Chapter 1

3 1 0
                                    

"H.E.L.L"

My name is Arimellisa Estell Montgomery and I'm an Aries. I should be in Rivendell but I did something terrible. That's why all of the high members from the Academy decided to let me stay in "H.E.L.L" in the city of Edgeville.

It's not the "hell" that you think. H.E.L.L means Heal, Encourage, Learn and Limitation. It's been a month since I arrived here and I feel like I'm in hell.

~ 1 month ago... ~

"Princess Arimellisa, it's time for you to go." sabi sakin ng isa sa nagsisilbi sa palasyo. Kinuha na ng iba pang taga silbi ang aking kagamitan at ako naman ay dumiretso na pababa.

"Iintayin ko ang pagbabalik mo." sabi ni ate. Niyakap na ko nina mama at pati na rin ang tatlo kong kapatid. "Mag-iingat ka." sabi ng aking ina at tumango naman ako.

Tinalikuran ko na sila at naglakad na palabas. Sumakay na ko sa sasakyan at pinaandar na rin ito agad ng magdadala sakin sa H.E.L.L.

Sa sobrang haba ng byahe ay nakatulog na ko at nagising na lang ako sa paghinto ng sasakyan. "Nandito na tayo, Princess Arimellisa." Bumaba na ko sa sasakyan at kinuha ang mga gamit ko na ibinaba ng driver.

Labas pa lamang ay napakaganda na. Hindi ito kagaya ng aking iniisip na H.E.L.L. "Sigurado ka bang ito ang H.E.L.L?" tanong ko sa driver. "Opo Princess Arimellisa." tumango na lang ako at pumasok na sa loob.

Pagkapasok ko ay namangha akong muli. Kay ganda ng lugar, bakit pa ito tinawag na H.E.L.L. "Maligayang pagdating Arimellisa." sabi sakin ng isang babaeng kasing tanda lang ata ni mama.

May kumuha ng aking kagamitan at lumakad sila papunta sa loob ng palasyo. "Dadalhin na ang gamit mo sa iyong kwarto. Nandon na rin ang isusuot mo sa tuwing training. Meron kang magiging trainer at inaantay ka na nya sa training room. May mag iikot rin sayo dito para di ka maligaw. Pumasok ka na sa palasyo at nag iintay na sayo ang magdadala sayo sa iyong silid. Kung may iba ka pang tanong ay pwede mo syang tanungin."

"Per--" may sasabihin pa sana ako ngunit bigla na lang syang nilamon ng apoy at naglaho. Hay, wala pa kong halos alam pero iniwan nya na agad ako dito. Hindi nya ba alam na isa akong prinsesa.

Lumakad na lang ako papasok sa palasyo at nakita ko dun ang isang babae. "Ikaw ba ang mag-iikot sakin?" tanong ko. "Opo, dito po tayo." sabi nya at naglakad na. Sumunod naman ako at inikot ang paningin sa lugar. Sobrang ganda ng lugar, mamahalin ang mga kagamitan at walang makikitang makaluma.

Napatigil ako ng binuksan nya ang isang may kalakihang pinto. "Ito po ang magiging kwarto nyo. Magbihis na po kayo upang madala ko na kayo sa training room." sabi nya at nginitian ako. Ngumiti na lang din ako at pumasok na. Sinarado nya na ang pinto kaya naman kinuha ko na ang damit at pumasok sa banyo.

Isinuot ko na ang damit at itinali ng ponytail ang aking buhok. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at bumuntong hininga. "Good luck, Ellisa" bulong ko sa aking sarili at lumabas na. Pagkalabas ko ay nakita ko ulit ang babae na nag iintay sa may pinto.

Napasinghap pa sya at mukhang namangha. "Napakaganda nyo po. Bagay sa inyo ang damit." sabi nya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Salamat. Anong pangalan mo?" tanong ko. "Mizu po." sabi nya. "Let me guess, Water sign?" tanong ko at nagulat naman sya. "O-opo. Dalhin ko na po kayo sa training room baka mainip na ang trainer nyo." sabi nya at tumango na lang ako.

Rise of the Fragile PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon