07

109 32 61
                                    

June 2018 (Past)

"Aubrey!" mangiyak-iyak akong sinalubong ni mama palabas ng kulungan. Nang makalapit ako sa kaniya ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Mama!" yun na lang ang nasabi ko saka tuluyan akong umiyak.

"Laya ka na anak!" Bulong niya sa'kin habang hinahaplos-haplos niya ang likod ko.

Pagkatapos ng ilang buwan kong pananatili sa kulungan ay napatunayan na rin na inosente ako. Dumaan ako sa maraming trial para mapatunayan na self-defense ang ginawa ko at nagpapasalamat din ako kasi tinulungan kami ni atty.Villamayor, kung hindi dahil sa kaniya ay baka mas natagalan ako sa pagstay ko sa kulungan.

Pinunasan ko ang luha ko saka ko tinignan si mama. "Opo, salamat po ma, kasi hindi kayo sumuko sa'kin."

Nakita ko na nangsisimula na ring mangilid ang luha sa mata ni mama. "Ano ka ba! Lahat gagawin ko para sa'yo."

Napangiti ako sa sinabi ni mama. Hinawakan niya ang kamay ko saka naglakad kami palayo sa kulungan kung saan panandaliang naging miserable ang buhay ko. Ang tatlong buwan na pagstay ko sa kulungan ang oras na pinaka-ayaw ko ng balikan.

Habang naglalakad kami palayo ay hindi ko mapigilan na mapatitig sa langit kahit na nasisilaw ako sa liwanag ng araw. Tatlong buwan din akong hindi nakaranas na makalabas at sobrang sarap sa pakiramdam na makalaya.

"Mama!" Tanong ko kay mama habang sabay kaming naglalakad. "Galit po ba kayo sakin?"

Napatingin siya sa'kin habang nakakunot ang noo niya. "Bakit naman ako magagalit sa'yo?"

"Dahil sa ginawa ko kay papa."

Alam kong mahal na mahal ni mama si papa at alam ko ring siya ang pinakanasaktan sa mga nangyari kaya natatakot ako na baka may galit siya sa'kin.

Panandalian kaming tumigil sa paglalakad. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Hinding-hindi ako magagalit sa'yo anak, alam ko namang nagawa mo lang 'yon dahil sa mga kasalanan ng papa mo. Wala kang kasalanan, naiintindihan mo ba?"

"Kasalanan lahat ng papa mo kung bakit 'yon nangyari sa kaniya. Masyado siyang nabulag sa pera sa at sa kabit niya sa punto na nakalimutan niyang may pamilya pa siya, kaya kahit kailan ay hindi ako magagalit sa'yo. 'Wag mong sisihin ang sarili mo dahil sa mga nagawa mo. Wala kang kasalanan."

Tumango-tango ako kay mama at lumapit ulit ako sa kanya para yakapin siya. Tama si mama, wala akong kasalanan, nagawa ko lang ang lahat kasi gusto ko lang ipagtanggol si mama kay papa.

Wala akong kasalanan!







"MA'AM!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang biglang may kumatok sa pinto. Napakamot na lang ako sa ulo ko at ginulo-gulo ko yung buhok ko dahil sa inis.

"Ma'am!" ulit niya pa habang halos kalampagin niya na yung buong kwarto.

"Oo na! HETO NA PO! BAKA PWEDE KAYONG MAKAPAGHINTAY?" inis kong sabi saka ako tumayo at padabog na lumapit sa pinto.

"Bakit po?"

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin yung lalaking kumuha kay lola kagabi. "Ah, ma'am kasi po hinahanap po kayo ng lola mo."

Maybe In Another Year (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon