Prologue

13.2K 374 44
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
PROLOGUE
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶

"Mag-ingat po lagi kayo, Nay. Take care of your health," nakangiti kong paalala sa aking pasyente na Nanay.

Nakatayo akong pinagmamasdan siyang papalabas ng hospital. Kapag may nakikita akong nahihirapan na pasyenteng lumabas ay lumalapit ako at tinutulungan sila.

"Tapos na duty mo?" tanong sa akin ni Mary isa sa mga kapwa ko doktora.

"Yes," nakangiti kong sagot dito. Excited na akong makauwi. "I can rest now."

Nakakapagod ang mag-duty ng 2 ng umaga hanggang 10 ng gabi. Mahigit 8 oras yata ang nilaan ko sa loob ng operating room. Dahil dagsa ang mga pasyente na kailangan operahan. Tapos binisita ko pa ang aking mga ibang pasyente.

"Kumain ka na?" tanong sa akin ni Lorraine ang isa ko pang kapwa doktora.

Kagaya ko ay may hawak-hawak din itong medical result ng mga pasyente namin. Kailangan kasi namin i-check ang mga medical result ng mga pasyente namin. Kailangan namin masiguro na maayos sila at unti-unting gumagaling. Nakangiti naman akong umiling dito bilang sagot.

"Tara? Kain tayo? Sagot ko!" Dagdag na niya pa.

"Hindi na. Kayo na lang dalawa ni Mary. Kailangan ko na kasing umuwi." Tanggi ko kay Lorraine.

"Hmm...ganon ba? Sabagay may aalagaan ka nga pala." Tumango-tangong saad ni Lorraine sa akin.

Iniwan ko na silang dalawa at sabay pasok sa elevator para pumunta sa fifth floor ko kung saan ang aking opisina. Pagkabukas ng elevator lumabas ako agad at naglalakad na papuntang office ko. I took off my lab coat that doctors always wear.

I have also changed my clothes and shoes. Ang sakit kasi sa paa ang heels na suot-suot ko. Lalo na't ang tagal kong suot ito. After I organized my office and myself, I immediately went downstairs to go out. Then I went to the parking lot.

"What the h*ck?!" Bakit ngayon ka pa naplatan? Wala pa naman akong dalang pang bomba ng gulong. Kainis!

I got out of my car. I can't do anything either. Bakit kasi nakalimutan kong dalhin ang pang bomba kanina? Ang malas naman, oh! Ang layo pa naman dito sa ospital kung saan pwede magpabomba ng gulong.

My head hurt even more when the bill for the house, water, and electricity suddenly popped up on my cell phone. What the h*ll! Mapuputulan kami ng kuryente kapag hindi pa ako nakapagbayad bukas. Kailangan ko rin mag-ipon pera.

My ghad! Buhay nga naman, ang hirap. Pumara ako ng taxi dahil hindi naman aandar ang kotse ko kapag walang flat ang gulong kapag naman sinubukan ko baka mas lalong masira kaya no choice ako kundi mag-taxi pauwi. Bumaba ako sa tapat ng bahay ng aking kaibigan na si Sami.

"Oh, why did you come now? It's getting late," said my friend when she opened the door of her house.

"Sorry, ngayon lang natapos duty ko. Nasaan siya?" tanong ko dito.

"Bakit ganyan itsura mo? Ang pangit ng mukha mo! Mukha kang stress!"

"Paki mo. Gaya ka." Inirapan ko na lang siya. Kaysa pansinin ang panlalait niya sa akin.

I'm always stressed. So nothing new. Itinuon ko na lang ang aking sarili sa paghahanap sa hinahanap kong tao. Sa aking munting prinsipe. Pagod ako.

Magdamag ba namang nasa trabaho at nag-over time pa. So I don't have the strength to argue with her. I just went straight to her room. Dahil alam kong nandoon ang hinahanap ko. Wala kasi ito sa sala kaya alam kong naroon ang hinahanap ko. Nakita ko ring may mga kalat na mga laruan na sasakyan at bukas ang TV.

Don't Play With Me, Doctor || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon