Kabanata 6

4 0 0
                                    

Dumating na naman ang panibagong araw. Araw na sana ay hindi na dumating sa akin. The moment I opened my eyes, hindi na naging matino ang pagsasama namin ng oras ko. I was late at school, puyat ako dahil nag-overtime ako. Marami raw kasi ang nag-undertime dahil sa personal na rason nila na valid naman. Gusto kong magalit pero wala ako sa lugar para gustuhin ko iyon. I'm not even the boss here.

At ngayon namang nasa trabaho, sakto pa na may nag-eskandalo na kasangkot ako. Mainit na nga ang ulo ko, sasabay pa ang pangit na maarte na ito.

"I said I don't like your lemon tea! Lalasunin niyo pa ako. Why are you serving this kind of dirt? Sabi ko palitan niyo, 'di ba? Bakit hindi niyo ako sinunod? Mga bobo naman," I and Tina are serving this turd woman. Wala naman siyang sinabi na ganoon kanina pero nung natikman na niya 'yung iced tea, nag-drama at may suka-suka pang nalalaman. Nakakabwisit! She just humiliates one of our best drinks. Fuck you, dimwit. Ikaw ang bobo. Bobo ng panlasa mo.

"I'm sorry po, ma'am. Gagawin na po namin ang request niyo as soon as we can," paghingi ng pasensya ng kasama ko sabay yuko. No, I am not bowing at her. We're not at fault. Mahusay ang serbisyong ibinibigay namin sa bawat customer dito. But if someone like her is like that, I won't make a double mind not to splash in her face the lemon tea she just humiliated.

Paniguradong hiyang-hiya ngayon ang drink maker namin dahil sa nangyayari. And the worst is he'll question himself... is his drinks are not worthy to be eaten by the customers?

Fuck, ano na namang iniisip ko.

"Oh, ikaw? Ang talim ng titig mo sa akin? Lalaban ka? Customers are always right!"

I smirk. "Who the hell are you to say that you're right?"

May mga mangilang customer ang nagsinghapan dahil sa narinig. Bahagya ko ring nakita ang pagkagulat ni Tina dahil sa sinabi ko. Kinakalabit niya pa ako na huwag nang patulan ang babae.

"Anong sabi mo?!" nanggagalaiti niyang sabi. From what I see, she is beyond ordinary. Konting pag-aayos lang sa katawan, umasta na siya na parang mayaman. At dahil doon, may kakayahan ng apihin ang akalang mas mababa sa kanya. Pero hindi, mas mababa siya.

"Why would I repeat my words to you? As if you're that important. Do you even have a VIP card here?" Hindi nawawala ang ngisi ko sa kanya. "Wala, 'di ba? So, stop acting like you're a real brat. Hindi mo bagay."

She was about to pull my not so long black hair when someone grabbed her hand that was ready to hurt me.

"Ako na ang magbabayad sa expense mo. Just stop making ruckus, Dian." It was Gab... again. Damn, sexy. His English language skill is fucking incredible and pleasant to hear.

Hindi lang ang babae ang nagulat sa nakita... maging ako ay gulat din. How come?

"G-gabriel," halata ang kaba sa boses ng babae. Magkakilala sila?

Dahan-dahang binitawan ni Gab ang kamay niya bago tumingin sa akin. Bumuntong hininga siya bago pumunta sa counter para magbayad. Pinanood lang namin siya sa ginagawang pagbabayad sa bill ng walang hiyang babae na ito.

Don't tell me... is this his girlfriend? Damn, huwag naman sana. This woman doesn't deserve her.

'How about you? Do you deserve him?"

Fuck you, mind. I don't deserve him either.

Nahihiyang lumabas ng mini resto ang babae habang inaalalayan siya ni Gab. Bumalik na sa dati ang lahat pero ako, nakatingin lang sa pinto na nilabasan ng dalawa... naghihintay kung papasok ba siya ulit o hindi na.

At parang gusto kong ngumiti nang pumasok siyang muli. Walang pagdadalawang-isip na nilapitan niya ako. He then, flashes his smile at again.

"Si Dian pala iyon. Ex-girlfriend ng isa sa mga kaibigan ko dati sa Laguna. Pasensya na sa ginawa niya. Bagong lipat lang sila rito last week," aniya. He didn't have to explain it... pero sige na nga.

AislinnWhere stories live. Discover now