Chapter 11

0 0 0
                                    

"Ano bang ginagawa mo? Ibaba mo nga ako!" Dinala nya ulit ako sa garden atsaka ibinababa. Hinampas ko sya ng hinampas ng malakas sa dibdib. Hinawakan nya naman ang dalawa kong kamay at pilit ko naman iyong inaalis sa pagkakahawak nya.

"Let go of me." inis kong sabi sa kanya at pilit pa ring inaalis ang pagkakahawak nya sakin. "Ano ba?!" singhal ko ng mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sakin.

Binitiwan nya ang isa kong kamay at hinigit ang isa kong kamay kaya naman napadikit ako sa kanya at niyakap nya ko ng mahigpit na ikinagulat ko.

"I'm sorry." sambit nya. "I'm sorry if I ruined your moment with that guy." sabi nya at napangiwi naman ako. "We are just dancing." maikling sabi ko. "Yeah right, grabe nyo titigan ang isa't isa at ang saya nyo pa." sabi nya at kinalas ang pagkakayakap sakin.

"Are you jealous?" tanong ko na ikinagulat nya. "If you think I'm jealous then maybe I am. Maybe I really get jealous seeing you happy with someone else." sinabi nya yon ng nakatingin sakin at iniwas nya rin ang tingin at tumingin sa buwan.

Napahawak naman ako sa puso ko dahil bumilis na naman ang tibok nito tumingin na lang rin ako sa buwan. "Balik na ko sa loob." sabi ko at naglakad na. Nagulat na lang ako ng higitin nya na naman ang braso ko. Nakatingala ako sa kanya at nakatungo naman sya sakin.

Napatingin pa sya sa labi ko at nakita ko rin ang pag galaw ng kanyang adams apple. "Pwede ba kitang isayaw sa ilalim ng buwan?" tanong nya at nagharumitado na naman ang puso ko. Dahan dahan naman akong tumango.

Nilagay nya ang dalawa kong kamay sa kanyang balikat at hinawakan naman nya ko sa bewang. "Wala tayong tugtog." sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya. "Edi kakanta ako." sabi nya. "Maalam ka bang kumanta baka biglang umulan ah. Sayang ang make up ko." pagbibiro ko at tumawa.

Napatigil rin ako agad ng ilagay nya sa likod ng aking tenga ang ilang hibla ng aking buhok. Nakatitig lang sya sakin kaya naman nailang na ko. Tumungo na lang ako at napakagat sa labi.

"Alam mo ba na hindi kita magugustuhan
Kung pangit ang ugali mo?"

Napatingin ulit ako sa kanya nang magsimula syang kumanta.

"Kaya sinta, sana ay huwag ka nang magtaka
Kung ba't napa-ibig sa 'yo"

Sinimulan na naming magsayaw at hinaplos nya ko sa pisngi at pinagpatuloy ang pagkanta.

"Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno
Ako ang demonyong gagabay sa iyo
Pabalik sa langit
Habang tayo ay paakyat
Ako'y napa-ibig...
Sa 'yo"

'Bakit pakiramdam ko gusto nyang sabihin sakin ang mga salitang nasa liriko ng kanta?'

"Pa'no na 'pag bigla kang nawala sa aking piling
Kung ikaw ang nagbibigay ng kulay sa aking puso at damdamin?"

'His voice is so good. Napakasarap pakinggan ng pagkanta nya.'

"Ikaw ay prinsesang napadpad sa malayo
Ako ang aliping gagabay sa iyo
Pabalik sa palasyo
Habang tayo'y naglalakbay
Ako'y nahulog...
Na-na-na, sa 'yo
Sa 'yo
Oh!"

'May ibig ba syang sabihin? Imposible namang mahulog sya sakin. Imposible nga ba?'

"Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno
Ako ang demonyong gagabay sa iyo
Pabalik sa langit
Habang tayo ay paakyat
Ako'y nahulog...
Sa 'yo
Sa 'yo

Mmm
Oh
Sa 'yo"

Natapos na ang pagkanta nya at dahan dahan ko na ring inalis ang kamay ko sa kanyang balikat. "Maganda boses mo ah." sabi ko at tinapik pa sya sa balikat.

'Pano ba ko makakaalis dito? Nakaka ilang ang katahimikan naming dalawa.'

"Yung kanta..." napatingin ako sa kanya at inantay ang sunod nyang sasabihin. "Nagustuhan mo ba?" tanong nya. Umiwas ako ng tingin at nagbuga ng hangin bago sya tingnan ulit. "Oo, maganda." maikling sabi ko. Napayakap ako sa aking sarili ng humangin ng malakas.

'Ang lamig naman. Gusto ko na tuloy pumasok sa loob'

Napansin ata ni Elijah na nilalamig ako kaya hinubad nya ang kanyang coat at ipinatong sa aking balikat. "Salamat." sabi ko at nginitian nya lang naman ako.

"Handa ka na bang humarap sa huling ensayo?" tanong nya. "Siguro. Wala akong alam sa mga mangyayari bukas pero meron sa loob ko na nagsasabing kaya ko. Ewan ko ba. Nitong mga nakaraang araw parang may nagbago sakin pero di ko masabi kung ano." sabi ko at natawa.

"Kapag natapos mo na ang ensayo mo.  Pwede ka nang bumalik sa Rivendell." sabi nya. "Kaya nga. Excited na ko. Alam kong kamakailan lang ayaw kong bumalik pero... sa tuwing mas naaaral ko ang kapangyarihan ko may nababago sakin. I mean feeling ko lang naman." sabi ko.

"Kung may nagbabago man sayo, sana hindi mabago yung magagandang ugali na meron ka. Sana makangiti ka pa rin kagaya nung nakita namin nitong mga nakaraan. Nakakahawa ang mga ngiti mo. Hindi mo alam kung gano kami kasaya na makitang kang nakakatawa. Hindi pekeng tawa dahil yung totoong tawa mo talaga." sabi nya at napangiti naman ako. "Sana nga, dahil ayokong dumating na naman ako sa punto na wala akong maramdamang saya. Ayokong bumalik sa punto na may kinikimkim akong galit at sakit na unti unting dumudurog sakin."

"Pagnakabalik ka na, wag mong kakalimutang maging masaya. Protektahan mo ang sarili mo, wag mong hahayaang api-apihin ka nila. Prinsesa ka, you deserve to have their respect. Kung hindi nila kayang ibigay, gawin mo silang abo." sabi nya at natawa naman ako. "Ganyan ka ba magsabi ng 'Sana makabalik ka dito'?" biro ko at natawa rin naman sya.

"Seryoso. Ipagtanggol mo ang sarili mo. Kaya mo ng kontrolin ang kapangyarihan mo, meron ka nang pangprotekta sa sarili mo. Hindi na rin nila yon magagamit para saktan ang damdamin mo." sabi nya pa. "Ano ka ba? Hindi pa nga tayo sigurado kung matatapos ko ang huling ensayo eh." sabi ko.

Binigyan nya lang ako ng pekeng ngiti. Ikinawit ko ang aking braso sa braso nya at sumandal sa balikat nya. "Salamat ah. Pinaramdam nyo sakin na hindi ako mahina. Andami nyong naitulong sakin." sabi ko. "Hindi ka naman kasi talaga mahina. Hindi mo lang kayang kontrolin ang kapangyarihan mo." sabi nya.

"Tara na sa loob" sabi nya at napasimangot naman ako. "O, bakit gusto mo pa ba kong kasama?" tanong nya at nakangisi pa. "Feeling mo no, pano ako makakapasok kung alam kong pagpasok natin dyan ay maririnig kong pinag-uusapan tayo dahil sa pagbuhat mo sakin." sabi ko at inirapan sya.

"Ayaw mo? Gusto mo buhatin kita papasok?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya at naglakad na ng may sama ng loob. "PESTE KA, ELIJAH!" gigil kong sabi at nilagpasan na sya. Narinig ko naman ang tawa nya kaya mas lalo akong nanggigil at nadedemonyong gawin syang abo.

 Narinig ko naman ang tawa nya kaya mas lalo akong nanggigil at nadedemonyong gawin syang abo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

10.11.21

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rise of the Fragile PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon