kaya 'di na nakakapagtaka 'yon.

"Hmm, sinong may kasalanan?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"Siya–"

"Gago!" Nagulat siya ng sigawan ko siya. Binali ko ang leeg ko.

"Paanong siya? Bakit kasalanan ba niyang malandi ang girlfriend mo, huh? Oo, gwapo si Ric pero hindi 'yan napatol sa may jowa na! Kung itali mo kaya 'yang girlfriend mo para hindi makawala? Pinanganak ng gwapo si Ric at pinanganak namang hindi marunong makuntento 'yang girlfriend mo! Kayo, huh. Ang lakas niyo pang corner-in 'tong kaibigan ko. E, kung basagin ko kaya mga mukha niyo sa corner? Mukha bang nagkaroon ng paki 'tong kaibigan ko sa inyo? Tignan mo nga 'yung mukha, oh, walang emosyon, parang statuwa o posteng pinatayo–aray, shuta ka!" Sigaw ko kay Ric dahil binatukan ako.

"Nananahimik ako dito.." Inirapan pa ako.

"Oh, kaya nga! Nananahimik ka lang tapos hindi mo sila pinapatulan, kasi nga mga bata silang maaasim. Oh, tignan mo," turo ko sa kanila. "Uhugin pa! Mag-aral na lang kayo ng mabuti. Anak ng... 12 o 13 palang kayo mga boy. Aba! Aral-aral din, hindi 'yung–"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng takpan ni Ric ang bibig ko at hinila na palayo

"Hmph, hmp!" Nang tinanggal niya na, sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba!? Hindi pa ako tapos do'n sa mga 'yon. 'Kala mo kung sinong mga gwapo!" Nanggagalaiti kong saad.

"Tahimik lang akong tao–" naputol ang sasabihin ko nang kumontra siya.

"Oh really? Ako na rinding-rindi sa boses mo..." Nakangiwi niyang saad kaya pinalo ko siya sa braso. Natawa lang siya sa akin at tinuro ang mukha ko. "Mukha kang ewan. Stress yarn?" Napanguso ako at maya-maya pa ay natawa na lang.

"Okay na ako, naka-kalma na ako," I uttered.

"Oh? Tinanong ko ba?" Saad niya kaya naman napairap ako.

"Gago, bahala ka na nga diyan. Papasok na ako, mabugbog ka sana diyan," I stuck my tongue out and turned my back.


Bigla akong napahinto nang matanaw ko si Matt. Bigla na lang hindi mapakali ang puso ko na nag huhurumentado. Grabe malayo palang, ang lakas na ng epekto niya sa 'kin! Ganun na lang ang kaba ko nang maglakad siya ng daretso, malapit sa akin. Nakasuot siya ng itim na backpack at ang kaniyang mga kamay ay nasa loob ng bulsa.

I Wish I am EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon