After Class .. (Uwian)

19 0 0
                                    

Naglalakad na kaming tatlo (Josh, Sandy and Ako) pauwi. Sabay kami kasi magkalapit lang naman mga bahay namin.

Habang naglalakad, nagkukwentuhan naman kami.

"Insan, nangangamusta nga pala si Rhea sa'yo. Ayee. HAHA :D" , sabi ni Sandy. Ba't may "ayee"? Crush ba ni Josh si Rhea or GF ba niya yun?

"Talaga? Pakisabi, eto humihinga pa din ang pogi. HAHAHA " sabi niya tska nag-pose pa na parang model. Tapos tumawa nang malakas. Nakitawa nalang din kami ni Sandy dahil sa kakornihan niya. Pero ang masaklap, may Rhea na pala siya at halatang masaya siya sa balita ni Sandy sa kanya. Ouch naman. :(

"Ahh Jenn." tawag niya.

"Yung kanina pala." Hala! Eto na.Ano kaya sasabihin sana nito kanina?

"Ahh, oo nga. Ano ba yun?" tanong ko naman.

"Ahmm, nakakahiya naman." sabi niya sabay kamot sa batok niya. 

Hayss, ano ka ba Josh. Wag ka ngang mahiya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya.

"HAHA. Ano ba kasi yun?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Wag ka na kasing mahiya insan. Sabihin mo na." sabat naman ni Sandy sa usapan. So, alam niya pala ang sasabihin nitong si Josh. Ano kaya yun? Gustong-gusto ko ng malaman.

"Eh, kasi.. pwede ba kitang maging ..." eto na. Eto na talaga. Sasabihin na niya.

OMG! Anong gagawin ko ? Anong isasagot ko? YES? Ahh, ahmm, oo Josh! 

Ohh, please help me Lord.

"Jenn. pwede ba kitang maging tutor?" whaaat? As in tama  ba talaga ang narinig ko? TUTOR? Gusto niya akong maging tutor? 

Napansin guro niya na nagulat ako at nag-aalinlangang sumagot.

"Alam mo kasi Jenn, mahina talaga ako sa Math. Pero kung ayaw mo, ok lang naman sa'kin." sabi niya. habang nakayuko.

        So, yun pala. Maging tutor niya ako. Ang galing noh? Ang saya-saya.  (please insert sarcasm here:3) Sabi nga nila, EXPECTING DOESN'T HURT TOO MUCH, ASSUMING DOES. 

AHAHHAHAHA:D .. I'm so stupid, nuts, zany, fatuous, screwy, cuckoo at lahat nalang ng synonyms ng salitang stupid.

 "Ahh, yun lang ba? Okay lang sakin noh. HAHA." sagot ko at tumawa ng pilit. 

" Talaga Jenn? Talaga? " tanong niya. Paulit-ulit? Ano toh, unli? unli? Oh, pati ako paulit-ulit na rin.

"Oo nga. :)" sagot ko naman. Pinipilit ngumiti. I'm such a great PRETENDER.

        Nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap. Woahhh ( ♥.♥) Ang sarap naman ng yakap niya. Parang ayaw ko ng bumitaw. Joke, HAAHHAHA

"Salamat Jenn. Salamat talaga. Insan, narinig  mo yun? Pumayag siya." tuwang-tuwa niyang sabi kay Sandy.

"Oo, dinig ko nga insan. Di naman ako bingi. " sagot ni Sandy.

"Hay, goodluck nalang sayo bestie." bulong ni Sandy sakin, tsaka tumawa.

Tumawa nalang din ako. At nagtatawanan nalang kaming tatlo sa daan. Ngunit, sa likod ng tawanang iyon ay may isang pusong nagdurugo. Woahh, ang corny masyado. 

Sana (temporary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon