1
⭐️"Lux, kaya mo 'to. Isang halik lang naman. Okay? Walang mawawala."
Huminga ako nang malalim at ibinalik ang tingin kay Orion na inaayos ang kaniyang drums sa may stage. Although, he was just doing his usual pre-show routine and nothing really out of the ordinary was happening, I was still so nervous!
Jusko Lord!!!
Kahit na medyo malayo ako sa stage ay kitang kita ko pa rin ang mga matatalim na tingin na itinatapon niya sa staff at crew na lumalapit. He looked so tensed and always ready to fight anyone within sight.
Paano ko naman lalapitan ang isang taong nakakamatay na agad ang titig? Ni hindi ko nga sigurado kung papaano nagagawang hatakin at asarin ng kabanda niyang si Luna ang sumisilip nitong buntot na buhok na hindi napapahamak! Hindi ba siya natatakot sa puwedeng gawin ni Orion?
"Pero kailangan ko ba talaga 'tong gawin?"
Hindi ko 'to kaya. Takte, hindi ko 'to kaya!
Kahit anong bulong ko sa sarili ng mga pampalakas ng loob at kahit anong gawin kong pagpunas ng namamawis kong mga palad sa aking palda ay hindi ko pa rin maialis sa sarili na kabahan ng sobra!
Jusko. Iniisip ko pa lang na random kong hahalikan ang taong 'yon ay parang bumabaliktad na agad ang sikmura ko at gusto ko ng ilabas lahat ng kinain ko kaninang umaga.
Bakit ba kasi ako nagpunta dito ngayon? Dapat nanatili na lang ako sa bahay at nagpanggap talagang may sakit kay mama! Sobrang hindi magandang desisyon 'tong gagawin ko!
"Oh ano na, panget? Are you finally backing down from us? Simple lang naman ang gagawin mo 'di ba? At isang line lang naman ang kailangan mong sabihin sa kaniya. Ano pa inaarte mo diyan, ha?" Nilingon ko ang nagsalita at hindi ko nagawang pigilan ang sariling mapabuntonghininga.
Odette Alcantara was there, standing right beside me together with her demonic friends and was looking at me like I was the biggest insect she had ever seen.
Nakakabatang kapatid nga siya ni Orion. Parehas silang may titig na nakakataas ng balahibo at nakakabilis ng papintig ng puso.
Kasing edad ko lang siya pero takot na takot ako sa kaniya at sa pwede niyang gawin sa akin kapag hindi ko sinunod ang mga utos niya. LORD! Bakit naman kasi sa dinami-dami ng maaari niyang ipagawa sa akin ay ito pa? Bakit sa kuya niya pa? Orion was one of the few people in Brent University that should be avoided at all cost! Tapos ipapahalik niya sa akin?
"Ods, I told you. Let's make her do ibang task na lang. What's the point of making her kiss Orion? Papayag kang mahalikan ng basura ang brother mo?" natatawang sabi ng kaibigan niyang si Brienna. "Or better yet, make her kiss your feet na lang, in front of everyone here! Hindi ba mas fun 'yon?"
Tumawa rin 'yung isa pa nilang kaibigan na si Serenity at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na para bang hindi pa sila nakukuntento sa panghuhusga sa pananamit at buong katauhan ko simula pa noong umaga.
"I agree with Brienna, sis! I mean just look at her! Gosh!" Serenity then gestured her recently manicured fingers at me. "Ang pangit na nga at ang patpatin pa! Even girls from the province can dress better than her! Look at what she's wearing today! Para lang 'yung garbage bags namin sa bahay... Eww!" Ngumisi siya sa akin at tinakpan ang ilong na parang nababahuan. "Oh my god, she even smells like garbage!"
Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa mga pangungutya nila. Sanay na ako sa mga sinasabi nilang ganyan araw-araw sa akin simula nang mapagdesisyunan kong sumali sa sorority nila ngunit masakit pa rin talaga na paulit-ulit na marinig ang mga ganoong bagay.
BINABASA MO ANG
THE UGLY CLUB OF BRENT UNIVERSITY | Ongoing
HumorHi! We are The Ugly Club of Brent University o mas kilala bilang T.U.C.B.U.! Who are we and What we do : T.U.C.B.U. is a supportive after school club, that aims to provide a warm and welcoming environment to all the outcasts of Brent University. A...