18

72 28 8
                                    

"Sige na kasi, please! Sigurado talaga akong mananalo tayo dun," pagpipilit ko kay Jazmig na i-try ang punching game. Kapag kasi umabot sa 600 ang score ay may mga magagandang premyong merch mula sa Harry Potter. Sa muscle at tindig pa lang ni Jazmig ay sure na akong mataas ang score na makukuha niya, baka isang suntok pa lang niya sa machine ay makakuha agad kami ng prize.

"Ang gaganda kaya ng prize nila, may beer, may wand, may magic broom tapos kapag nahit mo yung pinakahighest score ibibigay nila sayo yung uniform ng mga witch sa Hogwarts!" pagpupumilit ko pero patuloy pa rin siya sa paglalakad para maghanap ng ibang rides.

Medyo dumadami na ang tao rito sa loob ng amusement park, mabuti na nga lang at napakalma ko kanina si Jazmig matapos naming pumasok sa horror house, ilang minuto rin kaming umupo sa bench hanggang sa maging okay siya. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa nangyari sa kanya pero obvious naman siguro na may phobia siya. Baka siguro ay may phobia siya sa mga tyanak or baka may phobia siya sa mga madidilim na lugar.

"Nakasakay na ba tayo dyan?" tinuro niya yung drop tower kung saan halos umiyak na yung mga taong nakasakay. "I don't think so."

Hinawakan ni Jazmig ang braso ko para hilain ako sa rides na yun. Okay rin kasama si Jazmig sa amusement park dahil lahat ng rides ay sinakyan namin, wala kaming pinalampas kahit pa yung napakalaking roller coaster.

"Wait." huminto ako sa paglalakad at inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "Hindi ako sasakay dyan hanggat hindi mo sinusubukan yung punching game."

Sayang kasi talaga, 20 pesos lang naman yung bayad para makapaglaro at malakas ang gut feel ko na malakas sumuntok si Jazmig eh. Kanina nga muntik niya ng masuntok yung tyanak sa horror house.

"Okay, fine!"

"YES! YES! Hogwarts, here we go!" sabi ko habang napasuntok pa ako sa hangin dahil sa tuwa. Samantalang padabog na naglalakad si Jazmig papunta doon sa punching game. Ayan sige magalit ka para mas malakas ang suntok mo roon sa machine!

Pagdating namin sa punching machine ay naghulog kami ng 20 pesos. Unang try ni Jazmig ay 550 lang ang score niya.

"I told you, I'm not good at this!" reklamo niya sakin habang naghuhulog ulit siya ng 20 sa machine para sa second try.

"Ano ka ba! Magtiwala ka sa sarili mo, kaya mo yan! Wag kang sumuko agad!" pumwesto pa ako sa likod niya at hinampas-hampas ko siya para ganahan siya.

"Isipin mo ikaw si Manny Pacquiao at kailangan mong ipanalo ang laban! Isang suntok lang ang kailangan natin para manalo ang bansa--- este para makuha ko ang merch ng Harry Potter kaya sige na! Isipin mong ikaw si Pacquiao at ako naman si coach Freddie Roach!"

"Stop talking about boxing! It's different from punching game," inis niyang sabi saka siya bumwelo para sumuntok. Tama 'yan Jazmig, mainis ka pa!

Sinuntok niya yung punching bag at halos magdikit na ang dalawang kamay ko sa pagdadasal na sana lumampas sa 600 ang score niya.

Napatalon ako sa tuwa nang nagflash sa screen ang 740 na score niya.

"WOAAAH! Nagawa mo huhu, nanalo tayo!" sigaw ko habang nagtatatalon ako. Sinasabi ko na nga ba eh, mananalo kami!

"Ang galing mo talaga ssob, alam mo pwede kang maging body guard para isang suntok lang tumba agad ang mga stalker or 'di kaya magboxingero ka, malaki pa naman ang sweldo ng boxingero," sabi ko pa habang tinatapik-tapik ko ang braso niya.

740? Teka anong premyo ba ang makukuha ko sa 740?

Tinignan ko ang prize board at lalo akong natuwa. "OH TIGNAN MO! May free tayong isang malaking bote ng beer galing sa Hogwarts!" turo ko roon sa premyo.

Maybe In Another Year (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon