Chapter 4: The Secret

38 3 0
                                    

(Ariadne's POV)

Nandito ako ngayon sa garden at nakaupo. Hindi niya ba ako naaalala? Bakit si Miss Aira yung nilapitan niya? Argh! Kainis!

"Avie bakit nabubugnot ka diyan? Baka pag-initan mo yung mga damo ha, kawawa naman." sabi ni Sayuri habang naka pout. Ang kyut niya talaga! >___<

“Kasi Say, ( pronounced as Sai ) naaalala mob a yung sinasabi ko sayong si Kuya Saver ko? Dito na siya eh, kaso hindi niya ata ako maalala…” sabi ko naman habang pinag-uuntog yung mga bato.

“Aw saying naman? Hindi ka siguro nakilala kasi gumanda ka.” sabi naman niya ng nakangiti.

“Si Mr.Gregory yung Kuya Saver ko eh…” sabi ko naman habang nagba-blush. *^_^*

“Oh si Mr.Gregory lang naman pala eh---“ nakita kong nanlaki ang mga mata ni Say sa sinabi ko kaya napatawa ako sa kanya.

“Avie nagbibiro ka lang diba? Joke joke joke mo lang yung sinabi mo diba? Waaaaah! “ inalog-alog niya yung balikat ko habang ako tawa lang ng tawa.

*RUSTLES* May narinig kaming kaluskos ng dahon at yabag  ng paa papunta samin kaya napatingin kami ni Say sa likod.

“Miss Aira Mcmilian,” sabay naming sabi ni Say habang nag-bow sa kanya.

“Ms. Barientos, please come with me for a while.” Sabi naman ni Miss Aira kaya sumunod na lang ako. Ano kaya ang gusto niya sakin?

(Aira’s POV)

Here we are at the end of the academy’s garden, called Eden (night class’ garden). Andito kami ng kaklase kong kakakita ko lang. We’re doing our thing ng makarinig kami ng nag-uusap. My classmate left me on purpose para hindi kami mahuli sa ginagawa naming which I enjoyed. I heard Ariadne’s voice. Tsk! Guardians really do sucks. Nagbabantay kahit hindi gabi.

“Si Mr.Gregory yung Kuya Saver ko eh…” sabi ni Ariadne.

“Oh si Mr.Gregory lang naman pala eh---“ alam kong nagulat si Wakasaki sa sinabi ng kaibigan niya. Hm… Sounds interesting…

“Avie nagbibiro ka lang diba? Joke joke joke mo lang yung sinabi mo diba? Waaaaah! “ tsk! Mga isip-bata. So I decided to intrude, ok lang naman yan, they can’t do anything against the heiress of Mcmillian Company. Kaya pumunta ako sa inuupuan nila.

“Miss Aira Mcmillian,” sabi nilang dalawa habang nagba-bow sa akin. I like it when people bow to me. I’m really fluttered.

“Ms. Barientos, please come with me for a while.” sabi ko sa kanya with a bit of sweet tone. Eww, low class shouldn’t be respected. But I have to get more information first… I can use it as a trap for Mr.Gregory. para syempre mas lalo kaming yumaman pag nagkatuluyan kami. Kawawa naman si Ariadne, walang kaalam-alam sa gagawin ko sa malalaman ko sa buhay niya.

“Ano yung pinag-uusapan niyo ni Wakasaki?” tanong ko na ikinagulat niya.

“A-ahm, ano po kasi…” naguguluhan ata siya kung sasabihin ba niya o hindi.

“Tell me, maybe I can help you,” sabi ko naman sa kanya habang naka sweet, fake smile.

“Ahm tungkol po kasi kay Mr.Gregory, he saved me.” sabi naman niya ng nakangiti. Tsk! Pa-cute pa.

“Oh can you tell me about it?” I asked in a sweet tone.

“Ah ok po…” she begin to tell the story when Mr.Gregory saved her.

*FLASHBACK*

*huff huff* Hinihingal na lumabas ako sa ospital, hindi dahil ayaw ko sa mga doktor at nurse kundi dahil may mga lalaking pumasok sa kwarto ko na may mga dalang baril. Dinali-dali kong pinagkukuha ang mga nakakabit na mga dextrose sa katawan ko. I still have some strength to find my way out and run as fast as I could. May mga nasagi akong nurse at pasyente pero takbo pa rin ako ng takbo. Nang makalabas ako ng ospital, dumaan ako sa isang eskinita. Dun ko naisipang magtago. Naghintay ako saglit bago lumabas pinagtataguan ko. I was already relieved when someone grabbed my hand and pushed me hard against the wall. He raised his hand and pointed the gun towards my direction. I saw it's tip shining and all I did was to wait for him to pull the trigger. Nakarinig ako ng putok ng baril. Iminulat ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang katawan ko. Hindi naman ako nasaktan at lalong hindi ako tinamaan ng bala. Tiningnan ko ang lalaking tumutok ng baril sa akin kanina. Nakahandusay na siya sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. And there I saw a boy maybe four years older than me, standing infront of me, smiling.

"Sino po kayo?" tanong ko kay Kuya Saver.

"I'm just your saver, little Aria." he said to me while extending his hand to me. His hands made me feel warm. I smiled too pero nakarinig ako ng mga yabag.

"Kuya Saver, yung mga lalaking humahabol sa akin ayan na oh? Baka mapahamak ka po." sabi ko habang naiiyak.

"Move and you'll all die." ma-awtoridad na utos ni Kuya Saver. Inikot ko ang paningin ko at nakita kong napapalibutan na ng maraming men-in-black ang mga lalaking naghahabol sa akin. Tinutukan silang lahat ng baril.

"Young Master, shall we finish them off?" tanong ng isang men-in-black.

"No, keep them alive." sinunod naman iyon ng mga men-in-black. Dinala ako ni Kuya Saver sa kotse niya tsaka pinaupo sa tabi niya. Nagdrive kami ng halos 15 minutos bago makarating sa isang lugar... Ang Roulette Academy. At dun ko nakilala si Headmistress Maria. Sa kanya ako hinabilin ni Kuya Saver.

*END OF FLASHBACK*

“So you call him Kuya Saver pala? And he calls you little Aria? How sweet naman, sige I’ll tell it to him, baka maalala ka niya,” I said with again, ughhh…. A sweet smile. -___-

“Salamat po Miss Aira,” she bowed to me while smiling at umalis na while me, I’m smirking. This will be nice isn’t it? ^u^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please po pa VOTE naman oh :( kakalungkot eh

-hoshisen15

The Revenge of The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon