(Ariadne's POV)
Here we are infront of the gate, handa ng sumalubong kay Mr. Gregory. Nakita kong BV(bad vibes) ata si Stave kaya nagsalita ako.
"I thought you're a gay and you're inlove with Mr. Gregory so why are you wearing a crumpled face? You better---"
"Shut up," he said without looking at me. Tiningnan ko ang tinitingnan niya and there I saw Mr.Gregory, one meter away from us. Habang papalapit siya sa amin, naalala ko yung pagsagip niya sa akin.
*FLASHBACK*
*huff huff* Hinihingal na lumabas ako sa ospital, hindi dahil ayaw ko sa mga doktor at nurse kundi dahil may mga lalaking pumasok sa kwarto ko na may mga dalang baril. Dinali-dali kong pinagkukuha ang mga nakakabit na mga dextrose sa katawan ko. I still have some strength to find my way out and run as fast as I could. May mga nasagi akong nurse at pasyente pero takbo pa rin ako ng takbo. Nang makalabas ako ng ospital, dumaan ako sa isang eskinita. Dun ko naisipang magtago. Naghintay ako saglit bago lumabas pinagtataguan ko. I was already relieved when someone grabbed my hand and pushed me hard against the wall. He raised his hand and pointed the gun towards my direction. I saw it's tip shining and all I did was to wait for him to pull the trigger. Nakarinig ako ng putok ng baril. Iminulat ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang katawan ko. Hindi naman ako nasaktan at lalong hindi ako tinamaan ng bala. Tiningnan ko ang lalaking tumutok ng baril sa akin kanina. Nakahandusay na siya sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. And there I saw a boy maybe four years older than me, standing infront of me, smiling.
"Sino po kayo?" tanong ko kay Kuya Saver.
"I'm just your saver, little Aria." he said to me while extending his hand to me. His hands made me feel warm. I smiled too pero nakarinig ako ng mga yabag.
"Kuya Saver, yung mga lalaking humahabol sa akin ayan na oh? Baka mapahamak ka po." sabi ko habang naiiyak.
"Move and you'll all die." ma-awtoridad na utos ni Kuya Saver. Inikot ko ang paningin ko at nakita kong napapalibutan na ng maraming men-in-black ang mga lalaking naghahabol sa akin. Tinutukan silang lahat ng baril.
"Young Master, shall we finish them off?" tanong ng isang men-in-black.
"No, keep them alive." sinunod naman iyon ng mga men-in-black. Dinala ako ni Kuya Saver sa kotse niya tsaka pinaupo sa tabi niya. Nagdrive kami ng halos 15 minutos bago makarating sa isang lugar... Ang Roulette Academy. At dun ko nakilala si Headmistress Maria. Sa kanya ako hinabilin ni Kuya Saver.
*END OF FLASHBACK*
"Avie? Sabi ko pumunta na tayo sa Dean's Office. Tsk! Obvious na nagde-day dreaming ka. Kulang na lang tumulo ng pagkahaba ang laway mo hanggang maging waterfall." sabi ni Stave with an irritated tone.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 2 na po, please VOTE and COMMENT :)
-hoshisen15