" IBINIGAY KA NG DIYOS SA AKIN "

1 0 0
                                    


    Makaraan ang isang linggo ay muling dumalaw si Roger
kay Lorena.
    " Kumusta na kayong mag-
ina Lorena. "
    " Ayos lang kami. Kinausap
ko uli ang anak ko. Tinanong
ko siya kung sino sa inyo ni
Lando ang maging pangalawa
niyang ama. Nagkataong pare-
ho pala kami ng damdamin. "
    " Ibig mong sabihin, ako ang
pinili mo sa amin ni Lando? "
    " Hindi ko puwedeng dayain
ang sarili ko. Mapalad ka Roger
dahil naramdaman kong tapat
ang layunin mo sa akin. At hi-
git sa lahat, ikaw talaga ang
mahal ko noon pa man. "
     " Salamat sa iyo Lorena, at
higit sa lahat, dininig ng Diyos
ang panalangin ko kagabi na
sana'y ako ang piliin mo. Sala-
mat sa Panginoon. "
    " Kakausapin ko pa rin si
Lando kapag dumalaw uli siya.
Ipinangako naman niya na iga-
galang niya ang desisyon ko
kung ikaw daw ang mapalad.
Maginoo naman siya Roger. "
    " Sa lalong madaling pana-
hon ay magpapakasal na tayo
kung okey lang sa iyo. "
    " Walang problema Roger.
Kailan ba ang gusto mo? "
    " Next month kung okey lang
sa iyo. "
    " Sige, payag ako Mayo na sa susunod na buwan. "
    " Ikaw na ang pumili ng petsa Lorena. "
    Sinulyapan ni Lorena ang
kalendaryo na nakasabit sa
dingding.
    " Mayo 7, araw mismo ng
Sabado. Sa City Hall na lang
tayo magpapakasal. Simple
lang Roger ang gusto kong ka-
sal natin. Ayaw ko ng bongga. "
    " Kung iyan ang gusto mo,
walang problema. Tamang-ta-
ma, ang binabalak kong ma-
ging Ninong natin ay yung Ci-
ty Administrator namin. Natan-
daan kong sinabi niya noon na siya daw ang kukunin kong Ninong at ang Ninang daw ay yung medyo may edad ng dalaga na Secretary namin mismo sa City Hall. "
    " Hindi ba puwede yung asa-
wa na lang niya? "
    " Biyudo na siya kamakailan
lang Lorena. "
    " Ganoon ba? "
    Isang linggo ang lumipas.
Isang masamang balita ang na-
panood mismo ni Lorena sa
telebisyon. Hinoldap at pinatay
ng mga holdaper si Lando. May
alam siya sa self-defense kaya
lumaban. Napatay niya ang isa
sa mga masasamang-loob, ngu-
nit napuruhan siya ng isa ga-
mit ang kalibre .45. Hindi napi-
gilan ni Lorena ang sarili. Na-
paluha siya dahil mabait na
tao si Lando. Naawa ang biyu-
da ni Gardo sa binatang isa sa
manliligaw niya bukod kay Ro-
ger. Okey na rin siguro na ki-
nuha na ng Panginoon si Lando
upang hindi na niya malaman
na si Roger ang pinili ni Lore-
na. Sabagay iniisip din ni Lore-
na na kayang tanggapin ng bi-
natang kasapi ng SOS Darede-
vil ang kabiguan sa pag-ibig ng
magandang biyuda. Nangako
kasi ang binata na igagalang
nito ang desisyon ni Lorena
kung si Roger ang pipiliin nito.
     Isang linggo ang nakaraan
ay inilibing na si Lando. Naki-
paglibing si Lorena kasama si-
na Roger at Junior.
    " Nakakalungkot naman ang
nangyari kay Lando. Sana ay
hindi na lang siya lumaban sa
mga holdaper. "
    " Matapang kasi si Lando at
may alam din sa martial arts "
wika ni Lorena.
    " Kahit magaling ka sa mar-
trial arts kung baril ang kala-
ban mo, talo ka, " sabi ni Roger.
    " Hanggang doon na lang ta-
laga ang buhay niya. Totoo si-
guro yung sinasabi nila na ang
mga mababait daw na tao ang
inuunang kunin ni Lord tulad
ng asawa ko. Napakabait na
tao at walang bisyo. "
    " Maaari nga dahil ang aking
ina ay sobra ring bait, ayun ki-
nuha na ni Lord. Pero hindi naman ibig sabihin na kaila-
ngang magpakasama tayo pa-
ra humaba ang buhay natin, "
wika ni Roger.
    " Ayon sa Bibliya, ang ikli o
haba daw ng buhay natin dito sa lupa ay depende sa kagustu-
han ng Panginoon. "
    " Wow!, mukhang marami kang alam tungkol sa Bible Lorena. "
    " Hindi ko nga pala nasabi sa iyo na isa akong Born Again Christian. Kasapi kaming pamilya sa grupo nina Bro. Eddie Villanueva. "
    " Pati si Gardo, Born Again
din? "
    " Oo, bago ko siya nakilala
ay Christian na siya. Siya ang
dahilan kung bakit ako nakaki-
lala sa Panginoon. Oo nga pala,
may policy sa Church namin      kung mag-asawa daw isang       Christian, dapat ay Christian
din. "
    " Christian din ako Lorena
dati, pero nag-backslide ako.
Bumalik ako sa mga bisyo ko.
Nang sabihin ng anak mo na
dapat ay wala akong bisyo, na-
isip kong magbalik-loob sa Pa-
nginoon. "
    " Kung gusto mo bago tayo
makasal ay dumalo ka sa
Church namin sa Sunday dito
lang naman sa Tondo. "
    " Anong oras yun? " 
    " Alas-9:00 ng umaga. "
    " Sige, Lorena, sama ako sa
inyo sa Linggo. Magbabalik-
loob ako sa Panginoon. "  
    Sumapit ang araw ng Linggo.
Magkasama nga sina Lorena,
Roger, at Junior sa JIL Church.
Muling tinanggap ni Roger ang
Panginoong Jesus bilang kan-
yang Diyos, Panginoon, at Ta-
gapagligtas.
    Sumapit ang kasal nina Lore-
na at Roger. Sa City Hall nga
ikinasal. Sinagot ni  Mr. Rene
Mateo, ang Ninong nila ang
gastos sa pagkain sa isang sikat
na fastfoods restaurant sa Er-
mita. Gustong makihati sa gas-
tos ang Ninang nilang si Karen
de los Santos, ang Secretary ng
City Hall.
    " Huwag na Karen. Ako nang
bahala sa kinain natin, " wika
ni Rene sa may edad nang da-
laga pero hindi pa naman lu-
malagpas sa 40 anyos, siguro
mga 38 anyos lang.
    " Salamat po Ninong. Pagpa-
lain nawa kayo ni Lord, " wika
ni Roger.
    " Salamat po sa inyong dala-
wa, Ninong at Ninang. " sabi
naman ni Lorena.
    Unang gabi ng pagsasama ng
dalawa. Nakabukod ang silid
ni Junior. Mga ilang sandali ay
tulog na ito.
    " Tulog na si Junior, Lorena.
Ano pang hinihintay natin. Sa
atin ang gabing ito. "
    " Sumilip ka muna sa silid
niya. Siguraduhin mong tulog
na siya. "
    Tumayo nga si Roger. Sini-
lip niya si Junior. Tulog na tu-
log na ito. Mga ilang minuto pa
ay dumilim na sa silid ng
bagong kasal.
    " Dahan-dahan lang Roger
ha! "
    " Huwag kang mag-alala,
hindi kita bibiglain. "
    " Oohh! Roger, mahal na ma-
hal kita, Aahh! "
    " Mahal na mahal din kita
Lorena. Oohh!, Aahh!
    Mga ilang minuto ang lumi-
pas ay biglang tumahimik sa
loob ng silid na yaon. Pinagsa-
luhan ng dalawa ang tamis
ng kanilang pagmamahalan.
     Makalipas ang siyam na bu-
wan ay isinilang ni Lorena ang
bunga ng pagmamahalan nila
ni Roger. Babae ito. Napaka-
gandang bata. Kamukhang- ka-
mukha ng ina.
    " Anong ipapangalan natin
Lorena? "
    " Kung okey sa iyo ang Loren.
Ito kasi ang ipapangalan sana
namin ng asawa ko kung mag-
kakaanak kami ng babae, ka-
hilingan niya kasi ito. "
    " Wala akong tutol. Maganda
nga iyan dahil kulang na lang
ng letter A sa dulo para magka-
pangalan na kayo. "
    " Huwag mo sanang isipin
Roger na nabubuhay pa ako sa
alaala ni Gardo. Nasa piling na
siya ng Diyos. Ikaw na ang asa-
wa ko ngayon at mahal na ma-
hal kita. "
    " Naunawaan kita. Sana ga-
win nating tatlo ang mga anak
natin, at sana'y lalaki para tag-
laying niya ang apelyido ko. "
    " Masusunod kamahalan.
Manalangin tayo pareho Kay
Lord na lalaki ang susunod na
anak natin at ito na sana ang
bunso, tutal may babae na ta-
yo, si Loren. "
    " Sige, pareho tayong mana-
langin. Teka nga pala, kasisi-
lang lang ni Loren, next baby agad ang pinag-uusapan natin,
he!-he!-he! "
    " Hayaan mo, next year ay
isisilang ang bunso natin, at
lalaki ito. "
    " Salamat sa Diyos, salamat
sa Kanya dahil ibinigay ka Ni-
ya sa akin Lorena. "
    " Niloob ng Diyos iyon dahil
walang bagay na nagaganap sa
mundong ibabaw na hindi ka-
pahintulutan ng Diyos. Nasa
ilalim ng Kapangyarihan ng
Diyos maging masama o ma-
buti. Purihin ang Dakilang Pa-
ngalan Niya. "

   

    
               W  A  K  A  S

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LORENAWhere stories live. Discover now