LovestoriesBeLike

13 0 0
                                    

JOSHUA'S POV

      Kung itatanong niyo kung may gusto ako kay Jenn, oo ang sagot ko. Kung itatanong niyo naman kung mahal ko na ba siya,oo din ang sagot ko.

     Dati pa may gusto na talaga ako sa kanya. Magkaibigan kami simula elementary at bestfriend niya ang pinsan ko.

     Kuntento na ako dati na nakikita ko siya araw-araw sa school at nakakasabay din pag-uwi paminsan.minsan. Sa totoo nyan, tumatakas ako sa mga duties bilang SSG President para lang makasabay sa kanila pauwi. Gustong-gusto ko kasing marinig ang boses niya at makipagkwentuhan kasi di kami nakakapag-usap masyado sa classroom.

      Kaya nung pumayag siyang maging tutor ko sa Math, ang saya-saya ko. Para akong lumilipad sa kalawakan. Parang si superman.  Ang sarap ng feeling. Palagi ko na siyang  nakakasama at nakakausap.

     Sa tuwing tinuturuan niya ako, nakatitig lang ako sa mukha niya pag di siya nakatingin sakin. Kapag tumingin naman siya sakin, agad naman akong titingin sa tinuturo niya, kunwari nakikinig ako sa kanya. Minsan nga nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Napaayos ako ng upo bigla at yumuko. Natawa nga siya sakin nun eh. Nakakahiya talaga.

   Sa katunayan, alam ko naman talaga ang mga lessons namin sa MATH. Nakikinig naman ako sa teacher namin. Nagsinungaling lang ako sa kanya.

Oo, alam kong masama ang ginawa ko. Ginawa ko lang naman yun para mapalapit ako sa kanya.

   Mahal ko na talaga siya, pero di ko masabi sa kanya. Isang araw, nahuli ako ni Sandy na nagsusulat ng loveletter. Kinuha niya ito at binasa pa nang malakas. Narinig nga yun nila mama. Nakakahiya. Tinawanan lang naman nila ako at kinakantyaw. Kimukulit nga ako ni Sandy na magconfess kay Jenn. Sabi ko sa kanya di ko kaya. Di ko naman talaga kaya. Panu pag di niya ako gusto? Panu pag magalit siya sakin? Wag naman sana.

     Naalala ko bigla yung pag-uusap namin nung isang hapon.

°°flashback°°

      Naglalakad kami pauwi. Kami lang dalawa kasi may practice pa si insan sa volleyball. Tahimik lang kami habang naglalakad. Nakakabingi, kaya naman ako na ang bumasag sa katahimikan.

" Ang tahimik natin Jenn ahh." sabi ko at tumungin sa kanya.

"Oo nga ehh." simple nyang sagot at patuloy parin sa paglalakad.

  Ano ba yan, ba't ang lungkot niya ata. May problema ba siya? At dahil curious ako, tinanong ko siya.
"May problema ka ba?"

"Wala naman. Pagod lang siguro ako." ,sagot niya. Di parin siya tumitingin sakin.

    Alam kong may problema siya. Di nalanf ako nagtanong pa, baka magalit pa sakin. Mahirap na.

  Nag-isip nalang ako ng ibang masasabi. Hanggang sa naisipan ko itong itanong:
"Jenn, may crush ka ba?"

   Napatingin siya bigla sakin. Ang mukha niya halatang nagulat pero ba't may bahid ng takot? Ano kayang ibig sabihin ng expression na yun?

" Syempre naman meron noh." Sabi niya tapos iwas tingin sakin.

      So may crush pala siya. Akala ko wala eh. Wala naman akong naririnig kay Sandy tungkol dito. Langhiyang pinsan.

     Balita ko, mahilig daw siyang magbasa ng mga lovestories sa wattpad. May stories kaya na katulad nitong akin? Haha

" Di ba mahilig kang magbasa ng stories sa wattpad? " tanong ko sa kanya.

"Oo. Bakit?" tanong niya.

"May mga nabasa ka bang stories like si boy may crush sa kaibigan niya. Taz umamin siya kay girl? Yung mga ganun."tanong ko.

" Oo. Ang dami nga eh. Common na ang mga ganyan sa wattpad." sagot niya.

"Ahh, eh ano naman nangyari sa kanila? Anong naging kapalaran ng mga lalake ?" tanong ko.

Nag-isip siya saglit at nagsalita ulit.
"Ok lang naman. May iba naging sila ng kaibigan niya dahil gusto rin pala silang babae. May iba din namang friendzone lang. At may iba ding nasira ang pagkakaibigan."

Nasira ang pagkakaibigan? Ang saklap naman.
°°°°°°°°°°°°°end of flashback°°°°°°°°°°°°°°°

   Kaya ayaw kong umamin sa kanya. Natatakot talaga akong masira ang pagkakaibigan namin. Kaya naman I've decided na itago nalang itong nararamdaman ko para sa kanya.

Pero nagbago ang isip ko nang ...

•flashback

"Shwa, ang ganda pala ni Jenn, noh?"
Si Carlo. SSG officer din at kaklase ko.

"Oo maganda siya. Matagal ko ng alam yun." sabi ko habang nakatitig kay Jenn.

Inaayusan kasi siya ni Sandy para sa roleplay namin mamaya. Siya kasi ang gaganap na Bida.

"Oyy pare. Di ba close kayo? Penge naman ng # niya, oh."

Nagulat ako sa sinabi niya. Bat siya hihingi ng #? May balak pa talaga siyang diskartehan ang Jenn ko ha. Putcha! Ano siya sinuswerte?!

"Wala akong # nya." simple kong sagot.

"Alam ko meron pare. Sige na. Pupormahan ko na talaga to. Ang ganda eh." sabi niya habang nakatitig kay Jenn.

Grrr.. nakakapikon natung damulag na to ha? Ang sarap suntukin. Di ba siya nakakaintindi ng salitang WALA?

GAGO! Akin lang ang Jenn ko.
Tumayo ako at iniwan ang gagong yun.

*****
Simula nun, lagi ko ng binabantayan si Carlo. Sa tuwing nakikita ko siyang lumalapit kay Jenn, sinusundan ko siya at makikisali sa usapan nila.

Mahirap na noh? Baka mahulog pa ang loob ni Jenn sa kanya.

        Sa mga araw na dumaan, napag-isipan ko na ding umamin kay Jenn sa tulong na din ni Sandy. Plinanuhan na nmin nang maigi ang mangyayari sa Feb. 2. Kinunsyaba ko narin ang mga classmates namin. Naeexcite ako na may halong takot. Sana maging maganda ang resulta nito. Sana. Sana. Sana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana (temporary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon