Merienda tayo kina Jack.
Text ng best friend ko na si Maj. Nagmadali akong bumangon para maligo.
Ganito ang buhay ko every summer. Kain, tulog lang sa bahay o di kaya mag foodtrip sa stall nila Jack kapag nagkayayaan kaming magbebest friends.
"Oh nasan na si Maj?" Tanong ko kay Ej na isa pa naming best friend.
"Aba, ewan ko doon. Siya itong nagyaya, suya ang wala." Sagot nito sa akin.
"Jack, isang choco mallows at fries." Sabay naming order ni Ej. Natawa na lang kami sa pagkakasabay namin. Ito kasi ang paborito at binabalikan namin dito sa stall nila Jack. Btw, si Jack pala ay friend din namin. :)
"Tatlo na, Jack!" At umentrada na nga si Maj.
"Layo ng bahay te." Bati ko dito.
Actually, di naman malalapit ang bahay namin sa isa't-isa. Pero di din malayo. Pero walking distance lang. Ay basta ayun. Haha.
"Sorry late. Nagpunta kasi si Bianca sa bahay. Nagkwento. Kaya ayun." Pagpapaliwanag nito.
"Anong ganap?" Tanong ni Jack.
Sakto naman na padaan si Gabriel at ang girlfriend niya. Tulad namin ni Ej at Maj madalas naming nakikita ang couple sa lugar na ito dahil may kaibigan din sila na malapit lang sa stall nila Jack.
Kahit summer ang hilig pa din niya mag bagpack.
"Alam niyo ba na bago maging si Gabriel atsaka yang si Angela, si Bianca muna ang niligawan ni Gabriel?" Bulong ni Maj.
"Parang nakwento mo na yan before." Sabi ko naman.
"Eh eto. Alam niyo ba na dating mag bestfriend si Bianca at Angela?" Pabulong pa din na tanong ni Maj.
"Bago yan ah." Sagot naman ni Ej.
"Dati? Bakit ngayon di na?" Tanong ko naman.
"Elementary best friends sila."
"Ay kailangan magkaiba ang elementary at high school best friends? Bakit tayo di ganon? Hahaha." Singit naman ni Ej.
Habang nagkkwento si Maj at paepal na sumisingit ni Ej nakatingin lang ako sa couple na papalapit.
Napapaisip. Ayos, di ba sila nagkakasawaan? Magkasama na sila sa room pati summer palagi din silang magkasama.
Habang nakatingin ako sa papalapit na couple ay biglang napatingin sa akin si Gabriel.
Bigla akong nagpanic nang magtama ang mga mata namin.
"Ay ang sarap ng fries." Nabanggit ko na lang sabay kuha ko ng fries. "Ay pota, ang init. Pakshit." Napaso ako sa bagong luto na fries.
"Ba't kasi bigla-bigla mo na lang kinakain. Hindi mo ba nakita na kalalapag lang ni Jack niyan. Ibig sabihin mainit pa. Bagong luto."
Hindi ko masyadong naintindihan na ang mga sinabi nila dahil mas narinig at naging malinaw sa tenga ko ang tawa mula kay Gabriel.
"Anong nakakatawa?" Narinig ko pang tanong ni Angela. Bago sila makalayo.
Takteeeeeeee
"Jude, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Maj.
"Ah.. ah oo. Okay lang ako. Gutom lang. Hehe." Sagot ko.
"So ayun nga. Minura ni Gabriel si Bianca sa text dahil nagsumbong daw tong si Angela na inaaway siya ni Bianca kahit hindi naman." Pagpapatuloy ni Maj sa kwento niya.
Ano kayang nagustuhan ni Gabriel kay Angela? Eh pangalan lang naman niya ang anghel at hindi ang pagkatao nito. Hmm
"Kawawa naman si Bianca." Sabi ni Jack sabay abot ng ketchup sa amin.
"Magbreak din yang dalawang yan." Bigla ko na lang nasabi.
"BITTER TE?" Sabay-sabay na sabi ng tatlo.
"Mga baliw." Sagot ko naman. At nagtawanan na lang kami. At kwentuhan pa.
Natapos ang summer na nasa bahay lang ako. Lumabas man ako kasama ko ang mga best friends ko na sina Maj at Ej at lams niyo na san kami nagpupunta. Kina Jack para kumain at tumambay.
BINABASA MO ANG
GABRIEL
RomanceBakit kailangan mapalibutan ako ng mga taong may pangalan na Gabriel? Paano ko siya makakalimutan kung sa paligid ko pa lang, kahit saan man ako pumunta, nakabuntot sa akin ang pangalang Gabriel? Kapatid, pinsan, pamangkin, inaanak, kaibigan, office...