KABANATA 4
Ng maka uwi kami kaming apat kasama barkada nila kuya pinagalitan muna kami nito muntik pa nga ako nitong mapalo ng hawak niyang tabo dahil sa mga sagot ko sa mga tanong nito pero yung tabo na gagamitin sana nito para maligo sa poso malapit sa eskwelahan namin nabitawan niya dahil sa dulas ng kamay niya kaya Naka takbo ako papunta kila kuya na naglalaro ng teks at jolen pasemple kong sinilip si papa na ngayon kumuha na ng balde nakahinga naman ako ng maluwag at tinoon nalang pansin sa laro nila
"Pst"agaw kung pansin kay drake na nakaupo sa may bato habang pinapanood ang mga naglalaro lumingon ito sakin at tinaasan ako ng kilay lumapit ako dito at tumabi ng upo sa kanya
"Bakit?" Tanong nito sakin
"Wala lang dimo ba tatanungin kung San kami galing kanina" nakangiti kung tanong dito at tumingin Kay craine na ngayon nakikipag agawan ng jolen na natalo ata siya
"Bat ko naman itatanong?" Kunot noo nitong saad napanguso nalang ako at inilabas teks ko sa bulsa para makipag laro din
"Ayaw mo makipag laro sakanila? Tara"aya ko dito at hinila siya pero umiling lang ito at hinila kamay sa pagkahawak ko inikutan ako nito at pinag tabuyan pero ako pinilit ko pa ito
"ano ba yang ginagawa mo zhena" nagulat naman ako ng sumulpot si zack
"Kasi naman zack si drake ayaw makipaglaro sakin" pinadyak padyak ko paa ko at hinila ulit si drake pero patuloy ito sa pagpipiglas kaya naman nag Simula na akong umiyak
"Kita munang ayaw ng tao sayo" sabi ni Zack kaya yung luha na kanina ko pa pinipigilan ay dumaloy na pababa saaking pisngi saka sumingot singot
"Tara nanga parang tanga naman kasi" bakas sa mukha nito ang pagkairita at parang napilitan lang lumiwanag mukha ko at tatayo na Sana galing sapag kaupo ko sa lupa dahil sa pag dadabog ko pero si kuya lumapit saamin at sinuway ako
"Pabayaan mo yan drake papansin lang yan" dagdag ni kuya saka ako hinila pero nakakapit ako kay drake kaya nasama siya saamin hindi ito umimik at nag pahila nalang saakin kaya nagtawanan naman sila craine na nag palingon kay kuya saamin kumunot noo nito na parang walang alam
"Bakit ka sumusunod drake?" Tanong ni kuya sakanya nginuso nito kamay ko na nakahawak sa kamay niya bilang sagot sa tanong ni Kuya tumingin duon si kuya at dumilim ang mukha
"Ano ba zhena tumigil Kananga nakakairita kana talaga"inis
Nitong hinila kamay ko na nakahawak kay drake" Kuya naman eh"
"Bibitawan mo kamay ni drake o isasabi ko sa kanya?" Napa kunot naman noo ko sa sinabi nito
"Ang alin?" Lumapit si kuya saka may ibinulong na nag pagulat saakin, alam niya?
"Na may gusto ka sa kanya" bulong niya saakin at kinindatan paako nito hindi ako naka sagot at napatulala nalang sa kanya dahil sa sinabi nito ng ma tauhan ako saka ko lang siya sinuntok sa tiyan gamit ang binitawan niyang kamay ko
YOU ARE READING
CATch ME nOW
Vampirebata palang siya kasama niya na ang pusa hanggang sa dumating ang tamang panahon kung kailan ay nasa legal age na siya ang pusa na kanyang inalagaan ay sakanya naka takda kaya magiging hugis tao na ito at siya ang dahilan dahil tumuntong na siya sa...