Nanghihinayang

8 1 0
                                    


Nangangamba ka sa mga kilos kong kakaiba 

may nais kang alamin ngunit takot kang sambitin

mga tanong sa likod ng iyong tingin.


Bakit di mo subukang ako ay tanungin man lang

nang di ka naguguluhan sa kilos kong di mo maintindihan,  

 at ng malaman mo kung sayo'y may nararamdaman.


Mahirap kasing umamin sa taong nagugustohan, 

lalo na at may mga sekreto kayong pinag-saluhan,

at kung sa simula pa lang ang tanging tingin nya saiyo ay isang kaibigan.


Kung sa isipan mo'y naglalaro lamang ako,                                                                                                   

dahil madalas ikay'y aking binibiro 

marahil sa ganon paraan ko lang maitatago ang tunay na nadarama sayo.


Kung may lakas lang sana ako noon ng loob na sayo ay ipaalam,    

o ipagsigawan man lang ang tunay kung nararamdaman,   

hindi sana  nanghihinayang na ika'y aking pinakawalan.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A poemWhere stories live. Discover now