Chapter 2

9 0 1
                                        

(Aiden's POV)

Chocolate brown hair and blue-green eyes...

Hindi ko matanggal yung itsura ng babae na yun sa isip ko. Alam kong nakita ko na sya dati... Pero bakit parang di ko maalala kung ano pangalan nya...

"Jam!" Arre, may kumakatok sa back door ng SC room.

"Pasok!" Sigaw ko habang sinasign yung mga papeles. "Oi Jam, nakita mo si Than?" Tanong ni Kyle habang papasok ng kwarto.

Kyle Asher Jenkins, isa sa mga best friends ko since childhood, kasama si Than. As best friends, si Kyle yung athlete, and ako yung... "Mr. Perfect" sa grupo. Kaso, walang love life, samantalang si Kyle... Girlfriend nya si Than. Diba ang weird? Third party lang ako pag magkasama sila.

"Kakalabas lang ni Than." Sabi ko. I opened a book na may listahan at pictures ng mga students dito sa university. "Eh? Sabi ni Than dito daw kami magkikita..." Ngayon, kamot ng kamot si Kyle sa ulo nya. "Waaaah! Than! Pucha ka, babe!!" Sigaw ni Kyle.

Tinawanan ko lang sya. "Okay lang yan, Kyle. At please, wag kang sumigaw ng malakas. Library yung katabi ng Student Council room."

"Okay..." Then tumahimik na si Kyle.

Siguro mga 20 minutes lumipas, tahimik pa rin si Kyle. Dahil dun, 8 na lang yung kailangan kong i-approve, 4 fraternities and 4 sororities... Hindi ko pa sinasara yung book, at na sa B pa lang ako.

Blake, Ashton
- age 19
- Art major
- Has a younger sister (look for Blake, Jazmine Olivia)
- June 19, 1996

Blake, Jazmine Olivia
- age 17
- Fashion major
- Has an older brother (look for Blake, Ashton)
- September 21, 1998

Boston, Ramona Gaile
- age 17
- Science major
- mild allergy to (specifically) ostrich feathers
- May 5, 1998

Ashton Blake, yan, isa din sya sa mga best friends ko. Like Kyle, athlete sya, and the good brother type. Before, isang beses ko lang nakita sister nya, and dati, short yung buhok nya, medyo may pagka-blonde hair sya, and cute naman, but that was back when I was only 8.

Tinignan ko yung mga pictures, starting kay Ashton haggang kay Ramona. Bakit? 3 people per pages eh, kaya 4 libro to eh.

"Bro, text mo nga si Than." Utos ni Kyle. "Bakit?" Tanong ko habang inoorganize na yung last book.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Things that don't mixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon