Sa Classroom ...

10 0 0
                                    

"Insan, turuan mo naman ako nitong Math oh. Itong quadratic equation, panu ba 'to?" - Josh

"Ano ka na man insan. Alam mo namang mahina ako sa Math di ba? " - Sandy

"Oo nga pala. Magkaanak nga talaga tayo. Hahaha " -Josh

        Rinig na rinog ko ang pag-uusap ng mag-pinsan sa may likuran ko. Natatawa nalang ako sa mga sinasabi nila. 

        Maya-maya may biglang kumalabit sa balikat ko. Paglingon ko ...

"Jenn, busy ka ba? " bungad ni Joshua.

"H-ha? D-di naman. Bakit?" putol-putok kong tanong. Eh sa nagulat ako eh.

"May sasabihin sana ako sa'yo." - Joshua

"Ano naman 'yon?" - Ako

" Ahh, can you be my ..."

"Joshua, tawag ka ng principal!"  sigaw ni Carlo sa may pintuan.

"Ha? Bakit daw?" tanong niya kay Carlo.

"Ewan. Puntahan mo na lang. Sabi bilisan mo daw." sagot ni Carlo.

        At agad-agad naman siyang tumakbo palabas. Nakalimutan nga niyang magpa-alam. Like HELLO? nag-iintay kaya ako sa sasabihin niya. Hay! Anubayan!? Ang epal naman ni Carlo.

Pero ano kayang kadugtong ng sinabi niya?"Can u be my... "

 "Can u be my Girlfriend" kaya? Aww, ang sweet. Haha xD .. Gusto din kaya ako ni Josh? Ha? Ha? Ano sa tingin niyo?

Sana.

Sana (temporary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon