" IIBIG BA AKO ULI? "

1 0 0
                                    


Sinimulang lakarin ni Lore-
na ang mga papeles na kinaka-
ilangan para ma-claim niya ang death benefits ni Gardo.
Habang wala siya ay halinhi-
nan sina Nida at Remy sa pag-
aalaga sa anak niya. Mga ilang
araw din ang lumipas bago na-
pasa-kamay niya ang pera sa
death benefits ni Gardo. Mala-
ki-laki din ito dahil 20 taon din
sa serbisyo ang asawa. Baga-
man hindi naman humihingi
ng kabayaran sina Nida at Re-
my sa pag-aalaga ng anak niya,
kusang nag-abot ng pera si Lo-
rena sa dalawa.
" Hindi ito kabayaran sa pag-
mamagandang-loob ninyo sa pag-aaruga sa anak ko. Galing ito sa puso ko dahil mabuti ka-
yong kaibigan na kahit hindi
ninyo ako kadugo ay nagma-
malasakit kayo sa amin ng anak ko. Para sa inyo talaga iyan. "
" Huwag na Lorena. Biyuda
ka. Mas kailangan mo iyan, "
wika ni Remy.
" Para sa inyo talaga iyan,
sige na, kunin na ninyo. "
" Salamat kung ganoon. Pag-
palain ka nawa lalo ng Pangi-
noon, " sabi naman ni Nida.
Makaraan ang isang linggo
ay ipinaayos ni Lorena ang ti-
rahan. Magtatayo siya ng tinda-
han o sari-sari store na kahit
papaano ay may pagkakakita-
an siya. Habang maaga pa ay
paghahandaan na niya ang kinabukasan ni Junior, ang
anak niya ang alaalang naiwan ng namayapang asawa.
Madaling natapos ang
ipinagawang puwesto ng tinda-
han ni Lorena na karugtong lang ng bahay niya. Kinabuka-
san ay namili na siya sa groce-
ry para sa kanyang sari-sari
store. Tinulungan siya nina Re-
my at Nida sa paglalagay ng
mga paninda. Sa kanilang lu-
gar ay may nagne-negosyo ng
de bote tulad ng soft drinks at
alak, pero soft drinks lang ang
binili niya. Hindi siya nagtinda
ng alak at sigarilyo bagama't
malakas sana ang bentahan di-
to pero ayaw niyang magtinda
ng mga bagay tungkol sa mga
bisyo lalona ang alak.
Matulin na lumipas ang pa-
nahon. Nag-aaral na si Junior
sa nursery malapit lang sa ka-
nila. Lumaking matalino at ma-
bait ang anak. Nagmana ito si-
guro sa ama. Si Gardo ay naka-
tuntong ng kulehiyo sa kursong
AB Literature pero hindi naka-
tapos dahil maagang namatay
ang amang Security Guard din
sa pier. Atake sa puso ang iki-
namatay ni Eddie, ang kanyang
ama habang naka-duty. Dahil
siya ang panganay, napilitang
huminto sa pag-aaral at nagtra-
baho bilang kapalit ng nama-
yapang ama sa pier din para
tulungan ang ina sa pagtatra-
baho bilang labandera ng isang
negosyanteng Intsik sa Binon-
do. May apat pa kasing kapatid
ito na ang bunso ay walong ta-
ong gulang. Tutulungan niya
ang ina sa pagpapaaral sa mga
kapatid. Alam niyang edukas-
yon ang kaparaanan upang
makaahon sila sa hirap. Kahit
noong araw na may asawa na
siya ay nag-aabot pa rin siya ng
pera sa ina. At bago sila ikina-
sal ni Lorena ay nakapagtapos
sina Eunice bilang Nurse, si Er-
nesto na graduate ng Marine
Engineering. Tanging sina Elias at ang bunsong si Eliza ang ka-
salukuyang nag-aaral pa noon
nang mapatay siya sa night club sa Ermita kung saan siya
ang naka-duty bilang guwardi-
ya nang magkaroon ng gulo.
Isang taon ang lumipas mula
nang itinayo ni Lorena ang tin-
dahan niya ay mabilis na lu-
mago ito. Marunong na siya
magpatakbo ng sari-sari store
dahil may tindahan ang Nanay
niya sa probinsiya noong dala-
gita pa siya. High school lang
ang natapos niya dahil kapos
sila sa pananalapi nang pana-
hong yaon. Maliit lang ang sa-
kahan ng Tatay niyang si Nar-
do. Marami kasi silang magka-
kapatid, sampu lang naman. Namasukan siyang kasamba-
hay sa Tondo mismo. Si Gina
na kapatid ng Nanay niyang si
Doray ay nakapag-asawa ng
Bikolanong family driver na si
Roman. Ito ang nagpasok kay
Lorena sa amo nitong negos-
yante ng dry goods sa Quiapo.
Si Gina ay dati ring kasamba-
hay. Ang amo niyang si Myrna
ay kaibigan ng amo ni Roman
na si Nelia. Dito nagkakilala si-
na Roman at Gina na kalaunan
ay nauwi sa kasalan.
Ilang taon pa ang lumipas, si
Junior ay tumuntong na sa Ele-
mentarya. Matalino si Junior.
Laging siya ang nangunguna
sa klase. Palibhasa'y matalino
rin ang amang yumao. Sumagi
sa isip ni Lorena ang sinabi ni
Gardo noong kakapanganak ni-
ya kay Junior na gagawa daw
sila ng babae at pangangala-
nang Loren na kulang lang ng
isang letra sa pangalan niyang Lorena. Ngunit hindi na nang-
yari iyon dahil napatay nga si Gardo habang naka-duty sa isang night club sa Ermita nang magtangkang awatin nito ang dalawang grupong nag-away sa naturang klab. Bilang Secu-
rity Guard, tungkulin ni Gardo
na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng jurisdic-
tion ng binabantayang establi-
syamento. Parehong patay sina
Gardo at ang nakabarilang pu-
lis pala na si Raffy na nag-iinu-
man kasama ang ilang barka-
da nito. Minasama ni Raffy ang
pag-awat ni Gardo sa kanya at
ang galit nito sa mga kaaway ay naibaling kay Gardo na ang
tanging hangarin ay huwag magkagulo ang nag-iinuman
nang gabing yaon.
Naputol ang alaala ni Lorena
nang may isang lalaking bibili.
" Ano po ang bibilhin ninyo
Mister? " tanong niya sa lalaki.
" A, e, kuwan, sigarilyo marl-
boro short. "
" Sori po, hindi po kami nag-
titinda ng sigarilyo. "
" Isang boteng ice cold San
Miguel beer na lang. "
" Sori pa rin po, hindi rin ka-
mi nagtitinda ng alak. Sa kabi-
lang tindahan sa susunod na
kanto, may sigarilyo at alak
doon. "
" Sige po Miss, doon na lang
ako bibili. "
" Misis pero biyuda na. "
" A! ganoon ba. Akala ko kasi
dalaga ka pa. "
" Dala na, hindi dalaga, hi!-
hi!-hi!
" Kalog ka pala, anong pa-
ngalan mo Miss, este, Misis?
" Lorena, sige na bumili ka
na sa kabilang tindahan. "
" Bago ako aalis, puwede
bang makipag-kaibigan sa iyo.
Ako si Roger, binata at wala
pang girlfriend. "
" Kaibigan lang pala, no pro-
blem. "
Simula pa lamang iyon. Ha-
lata ni Lorena na parang nati-
puhan siya ni Roger. Sabagay,
maganda naman siya at hindi
halatang 32 na at mukhang 25
lang. Si Roger naman sa tingin
niya ay mga 28 anyos lang ito.
" Hindi nga nagkamali si Lo-
rena dahil isang araw ay eto
na naman si Roger.
" Kumusta ka na Lorena. "
" Okey lang ako. Anong bibil-
hin mo? "
" Sardinas, yung Hokkaido
mackerel at dalawang sotang-
hon. "
" Dito ka ba sa Tondo naka-
tira Roger? "
" Oo, sa Herbosa street. Pero
bago lang ako dito, wala pang
isang buwan. "
" Ano bang probinsiya mo
Roger? "
" Taga Enrile, Cagayan ako. "
" Anong salita ninyo doon,
Ibanag o Itawes? "
" Ibanag ako, pure Ibanag. "
" Magkaintindihan pala tayo.
Ibanag din ako, taga Aparri,
Cagayan. "
" Sige Lorena, baka nainip
na ang Ate ko, ito kasi ang ulam namin ngayon. See you
next time. "
" Sige, ingat, maraming loko
dito. "

LORENAWhere stories live. Discover now