At ang iyong mukha'y nakakabighani, binibini
Mula sa sandaling aking nakita
Subalit ang puso'y hindi nabihag sa ganda
Kundi sa pintig na iyong pinadama—
The school bell rang throughout the school, resounding in the halls and the empty rooms. Tumunog ito't nagpahiwatig ng pagtatapos ng huling klase sa hapon, subalit katahimikan lamang ang bumungad nang matapos itong umalingawngaw.
Walang ibang tao sa ikatlong palapag ng establisyemento maliban sa isang babaeng nakaupo sa pinakadulong hilera ng mga upuan, malapit sa likurang pintuan ng silid. Nakatuon ang atensyon nito sa kapirasong papel sa kanyang harapan.
Her pen tapped against the piece of paper containing a single stanza of a poem. She raised her head to look at the sky dyed orange, painting the room in a sun-kissed hue.
Bumukas ang kanyang bibig at humudyat na magsasalita.
"—Sa paglubog ng gintong hari'y pagpalain ang kaharian..." Pagsulpot ng isang boses.
Napalingon siya sa pintuan kung saan nakasandal ang isang babaeng nakauniporme rin. Ngumiti ito at tumungo sa gilid ng kanyang lamesa. She half-sat on the desk, facing the window as she continued: "Paano't napadpad sa akin ang rosas ng iyong hardin?"
Tumingin ang babae sa kanya, tila hinihikayat siyang ituloy ang tula.
Tumugon naman ito at nagsimulang magsalita. "Anong kapatawarang ipinataw sa aking kasalanan"
"At tadhana'y hinahayaan akong ika'y ibigin"