CHAPTER 6

6 4 0
                                    

NANG pumasok na ang kapatid ko sa paaralan ay naligo na ako para papasok na sa trabaho ko—sa cafe.Nag suot lang ako ng jeans at simpling T-shirt.

Hays another gastos na naman sayang din ang pera.

Pumara na ako ng tricycle at nag pa hatid sa Avalon Cafe.

"Ito na po ang bayad manong salamat." ani ko sa driver

Pumasok na ako sa cafe at nag bihis na nang uniform namin at nag serve na.


Madami ang customer kaya Hindi ko na alam kung anong oras na at wala pa akong kain.

Tinawag ko ang ibang wala pang trabaho para palitan dahil wala pa akong kain.

"Ate paki palitan muna ako nagugutom na kasi ako wala pa akong kain."

Tumango naman ito. "Oo sigi kumain ka muna kanina kapa kasi trabaho ng trabaho akala ko kasi Hindi kana kakain." Ani nito kaya natawa ako

"Sigi ate kakain na ako.Salamat."

Nang tapos na akong kumain ay bumalik na ako sa pag kuha ng mga orders.hanggang alas sinco lang ako dito at pap ka tapos ay papasok na ako sa Club na pinag tatrabahoan ko.Malaki ang kita ko doon dahil malaki ang mga tip na nakuha ko.Panigurado pag nalaman ng mga kapit bahay namin na nag ta trabaho ako duon ay maging laman ako ng chismis nila jusko talaga mga walang ma gawa sa buhay.



Nang sumapit na ang alas sinco ay nag pa alam na ako na uuwi na.


Pag labas ko sa Cafe ay nag hanap ako ng masaksakyan na tricycle.At pag dating ko sa bahay ay nandoon na ang kapatid ko.

"Papasok na si ate sa work ha?huwag kang lalabas lalo na't pa gabi na dito ka lang sa bahay." Sabi ko dito

"Opo ate Hindi po ako aalis doon lang ako kwarto at mag aaral."


"Mabuti naman,sigi aalis na si ate ha?ingat ka dito."

Hinalikan ko ito sa pisngi at lumabas na nang pinto at nag hanap ng masasakyan.


Nang narating ko na ang pinag tatrabahoan ko ay nag bayad na ako sa driver at pumasok na sa loob.

Madaming nangbabastos sa'kin pero wala akong magagawa kasi ito ang trabaho ko at kailangan ko ng pera para sa kapatid ko.


"Alliana buti naman at dumating kana miss kana ng mga customer mo hinahanap kana hahaha."ngumiti lang ako at nag serve na nang mga alak or juice.

" Alliana paki hatid nga ito sa VIP room doon sa third floor may trabaho pa kasi ako ih at isa pa baka malaki ang tips na ibibigay nila sa'yo."

Tumango lang ako at kinuha na ang ipapahatid sa akin at umakyat na sa hagdan pa tungong third floor.

Papasok na ako sa sinabing at kumatok para sabihing may tao dito.



Lucas,

Kasalukuyan kaming nag inom nang alak nang may pumasok na limang babae.At dating gawi ay tig iisa kami.

Napatigil kami sa pag inom ng alak nang may kumatok ulit sa pinto.Tumayo naman ang kaibigan ko at pinapasok iyon.


Pumasok naman ito at nilapag sa mesa namin ang alak at pulutan.Binigay ng kaibigan ko ang bayad.




Alliana


Parang sinaksak ang puso ko dahil sa nakita pakiramdam ko ay nang hihina ako kaya binilisan ko ang pag lagay ng mga alak sa mesa nila.


Mga lalaki nga naman man mangloloko.Bakit ba kasi ako nasasaktan  I wala namang kaming relasyon malinaw pa sa araw na na hanggang kaibigan lang Turing niya sa'kin.

Nang malabalik ako sa counter ay wala akong imik na umupo duon hanggang sa tinawag na ako ng ka table ko.


Mula nang nag ka table ako ay marunong na ako iminom ng alak ng alak pero Hindi marami dahil baka maamoy ng kapatid ko.Pero Hindi ko talaga makalimutan ang ganap na iyon paano ba naman kasi nakapatong ang babae sa lap nito habang hinahalilan ang leeg nito.



Uminom lang ako ng uminom para maibsan ang sakit ng dibdib ko.



Gago ka talaga lucas.Ano ba ang ginagawa mo sa'kin at sinaktan mo ako ng ganito.


Naging dalawa ang paningin ko.

"Lasing na yata ako hehehe."

Nang naramdaman ko na lasing na ako ay pa giwang giwang na umiwi ako sa bahay namin.Hindi ko pa nakukuha ang bayad ko ngayong gabi.

Pero ang importanti ay makauwi sa bahay para matulog na.Itulog Ang sakit.


Nang natanaw ko na ang bahay namin ay Hindi na ako nag bihis dumeritso na ako sa kwarto at tumabi sa kapatid Kong natutulog na.



Nagising ako nang masakit ang ulo ko.Bakit ko ba ako uminom.

'Broken ka kase dzae' sabat ng isip ko

Hays.Tumayo na ako at pumunta sa kusina Sabado naman ngayon kaya ok lang kahit na hindi ako mag saing ng maaga pwede naman akong kumain sa cafe.

Whole day ako duon. Lunes hanggang byernis lang kasi ang trabaho ko Sa club.Nag iipon na din ako para sa pang bayad ng utang at sa mga trabahodor sa bahay.


"Ate kailan kaba mag li-leave gusto ko kasing mamasyal tayo ate gusto kung mag relax ka.Mag pahinga ka muna ate kahit bukas lang miss na kasi kita ate eh....." Ani nito habang malungkot ang mga mata

"Charlene....Alam mo naman dibang kailangan ni ate ng pera para sa atin?pero kung iyan ang iyong gusto ay mag li-leave ako bukas at mamasyal tayo hmm?" Sabi ko sa kapatid ko


Halatang miss nga ako nito dahil Hindi na ito naka tiis at niyaya na nga ako.Matagal tagal na kasi mula mong huli kaming gumala kasi kailan kung kumayod para sa aming dalawa kaya wala akong oras at Kung meron man ay matutulog lang ako dahil sa pagod.Ilang araw na rin akong Hindi nakikita ng palubog na araw kasi nga abala ako.



"Yeheyyy!!!!Salamat ate ngayon lang kasi naabutan tuwing sabado."


Ngumisi ako. "Tulog mantika kasi kaya Hindi mo ako naabutan."

"Ate naman kasalanan ko bang tulog mantika ako?" Nakasimangot na ani nito



"Sigi na papasok na ako sa trabaho ko dito ka lang.Mag aaral ka at mag linis ng bahay kasi siguradong pagod ako mamaya pag uwi kaya dapat malinis ok ba?"

Tumango naman ito.Mabuti naman.

"Sigi ingat ka dito byee."

Nag hanap agad ako ng sasakyan at sumakay na para makarating na ako sa trabaho ko.Mahirap maging late baka tanggalin ako.


Nang nakarating na ako sa cafe ay pumasok agad ako at pumunta sa kusina.

"Oh...Alliana nandito kana pala mag bihis kana para makapag Simula kana medyo Marami nang customer sa labas." Sabi nito kaya pumasok na ako cr namin dito at tsaka nag bihis.


A/N:sorry ngayon lang ngayon kasi ako nag ka load😗loveyou all unnies😗

TE QUIERO MI AMORE(ON-GOING)Where stories live. Discover now