Prologue

5 0 0
                                    

Nasaan si Ate? Tanong ko sa mga pulis na nakapalibot sa inuupahang apartment ng ate ko.
"You're Ayna Valle's guardian right?" tanong sa akin ng isang pulis na medyo may kalakihan ang ulo at mas matangkad sa akin ng dalawang pulgada. "Opo, ako po si Aliah Valle" sagot ko . Pumunta kami sa presinto upang ipaliwanag sa akin ang nangyari, patay na daw si ate at iimbestigahan pa nila ang tunay na nangyari. Iuupdate nalang daw nila ako habang umuusad ang imbestigasyon.

Limang buwan na ang nakalilipas ay wala pa rin na balita tungkol sa nangyari sa ate ko. "Aliah!" sigaw ng isang lalake mula sa labas ng pintuan ng apartment ko habang pumapasok . "Oh Deve? Anong ginagawa mo dito?" Si Deve ang matalik na kaibigan ng ate ko mula pa noong bata sila. "Buksan mo ang T.V. " agad ko namang binuksan ang telebisyon

"Isinarado na ng pulisya ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Ayna Valles na isang modelo at singer dahil ayon sa kanila, lumabas sa imbestigasyon na si Ayna ay nagsuicide ........" Wala na akong ibang marinig pagkatapos noon. Parang nabarahan ang tenga ko ng salitang suicide. Nagpaulit-ulit lamang sa aking tenga ang salita na yoon. Hindi ako naniniwala na suicide ang ginawa ng ate ko dahil dalawang linggo siyang nawala bago matagpuan sa apartment niya na s'ya ay wala ng buhay.

My Mr. MayorWhere stories live. Discover now