Kung gaano ko kagusto ang pangalan na Gabriel noon ay siya namang pagkabwisit ko tuwing makaririnig ako ng pangalan na iyan.
"Gabriel!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki sa di kalayuang lugar.
Di ako lilingon. Di ako lilingon. Sabi ko sa sarili ko.
Pinigilan ko ang sarili ko sa isang bagay na alam kong hindi ko kailanman ay mapipigilan.
I remember the first time I heard his name, it was like a music in my ears that kept playing over and over again.
Until now, it's been 5 years.
5 long years have been passed but still, the impact of that name affects me.
So much.
Hindi ko alam kung coincidence lang ba o fate o trip lang talaga ng tadhana na makatagpo ako ng madaming Gabriel.
Isa, dalawa, tatlo, hindi ko na mabilang kung ilang Gabriel na ba ang nagdaan sa buhay ko.
Ano nga ba ang meron sa pangalan na yan at bakit parang ayaw ako tantanan?
"Gabriel!" Muli na namang tawag nung lalaki sa di ko alam kung sinong Gabriel ba ang tinatawag non pero naiirita na ako.
Sa sobrang irita ko eh napahinto ako sa paglalakad at kino-control ang aking emosyon.
Yes, everytime na makakarinig ako ng name na Gabriel nagiging emosyonal ako.
And yes, right here, right now nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko.
I hate it! I really hate it! Kailan ba ako makakamove-on? Kailan ba ako makakalimot?
"Aray! Pota." Nasambit ko na lang nang naramdaman kong tumama ang paa ko sa bato.
Perfect timing para sa pagddrama ko atleast ngayon literal na may masakit na sa akin. May karapatan na siguro tumulo ang mga luha ko na kanina pa sumisilip sa mga mata ko.
At ayun na nga, di ko na napigilan ang maiyak.
"Miss, are you alright?" Tanong sa akin ng unfamiliar face and unfamiliar voice sabay abot sa akin ng panyo.
"Kailan pa naging alright ang isang taong umiiyak?" Sagot ko at nagpatuloy na ulit akong maglakad habang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang aking kamay.
"I'm just trying to help here." Rinig ko pang sambit noong lalaki. Pero di ko pa din pinansin.
"By the way, my name is Gabriel."
Muli, natigilan na naman ako sa aking paglalakad.
Lumingon ako sa lalaki at sabay sigaw ng...
"Fvck you and your name!!"
BINABASA MO ANG
GABRIEL
RomanceBakit kailangan mapalibutan ako ng mga taong may pangalan na Gabriel? Paano ko siya makakalimutan kung sa paligid ko pa lang, kahit saan man ako pumunta, nakabuntot sa akin ang pangalang Gabriel? Kapatid, pinsan, pamangkin, inaanak, kaibigan, office...