04

144 34 79
                                    

"Ssob, sige na! Ibigay mo na sa'kin yung 3k!" Pagpilit ko kay Jazmig habang binubunggo-bunggo ko siya ng braso ko.

"I already told you, I can't remember anything," bwelta niya sa'kin habang pababa kami ng bus na galing sa barko.

Tapos na ang isang maligayang araw kong pananatili sa cabin ng barko dahil nakarating na kami sa Manila ni Jazmig at ngayon ay kakababa lang namin sa bus.

"Imposible, malinaw kong sinabi sayo kagabi na kapag hinayaan kitang yakapin ako ay babayaran mo ako ng isang daan kada-minuto at pumayag ka. Maganda ang usapan natin kagabi boss tapos hindi mo ako babayaran, hindi ka naman marunong tumupad sa usapan, 'wag ganun!"

Sa totoo lang ay wala naman kaming usapan na ganun pero syempre hindi naman ako papayag na pakinabagan niya lang ako. Sexual harassment iyon at hindi dapat binabahala. Kailangan niya akong bayaran!

"Kung bibigyan kita ng 3 thousand at 100 ang singil mo kada-minuto, does that mean na 30 minutes kitang niyakap?" Huminto siya sa paglalakad para tanungin iyon sa'kin.

Palihim naman akong napangiti, ibig-sabihin wala siyang naalala kagabi kaya pwede ko siyang maloko.

"Opo, 30 minutes mo akong niyakap kaya kung ako sayo bayaran mo ako kundi magsasampa ako ng reklamo! Naku! kabahan ka na boss mahirap makulong sa kulungan. Kaya sige na! Bayaran mo na ako."

Tinapat ko ang kamay ko sa mukha niya na parang sinisingil ko siya sa utang niya pero tinawanan niya lang ako.

Mokong 'to ah! Hindi ba siya natatakot sa'kin?

"Okay, fine. Babayaran kita mamaya."

"Yes! Yes!" Napatalon-talon ako dahil sa tuwa.

Okay! 3k here we go!

Napa-isip naman ako bigla. "Teka, bakit mamaya pa?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot dahil pumara kaagad siya ng taxi nung makarating kami sa highway.

Binuksan niya ang pinto ng taxi para sa'kin.

Wow! Gentleman din pala 'tong si Boss.

Pumasok ako sa loob saka rin siya pumasok at tinabihan niya ako. Kinausap niya saglit yung driver tapos may sinabi siyang address.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang pinagmamasdan ko ang mga buildings at mga tao na unti-unting lumalayo sa akin.

Marahan akong napapapikit dahil medyo mainit ang sikat ng araw dahil alas dose na ng tanghali ngayon.

"Sa hotel."

Nanlaki bigla ang mata ko dahil sa sinagot niya.

HOTEL?

ANO NAMANG GAGAWIN NAMIN SA HOTEL? TEKA, BAKA INIISIP NITO NA ISA AKONG KALADKARING BABAE?

SINASABI KO NA NGA BA, HINDI AKO DAPAT NAGTITIWALA BASTA-BASTA SA MGA STRANGERS, PAANO---

"Mali ang mga iniisip mo miss, pupunta akong hotel dahil kailangan kong magpahinga. Sa Tondo pa kasi ang mismong pupuntahan ko at hindi kakayanin ng katawan ko na bumiyahe papunta roon. So, I need to rest for a bit."

Mind reader ba 'to?

"Bakit? Wala naman akong iniisip ah!" Pagmamaang-maangan ko.

"Okay, let's just say na hindi ako naniniwala," natatawa-tawa niyang sabi.

"Eh kung ibigay mo na lang ngayon yung bayad mo sa'kin? Tutal naman nasa Manila ka na, bayaran mo na lang ako para tapos na ang usapan," suhestiyon ko sa kaniya.

"I can't do that. Wala nga akong cash."

Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Eh paano mo babayaran si kuya driver kung wala kang cash?"

Maybe In Another Year (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon