WALANG kibo si Jaq habang naglalakad sila patungo sa sakayan ng jeep. Nahihiya pa rin siya sa nangyari kani-kanina lang sa may palengke. Ano nga ba ang pumasok sa isip niya at ginawa niya 'yon? Eh kung tutuusin nagtitinda lang naman ang mga 'yon. Siya lang itong marumi kung mag-isip. At gusto niyang kutusan ang sarili dahil doon.Tiningnan niya ng matalim si Haven na tahimik lang sa kanyang tabi habang may nang-aasar na ngisi sa labi. Napapansin niyang napapadalas na ang ngisi na 'yan. At napapadalas na rin ang pagkapahiya niya.
Mas binilisan pa niya ang bawat hakbang at agad na sumakay sa jeep.
Nangunot ang nuo niya nang mapansing nakatunganga lang si Haven sa labas ng jeep.
'Wala bang balak sumakay 'to?'
"Ano?! Tutunganga ka na lang ba riyan?! Anong hinihintay mo? Pasko?" inis na tanong niya dito.
Tiningnan siya nito na para bang siya na ang pinakawirdong tao sa buong mundo. "Sasakay na naman tayo riyan? Damn, Jaq. Pwede bang magtaxi na lang?"
Umismid siya. "Ang dami mong satsat. Sobtang arte. Dinaig pa ang babae." inirapan niya ito. "Atsaka ano kamo? Magtataxi? Bakit, may pera ka ba?"
He stilled. "Wala..." he sighed in frustration. "Buhay nga naman oh. Gwapo ka nga, wala ka namang pera. Bwiset! I never thought I would ride in this cheap f*cking car."
She just rolled her eyes at him. She'll just get wrinkles dealing with this domineering guy.
Pagkatapos magdrama ni Haven ay sumakay na rin naman ito. For the nth time, inirapan na naman niya ito. "Nagdrama pa, sasakay rin naman."
"What did you say?" angal ni Haven.
Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga baho sumagot. "Wala. Ang sabi ko bantayan mo 'yang mga pinamili natin, hawakan mong mabuti dahil baka manakaw. Tanga ka pa naman."
Tiningnan siya nito ng masama ng marinig ang huling sinabi niya. "Kung tanga ako, ano na lang ang tawag sa 'yo?"
Nagpantig ang tenga niya sa tinuran nito. "Aba gago 'to ah." sa inis ay inambahan niya ito ng suntok kaya agad nitong iniharang ang magkabilang braso sa mukha.
Ilang sandali pa ang hinintay nila bago mapuno ang jeep. Panay reklamo naman si Haven dahil sa nararamdamang init. Napairap na lang siya. Tss. Bakit, ito lang ba ang naiinitan? Kung tutuusin nga ay mas hindi siya sanay sa mga ganitong klaseng sasakyan. Sa huli ay pinabayaan na lang niya ito at hindi pinansin. Sasakit lang ang ulo niya.
She roamed her eyes at the people inside this jeep as the driver started the engine. And guess what? They are the center of attraction it's making her feel uncomfortable. Lalo na ang titig sa kanya ng mga lalaki. Mga mukha pang adik. 'Oh how I hate too much attention.'
"Kuya pakiabot nga po."
"Fafa pogi, pakiabot nga po itesh. Pwipwi."
"Pogi, pakiabot pullliiiiissshh."
Halos lahat na ata ng babae at binabae sa loob ng jeep ay mga nagpapacute kay Haven. 'Mga pabebe!'
Mukhang nagsisimula na ring mairita si Haven sa mga ito. "Ganito ba talaga dito?! Puta nagmumukha akong kundoktor nito!" mahina at pasimpleng hasik nito kay Jaq.
Jaq just rolled her eyes in frustration. "Duh. Hindi mo ba nahahalata? Nagpapacute lang sila sa 'yo. Ano ka din eh. Painosente pa amp."
BINABASA MO ANG
Squatter's Boss, Layas King (HARSH Series #1)
Romance"sino namang tanga ang magiging masaya kung ipapakasal ka sa taong ni hindi mo alam na nabubuhay pala?" -Haven What would you do if you're stuck in an arrange marriage? Would you decline it? Or are you like Haven? Hindi niya ito tatanggihan at mas l...