1. First of the many Gabriel

23 1 0
                                    

"Gabriel!" Rinig kong sigaw ng isang babae sa aking likuran.

Di ko naman kilala kung sino yung Gabriel na iyon pero nang marinig ko ang pangalan na iyon ay hindi ko na ito makalimutan.

"Jude, halika na! Male-late na tayo." Tawag sa akin ng kaibigan ko na si Allen.

"Oo, nandiyan na." Sagot ko. Pero bago pa man ako sumunod sa kanila ay tumingin muna ako sa buong paligid na para bang may hinahanap pero wala naman.

"Gabriel. Gabriel. Gabriel~" Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko habang nakatingin sa kawalan.

"Shet! Late na tayo. Tara baba."

"Hey Jude!" Sabay biglang may pumitik sa noo ko. "Spacing out? Anong nangyayari sayo?" Tanong sa akin ni Allen.

"Huh? Anong sabi mo?" Parang bumalik ang kaluluwa ko sa pagkakatulog nito.

"Ang sabi ko bumaba na tayo dahil late na tayo di na tayo makakapasok sa first subject natin." Bakas sa boses nito ang pagka irita.

"Ah okay."

At ayun bumaba na lang kami sa canopy at tumambay habang hinihintay na matapos ang first subject na hindi na namin naabutan. Medyo terror pa naman ang teacher namin doon kaya kapag late na kami, mas gugustuhin namin na wag na lang pumasok kaysa ipahiya kami sa klase.

Gumawa na lang kami ni Allen ng homework namin sa Araling Panlipunan. Yun kasi ang susunod na subject namin.

Kami ay typical na estudyante lamang. Mahilig sa cramming. Assignment para bukas, bukas din ang gawa. Hahaha

Dumating na oras na pinakahihintay namin. Nagring na ang bell na siyang hudyat na tapos na ang first subject.

"Dito na tayo sa kabila dumaan dahil diyan sa gitna ang next class ni Mam." Sabi ko kay Allen.

Pinagtatalunan namin ngayon kung saang hagdan ba kami dadaan. Sa gilid o sa gitna. Medyo malayo ang lalakarin sa gilid kaya mas gusto niya na sa gitna na lang kami dumaan.

"Wala na naman magagawa si Mam kapag nakita niya tayo eh. Tapos na ang oras natin sa kanya." Napaisip ako sa sinabi niyang iyon. Bahala na si Batman.

Dito na nga kami dumaan sa gitnang hagdaan. At may 98% probability na makasalubong namin ang teacher namin. Pero langya, malakas ang loob ni Allen kaya ipush na'to.

Konti na lang mararating na namin ang rurok ng tagumpay which is ang makapasok sa room namin nang hindi nakikita ang aming teacher.

"Ms. Villanueva and Ms. Clemente" Tawag sa amin ng isang napaka pamilyar na boses. Sa buong buhay ko, ngayon ko pa lang ata hiniling na sana hindi Clemente ang surname ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko kay Allen eh. Pareho kaming napahinto sa paglalakad at unti-unting nilingon ang tumawag sa amin.

"Yes, mam" Sabay naming sabi ni Allen.

"Bakit wala kayo sa klase ko kanina?" Tanong nito sa amin sa pinaka nakakakilabot na boses.

Hindi kami nakasagot pareho ni Allen sa tanong niyang iyon.

"Okay then, pumasok kayo sa klase ko ngayon." Biglang nanlaki ang mga mata namin ni Allen nang marinig namin na yon.

"But Mam, we have our next class." Sagot bigla ni Allen.

"No buts. Pasok."

Wala na nga kaming nagawa kundi ang pumasok sa next class ni Mam Gonzales. Nakakahiya, pinapasok niya kami sa hindi namin section. The worst is, section pa ng mga best friends ko. Paniguradong walang humpay na pang aasar ang abot ko sa dalawang iyon.

Iniwasan ko ng tingin ang dalawang pares ng mata na alam kong tinitignan ako na may mga ngiting nakakaloko sa mga labi nila habang naglalakad ako papunta sa likod ng klase nila.

"Class ngayon ay meron kayong makakasamang dalawang napakabuting etudyante. Kung ayaw niyong matulad sa kanila, wag kayong magpapahuli sa akin na nagcutting class kayo. Okay?" Bati ni Mam Gonzales sa klase.

"Okay mam!" Sabay-sabay na sagot ng buong klase.

"Sabi ko sayo wag na tayong dumaan sa gitnang hagdan eh." Pabulong kong sabi kay Allen.

"Wag na tayong magsisihan, okay? Nandito na tayo eh." Sagot nito sa akin.

"Ms. Clemente, lumipat ka dito sa bakanteng upuan sa tabi ni Mr. de Guzman." Turo nito sa bakanteng upuan sa bandang unahan.

Agad akong lumipat sa tinurong upuan ni Ms. Gonzales. I swear to God, hinding-hindi na ako dadaan sa gitnang hagdan.

Tinignan ko ang lalaking katabi ko. Nakatingin lang siya sa harap. Hindi siya pogi. Hindi siya pangit. Sakto lang. Ang cute niya.

Maputi. May pagkamalaki ang mata pero hindi iyon nakakapangit sa kanya. Parang ito pa nga ang asset niya. Matangos ang ilong. Medyo red lips.

"Don't stare. Nakamamatay." Sambit nito atsaka tumingin sa akin ng nakangisi.

Oh my G! Sana lamunin na ako ng lupa. Ngayon na. As in ngayon na ngayon na. Sobra-sobrang kahihiyan na itong inabot ko ngayon.

Bakit nga ba ako napatitig sa lalaking ito? Gahhd!

"I-I'm sorry." Bulong ko without even thinking what am I apologizing for.

Nagring ang bell at yun na siguro ang pinakamagandang nangyari sa akin sa araw na ito. Ang natapos ang klaseng ito.

Patayo na ako ng upuan at handa nang lumabas ng kwartong yon nang may lumapit na isang babae sa katabi kong lalalaki.

"Pahiram naman ng ruler, Gabriel."

GABRIELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon