Sis! Tawag sa akin Shena, co-worker ko noon sa huling law firm na pinasukan ko tsaka best friend ko na din. "bakit sis? " Tanong ko naman. "Naghahanap ka pa rin ba ng trabaho hanggang ngayon?"
"May iaalok ka ba? Hahahaha" sabi ko naman.Hyst, eto ako ngayon nagmumuni-muni sa police station . Alam ko na di dapat eto tambayan pero wala talaga akong choice kung kanino magpapa-advice. Lunch time naman na kaya inaya ko si Deve na ililibre ko s'ya . Inaantay ko nalang dito sa sofa ng station.
Lunch time..
"Deve kung ikaw ako? Tatanggapin mo ba yung trabaho"
"Ano bang trabaho?" tanong n'ya
"Si Shena kasi inalok s'ya ni Gov. Edward De Dios na maging assistant noong anak n'ya na si Mayor Alexander De Dios kasi matakbo daw na congressman yun eh, ngayon sabi ni Shena, baka gusto ko daw, ayaw n'ya kasi tanggapin e "
"Unemployed ka naman diba? Why not?" -Deve
"Gag* ka ba?"
"Huh?" Pagtataka ni Deve?
"Oh my! Oo nga pala! Sorry! I forgot " si Deve yan . Natauhan na ata. Si Governor Edward kasi ang Mayor noon dito sa amin noong mamatay ang ate ko and s'ya sana yung key para maimbestigahan yung kaso ni ate pero s'ya din yung nagpatigil ng investigation. Bakit s'ya yung susi? Well, I found a card, hindi s'ya normal na card hah. V.I.P card ng isang brand ng bag na isa sa mga ibinalik ng pulisya sa'kin matapos sarhan yung imbestigasyon kay ate, so I tried to search about that card online at nalaman ko na limited edition yung card na yun. Yung dalawa na card nasa pag mamay-ari ng taga U.S at yung isa naman ay anonymous pero yung address n'ya ay nag-aral sa Paris and yung last naman na may-ari ay si Gov.
YOU ARE READING
My Mr. Mayor
RandomThis story is about the ties of Aliah Valle to the family of Alexander Dios