3
⭐️Napasigaw ako pagkapasok ko roon sa auditorium ng Adriano Hall. I was sweating and panting so badly that I almost thought I could faint anytime. Elevated pa naman 'yung auditorium na napasukan ko, kamuntikan na tuloy akong magpagulong-gulong doon sa hagdanan na nagsisilbi ring aisle.
"Finally! Katahimikan!"
Agad kong hinubad ang basang-basa ko na polo at paika-ikang tinungo ang upuan na katapat ng aircon. Hinubad ko rin ang sneakers ko para 'di na mas lalong sumakit ang mga paltos ko sa paa na resulta ng ginawa kong pagtakbo.
Mabuti na lang talaga at bukas ang auditorium at hindi ko na kailangan pang mangamba kung saan ako tatambay sa napakainit na panahong iyon!
Hindi na rin ako nag-alala na tanging itim na sando na lang ang suot kong pang-itaas dahil madalang lang naman din mapuntahan ang lugar na iyon ng mga tao. Tuwing may photography exhibitions lang naman ito nagagamit kaya tiwala ako na walang bigla-bigla na lang susulpot na admins o mga photography students na sisita sa akin. Miski ang guard na bantay ay kilala na rin ako.
"Kapag talaga ako sinipon sa ginawa nila, nako!" Hindi ko na naman mapigilang manggalaiti habang sinasampay ko iyong polo ko sa upuan para mapatuyo. Sumalampak ako sa upuan matapos kong gawin 'yon. Kinuha ko agad ang luma kong cellphone sa bulsa para sana i-text ang mga kaibigan ko at sunduin ako roon kung libre sila.
Grabe! Nakakaloka ang mga fangirls ng Esmeralda talaga! Mga nasobrahan sa paghanga!
Hindi ko gets kung bakit tinapunan rin nila ako ng tubig habang tumatakbo ako papalayo doon sa may stage! Hindi ba sila nanghihinayang? Magkano na ba ang isang bottle ng distilled water ngayon? At para namang mas mapapabilis ang pagkawala ko sa mga paningin nila kung tatapunan nila ako ng tubig! Lord! Mga hindi yata nag-iisip!
"Psst!"
Napahinto ako sa pagtitipa sa cellphone ko at napaayos ng upo.
May sumitsit ba?
"Psst! Dito!"
My heart started to beat wildly. Napa-tayo ako at napalunok. I tried to look everywhere but I couldn't see anyone. It was just so dark and so cold!
Jusko. Nalipasan ba ako ng gutom? Kulang sa tulog? Natamaan ba ng water bottle ang ulo ko kanina at nagsisimula na ako mag-imagine ng mga bagay?
"H-hello?"
Hindi ako naniniwala sa mga multo pero siguro dulot na rin ng pagka dim ng mga ilaw doon sa auditorium ay mas nagiging creepy 'yung pakiramdam ko sa lugar. Now I regret not opening all the lights when I entered...Ni hindi makita ang halos kalahati ng lugar!
Unsure of what to do, I took a step forward. Kinuha ko rin 'yung polo ko na kakasampay pa lang para may maihampas ako kung sakali mang may lumitaw na kung ano man sa harapan ko. Mas lalo rin kasing lumamig ang paligid kaya by the time na malapit na ako sa aisle, halos sigurado na akong minumulto na ako.
"S-sinong tumatawag?" I called to no one in particular. "May tao ba?"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking polo nang makarinig ako ng hagalpak na tawa sa bandang harapan ng audi.
"I know I'm small for my age, pero girl! Hindi naman ako gaano kapandak para 'di mo makita!"
I was about to throw my shirt at the direction where I heard a voice when someone came into my view. Halos maatake ako sa puso nang bigla na lang may naaninag akong babae na umaakyat sa aisle patungo sa direksyon ko. It seemed like the reason why I didn't see her right away was that she was staying in front of the auditorium where there were no lights even before I entered the room. Idagdag pa na naka-itim na hoodie at pantalon siya, ay talaga namang hindi ko siya makikita.
BINABASA MO ANG
THE UGLY CLUB OF BRENT UNIVERSITY | Ongoing
MizahHi! We are The Ugly Club of Brent University o mas kilala bilang T.U.C.B.U.! Who are we and What we do : T.U.C.B.U. is a supportive after school club, that aims to provide a warm and welcoming environment to all the outcasts of Brent University. A...