3

2 0 0
                                    



Pag-apak ko pa lang sa gate ng school namin parang gusto ko nang batiin lahat ng makikita ko. My smile reached my ears. They gave me a questioning eye but I don't care, I'm just happy.


"Good Morning, everyone," I said when I entered our classroom while smiling like crazy.


Mukhang nagulat sila pero bumati rin sila ng masaya sa akin. Feeling ko tuloy ay nakalutang ako sa ulap. Ano bang ginawa mo sa 'kin, Matt?


Umupo ako sa upuan ko at humalumbaba. Tinitignan ko ang labas at nagba-bakasakaling dumaan siya rito. Medyo imposible 'yon dahil panigurado sa kabilang hagdanan siya ulit dadaan.


Pero wala namang masamang umasa, 'di ba?


Naghintay ako ng mahigit 10 minutes, dumami na rin ang mga kaklase ko sa classroom namin pero hindi ko pa rin siya natanaw.


Siguro nasa classroom na 'yon, tsaka alam ko naman na hindi 'yon mahilig gumala. Once na nasa classroom na 'yon hindi na siya luma–


"Excuse me?"


Lahat kami ay napatingin sa taong nasa front door. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Napakagat ako sa labi upang pigilan ang ngiting gustong kumawala sa bibig ko.


"Can I excuse Ms. Yuqui?" Matt asked. Napatingin ang mga kaklase ko sa akin at tumango.


Huminga ako ng malalim saka tumayo. Hindi na rin nakalagpas ang ilang bulungan sa amin.


Ngayon kayo mag-issue!


Ngayon lang ako natuwa sa mga binulong nila. Yes, bagay kami, teh! Super duper.


Para akong ewan na nagpipigil ng ngiti habang papalapit sa kaniya. Sana hindi niya mahalata. Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang bigla siyang tumalikod at naglakad


Ngumiwi ako. Ano pa bang aasahan ko?


"Wait, w-where are you going?" I asked. I f-cking stuttered! I am that nervous, I need to calm down.


"Follow me," his baritone voice lingered into my ears. Parang biglang gusto ko na lang lumuhod–chariz. Masyadong OA na.


Kalmahan mo lang.


Sumunod lang ako sa kaniya, sabi niya, eh. Hindi ko pa rin maiwasan na purihin pati ang likod niya. His broad shoulders, hairstyle, and even his smell. Shems! Naka-undercut siya at kitang kita ko rin ang maputi niyang leeg.


Hindi ko na namalayan na huminto na pala siya ng lakad. Muntik pa akong mauntog sa likod niya. Ang bango, ah.



Kasalukuyan kaming nasa harap ng school office. Napatingin ako sa kaniya at binigyan siya ng matang nagtatanong. Tumama ang mga mata niya sa akin kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin at napatikhim.


Bakit naman kasi hindi niya ine-explain ng maayos yung pakay niya at pupuntahan namin? Hays, iki-kiss ko na talaga 'to, kagigil eh.


Nauna siyang pumasok. Gusto ko na sanang umirap pero napansin kong hindi siya pumasok, binuksan niya lang ang pintuan na para bang binuksan niya 'yon para sa akin.


Siyempre si gaga pumasok kaagad baka kasi mangalay siya, mahirap na.


"Thank you," I whispered. He didn't respond.


I bowed when I saw the dean in his seat.


"Good Morning, Sir," I greeted. I thought Matt will also greet but he just roamed his eyes.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Wish I am EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon