CHAPTER 7

10 2 2
                                    

KABANATA 7

"akin na nga yang pusa kuya"inagaw ko kay kuya ang pusa na siyang kanina pa niyang hawak wala na atang balak bitawan pa simula nung umagang nasaktan ko raw yung droux niya

"hindi na ito magiging sayo bad kana maging amo niya"kuya

"kasi naman tinulugan niya ako sa mukha ikaw kaya ganunin"pumunta ako sa labas at nakipag laro sa pusa kahit parang walang planong makipag laro ito sakin parang gusto nalang ata matulog

kumuha ako ng stick at nilagyan ng tali sa dulo sa dulo ng tali ay nilagyan ko ng pagkain na siyang gustong gusto kaini ng pusa hindi ki pa nga nabibigyan ng pangalan siya hangang ngayon

ng matapos ko itong magawa ay pinaabot ko ito sa pusa ang lakas ng tawa ko habang pinapakuha ko ang pagkain sakanya hindi ko namalayan na lumapit na pala siya sa paanan ko at kinalmot ito dahil ata sa napikon ito umupo ako at tinuro siya

"ang bad mo ah masakit yun akala mo"tiningnan ko ang paa ko at nakita ko itong dumugo tiningnan ko ang pusa na ngayo ay kinakain na ang pagkain na kanina niya pang gustong kainin, napaiyak naman ako sa hapdi ng kalmot niyang ginawa,

sinipa ko ang pusa at pinag sumbat sumbat ng kung ano ano yumuko ito at bumaba ang tainga pati buntot para bang batang napagalitan ng kanyang ina

"meow" sagot nito nagpa cute pa

"ikaw na pusa ka wag mo akong daan daanin sa pag pa-puppycat mo puppy cat bayun?" tanong sa sarili ko

lumapit sakin ang pusa at kumandong tinulak ko ito pero lumapit rin ulit sa pagkakataong ito ay hindi ko na sya tinulak at hinaplos nalang hindi ko maintindihan pero bigla akong naawa sa kanya dahil sa pagtatrato sa kanya pakiramdam ko napakasama ko sakanya kahit ako naman ang may gusto sakanyang mag alaga

kinarga ko ang pusa at dinala sa likod ng bahay kung saan kami naglalaro ni craine kapag tumatambay siya dito sa bahay

umakyat ako sa puno ng bayabas na di masiyadong mataas habang karga ko parin ang pusa medyo nahirapan pa ako sa pag akyat dahil sa baka maipit ko ang pusa ng makarating ako sa inuupuan ko ay hinarap ko sakin ang pusa at kinausap kumuha din ako ng bunga ng bayabas na hindi pa masyadong hinog at kinain ito

"ano nga pala gusto mong pangalan? hmm..."ano bang magandang ipangalan sa kanya,nag isip muna ako marami Akong binanggit na pangalan pero parang hindi nito nagustuhan

"puroro ayaw mo rin?" parang masyadong nakakaiw

"helm nalang parang helmet yun nalang ah wag ng pumalag pa little pussy"tumagal pa kami sa puno na yun ng dumating si craine kasama sila benya at aiko kasama rin mga kaibigan nila pinakawalan ko helm tumakbo naman ito kahit saan ng hindi ko na ito makita ay nakipag laro narin ako kila craine, marami pa kaming nilaro bago pa nagsimula nanaman bangayan namin dahil palagi nalang daw siya taya ng mataya si craine ay hinila ako ni craine paalis dun at nilait si Hannah kasi siya palaging taya,

ng makaalis kami dun ay inalis ko pagkakahawak saakin ni craine binitawan din naman niya ito lumapit ako kay helm na ngayo ay nakikipag laro sa pusa ng kapit bahay namin

"sayong pusa yan?"tanong niya ng makitang kinarga ko ito

"oo bakit pero hindi ko ito ipapahawak kahit kanino pati sayo"

"isusumbong kita kay kuya zeriel hala ka bawal diba ng pusa sainyo sabi niya"ginaya gaya ko pagsasalita niya at pinandilaan siya nainis naman si craine kaya sinipa ako sa pag kakaupo ko natumba naman ako muntik ko pang maipit si helm kung hindi ito lumayo agad saakin, tumayo ako at hinarap si craine

"inaano kaba huh"sinunutok ko ito sa baywang ng malakas susuntukin kopa sana ito ng bigla itong umiyak naka hawak pa ito kung saan ko ito kanina sinunutok

"ano?"pumusisyon pa ako na parang handa nang makipag laban iniharang ko ang kamay ko sa mukha ng susuntukin sana ako ni craine sainis niya ay sinipa niya nalang ako natamaan din ako nito sa tuhod masakit yun pero hindi ko ito pinansin

"yayayah!"pang gagaya ko sa laban na napapanood ko na minsan ng makalapit ako sa kanya ay sinabunutan ko ito sa buhok inabot niya rin ang buhok ko,ng maabot niya ito ay nagsimula narin siya humila sa buhok ko ganun rin ako sakanya inapakan ko paa niya napa bitaw naman siya buhok ko binitawan korin sakanya

nginisihan ko ito umiyak naman itong napakalakas nataranta naman ako sa ginawa niya at pinatahan siya baka marinig nanaman ni papa lagot ako

"wag kanang umiyak joke lang yun" hindi ito tumigil at umiyak pa ng napakalakas na mas lalo kung ikinataranta naiiyak narin ako dahil baka may makakita saamin at isumbong nanaman kay papa na inaway ko si craine

"suntukin mo nalang ako para kwits na tayo wag ka ng umiyak ikaw rin naman nauna" hindi ito kumibo at umiiyak parin

"craine naman ka--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla ako nitong suntukin ng malakas sa tiyan, napapikit ako sa sakit halos hindi ako makahinga hindi ko mailabas ang iyak ko napaupo ako at kumuha ng hangin bago umiyak napaka lakas kesa sa iyak kanina ni craine

"ZENNA!!" nakita ko si papa namay dalang stick na pamalo lumapit samin si papa ng makalapit ito saakin ay pinalo ako nito sa legs bumakat din ito dito

"ano nanaman ginawa mong bata ka" pinalo ako ulit nito wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak nakita ko rin si craine na umiiyak na nakaupo sa may bato habang naka tingin saakin, hila ako ni papa at dinala sa bahay papadapain pa sana ako nito ng dumating si kuya inagaw ako ni kuya kay papa at sinamaan ng tingin si papa yumakap naman ako sa leeg ni kuya at doon umiyak ng impit

dinala ako ni kuya sa kwarto at pina upo sa lap niya iniharap niya ako sa kanya at sinuklay buhok kung na gulo

"anong ng yari?" malamig nitong tanung na naka tingin saakin habang hinahaplos likod ko hindi naman ako dito maka tingin

"zenna!" maypagbabanta sa tuno nito

"s-si h-helm ayaw k-ko ipapahawak kay c-craine" sumisinok kung saad tumango naman si kuya

"tapos?"

"nagalit" sumigot muna ako bago pinagpatuloy "isumbong daw niya ako sayo tas sinipa niya ako" sumbong ko dito bumuntong hininga naman si kuya

"nasan yung pusa,si helm?"

"andun sa kabilang bahay" ibinaba ako ni kuya sa kama at inihiga umalis din agad ito

hinaplos ko kung saan ako kanina pinalo ni papa ramdam ko parin ang pag iko ng tiyan ko dahil sa lakas ng ginawa ni craine kanina

lumipas ang minuto ay bumalik ulit si kuya na dala si helm lumapit ito sakin at itinabi sa pagkakahiga ko ang pusa tumabi sakin si kuya at hinaplos haplos buhok ko

"wala kang trabaho kuya?" nagtataka ako dahil lunes ngayon dapat nasa bakery siya ngayon

"matulog ka muna mamaya labas tayo" pag iiba niya sa usapan tumango nalang ako kahit nagtataka maingat akong umayos ng higa at niyakap si helm hindi tumagal ay naka tulog agad ako dahil nadin sa paghaplos ni kuya sa buhok ko

nagising nalang ako ng mag maramdaman akong dumidila sa may banda kung saan ako kanina pinalo maingat kung inagat ang katawan ng hindi nagagalaw ang paa para malaman kung ano ito nagulat ako ng makita si helm na parang sulat na binubura ang nag violet kung pasa wala narin akong maramdamang sakit dito ng matapos si helm ay umangat ang ulo nito nagulat din ito ng makita akong gulat na gulat din

tumakbo si helm palabas ng kwarto kung nasaan ako inilapit ko ang paa ko at pinagmasdan ito nagtaka ako kung bakit nawala kaagad ito samantalang umaabot pa itong tatlo o limang araw bago mawala ang bakat ng stick na yun, wala narin akong maramdamang sakit dito parang wala lang ng yari sakin kanina.

CATch ME nOWWhere stories live. Discover now